Nasa byahe na ako papuntang SAA, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang ginawa ni Lance na halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Liliko na lang ang aking sinasakyan ay makakarating na kami sa aking bagong iskwelahan ngunit may humarang na nakabisikleta, sinita ito ng aking driver upang umalis ngunit lalo niya pang tinindig ang kanyang paa at humarap sa sinasakyan ko. hindi makita ng maayos ang kanyang muka sa bintana dahil naka-face mask ito, Malalate na ako kaya lumabas ako ng sasakyan.
"Paki-usap, sermon ang aabutin ko kapag hindi ako nakapasok ng maaga" Sigaw ko habang papalabas ng pinto ng sasakyan. Nag iba ang expresyon ng muka ko nang makita ko si Tob, Tob Crist Albia kaibigan ko dati nung kami'y elementary pa.
"Long time no see Ali" Pangisi-ngisi niyang sabi saakin habang papalapit at sabay yumakap ng mahigpit.
"Tob, I miss you so much" Tanging sagot ko sakaniya at yumakap din pabalik.
Sabay na kaming pumasok sa main gate ng SAA, sinabihan ko ang aking driver na ilihim na lang ang pag lalakad ko papasok kasama si Tob tumango naman ang aking driver at nag tungo na pauwi. Ngayon ay kasama ko si Tob at inilabas niya ang mahiwagan kadaldalan.
"Wala ka pa ding pinagbago Tob, Madaldal ka pa din" Ani ko sakanya at napatawa lang ito.
"Na-miss kaya kita akalain mong mag kakalayo tayo dahil ipinalayo ako ng tatay mo!" Pagalit niyang ani saakin.
"Pasensya ka na ipinaliwanag ko naman na, na ako dapat ang sisihin sa pagkalunod ko. Hindi ko din naman kase alam na aabot tayo sa malalim." Pag papaliwanag ko kay Tob.
"Hayaan mo na, Ilang taon na ang nakalipas oh...gra-graduate na nga tayo pero syempre gusto ko kasama ka" Wika niya saakin na napatawa ako bigla.
"Ba't mo nga pala hinarangan ang aking sinasakyan kanina Tob?" Tanong ko sakaniya
"Aba! Bakit hindi, gamay na gamay ko kaya ang sasakyan niyo kaya imposible na hindi ikaw 'yon" Sagot niya sa tanong ko.
Tumunog na ang bell at nag sipasukan na ang lahat, nauna nang mag paalam si Tob dahil baka malate pa daw siya. Ito ako ngayon at naka upo sa office ng school upang tanungin kung saan ang aking silid aralan. Isang mataray na stuff ang humarap saakin.
"Kalahati na ng buwan at ngayon ka lang papasok sa paaralang ito Ms. Savilla" Mataray nitong wika saakin. Hindi ko siya sinagot dahil baka mag karoon kagad ako ng record sa school na ito.
"Room 510, 2nd building, fifth floor" Maldita niya muling wika saakin.
Talagang pinapahirapan ako netong stuff na 'to, sinong bang may ari neto at bakit ganito ako parusahan, sari-sari ang pumasok sa aking isip ng sabihin saakin ang numero ng aking silid aralan. kahit mag recess pa ng sampung beses hindi ako baba dahil napaka daming hