Chapter 2

1413 Words
"A delightful good evening everyone. Thank you for being with us today, for supporting us from the beginning, and for every new face to our St. Laurellian High School......Thank you." Nang matapos na akong makapag salita ay agad kong narinig ang palakpakan mula sa visitors na nang-gagaling sa ibang lugar. ngumiti ako habang pababa at ang aking lolo naman ay umakyat sa stage upang mag salita. "Thank you to my first granddaughter...." 'yan na lang ang huli kong narinig sa aking lolo sa speaker dahil may nakakuha ng atensyon ko. Nakita kong kumakaway si Kaycee at Nicole, napakaganda ni Nicole kapag ngumingiti. Lumapit ako sakanila para tanungin kung anong ginagawa nila doon ngunit hindi ko na sila natanong dahil hinila nila ang aking kamay papalayo sa event ng aking lolo. Wala na lang akong nagawa kundi ang sumama. "Welcome, Ms. Savilla. This is your event for today and you are the star, light, and shine of this place" Pag welcome saakin ni Kaycee sa rooftop ng school namin. makikita mong inayos talaga nila ang lugar na ito dahil ang paligid ay puro ilaw, may malaking telang puti sa harapan, may sapin at unan, at may mga pagkain. Hindi namin pinalagpas ang pag ka-kataong iyon kaya nag simula na kaming manood at kumain ng kung ano-ano. Walang hintong pagkwe-kwentuhan at tawanan ang naganap, nag paalam na ako kay Kaycee na ako'y bababa sa building para sa closing prayer ng event ni lolo. "Pano ba 'yan, bababa na ako. See you again?" pag papaalam ko sakanila at kitang-kita ang pag simangot ni Kaycee saakin. "Ang aga pa Alina, 30 more mins. please?" pag mamakaawa saakin ni Kaycee. hindi na ako pumayag dahil sobra-sobra na ang oras ko na kasama sila kaya umiling ako at nag tungo sa baba ng building. Nakababa na ako at naka-titig sila saakin, hindi ko maipinta ang mga muka nila dahil iba ang mga titig nila. Biglang nag salita ang aking lolo. "What time is it Alina? you're supposed to be the closing prayer for this event, you ruined my name." Ani ni lolo saakin na nakakunot ang noo. Bigla kong namulat ang aking mata at dali-daling bumangon. "ohw shoot, what a foolish dream" sigaw ko sa aking sarili. "Ha, anong problema Alina? may nang-yari ba?" Tanong ni Kaycee nang maalimpungatan siya sa sigaw ko. "Kaycee bakit nandito ka sa higaan ko?" Tanong ko sakaniya. "Pinag sasabi mo?" sagot niya saakin, nilingon ko ang aking paligid at napagtanto ko na nasa rooftop pala kami ng building ng school. Dali-dali akong bumaba upang masigurado ko ang aking nasa isip. nakababa na ako at wala nang tao sa baba, tama nga ang nasa isip ko na nakatulog ako sa itaas kasama si Kaycee at Nicole. Madilim kase kagabi at malamig ang simoy ng hangin kaya masarap matulog, tinawagan ko si manang Marielle upang pakiusapan na pakisundo ako. maya-maya ay dumating na ang sasakyan, pag bukas ng pinto ibang titig ang sumalubong saakin. "Care to explain yourself" Nagtitimping tanong saakin ni papa. "Nakatulog lang po ako kasama si Kaycee at Nicole sa itaas" mahinahon kong sagot. "Is that a valid reason Alina? you ruined your Granpa's name, you ruined your name" Hindi na lang ako umimik dahil ayaw kong madagdagan pa 'to. "Sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka na dito papasok. I'll transfer you to Sebastian Aridel Academy at simula bukas sa SAA na kita ipapahatid, and one more thing Alina, hindi ka na pwedeng pakipag usap o pakipag kita kay Kaycee at Nicole." "They are a bad influence, hindi ka magiging ganyan kundi dahil sakanila. sa oras na malaman ko na sumuway ka sa utos ko, si Kaycee at Nicole mismo ang palalayuin ko sa'yo. clear?" dagdag pa ng aking ama sa sinabi niya kanina. Tumango na lang ako, may magagawa ba ako? pag katapos akong pangaralan ay agad na kaming pumasok sa sasakyan dahil baka may makakita pa saamin. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakauwi na kami, malapit lang ang aming bahay sa St. Laurellian High School hindi tulad sa SAA ay mahigit isang oras ang byahe. "Alina" Pag banggit ni manang Marielle sa pangalan ko "Saan ka ba nanggaling, nag aalala ako sa'yo kagabi pa!" "Salamat manang, hindi nga sila nag alala nung hindi ako nakauwi tapos kung pangaralan nila ako ay parang nag aalala sila" paiyak kong wika kay manang. "Ano ka ba naman Alina syempre nag aalala sila, unang anak at apo ka lang ng mga Savilla" Sagot saakin ni manang habang hinihimas ang likod ko. "Ayan, kaya nag kaka-ganyan si Alina dahil palagi niyo siyang kinakampihan, mali ata ako ng pag papalaki jan" Sabat naman ng aking ama sa usapan namin ni manang. Biglang dumating si lolo at naabutan kaming nakatayo. "Anong nanayayari dito Alio?" Tanong ni lolo saaking tatay. Hindi pinansin ng tatay ko ang kanyang ama, hindi niya pinansin ang aking lolo. Nag daan kami sa masinsinang usapan, nandito ako ngayon sa isang silid na naging opisina ng aking lolo dati at kinuwento ko saaking lolo ang nang-yari kanina nang sunduin ako ng aking tatay. mahinahon akong pinag sasabihan ng aking lolo "Hindi mo naman sinira ang aking pangalan apo, nandoon naman si Lance para pag takpan yung closing prayer mo." Nabigla naman ako nang mabanggit ng aking lolo ang pangalan ni Lance. "Lance? Lance Gabriel Vasco?" Tanong ko sa aking lolo. "Oo apo, nandoon ang kaniyang magulang kaya nandoon din si Lance malaki ang naiambag nila sa school na pinatayo ko Alina kaya okay lang saakin na si Lance ang sumalo sa'yo nung wala ka." Natapos na ang aming pag-uusap ni lolo at ako'y nag tungo sa aking silid upang buksan ang aking cellphone para maimbitahan ko ang Vasco family para sa dinner mamaya. nakiusap ako kay lolo na baka pwedeng mag salo-salo kami dahil sa ginawang tulong ni Lance saakin, agad naman itong pumayag at nag pahanda ng hapunan sa bahay. Alas-siete na ng gabi at nag simula na kaming mag hapunan kasama ang Vasco Family. "Salamat sa pag imbita sa hapunang ito, kumusta ka Alio? nasaan nga pala ang iyong asawa na si Arianna" Ani ng tatay ni Lance saaking ama. "Mabuti naman, ito buhay pa" Sagot ng aking tatay na may kasamang pilit na tawa, hindi sinagot ng aking tatay kung nasaan ang kanyang asawa. Sari-saring paksa ang napag-usapan nila sa hapag kainan, nakatitig saaking si Lance na para bang mangangain. Napansin ng aking lolo ang mga titig na iyon kaya nag salita si lolo. "Iho, may sasabihin ka ba?" Tanong ni lolo kay Lance. "Mhmm...gusto ko lang po sana na yayain si Alina sa labas tutal nag uusap lang naman kayo rito" walang respetong sagot ni Lance. Biglang tumitig ng masama ang kanyang tatay sakaniya, napatayo si Lance nang maramdaman niya ang kamay ng kaniyang tatay na dumampi sa kaniyang braso. Ngayon ay nasa labas na kami, ang tungo namin ay papuntang hardin. "Ang swerte mo Alina" Ani ni Lance saakin habang nag lalakad. "Bakit naman?" Tanong ko sakaniya. "Swerte mo sa puntong hindi ka napapagbuhatan ng kamay ng ibang tao" Sagot niya saakin habang unti-unti niyang tinataas ang manggas ng kaniyang t-shirt. Nabigla ako nang makita ko ang malaking bakat ng kamay sa kaniyang braso. "Anong nang-yari jan?" Tanong ko muli sakaniya. "Kagabi 'yan nung nag prisinta akong mag closing prayer dahil wala ka" "Ano namang kinalaman non sa braso mo?" Pangatlong beses ko nang pag tatanong sakaniya. "Napag buhatan ako ng kamay ni Dad, masyado daw akong nag marunong at nag desisyon mag isa. Hindi ko naman alam na ikakasama ko pala ang pag takip sa'yo" madiing pananalita ni Lance habang hawak niya ang kanyang braso. "Pasensya na kung ganon Lance hindi na mauulit, pangako." mahina kong paumanhin sakaniya. bigla kong naramdaman ang dampi ng kaniyang labi sa akin, naitulak ko siya ng malakas dahilan ng kanyang pag kabagsak sa lupa. Tumakbo ako papalayo sakaniya at nag tungo sa cr ilang sandali pa ay narinig ko nang nag papaalam ang Vasco Family saaking lolo at tatay, hinahanap nila ako para makapag paalam ngunit hindi ako lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD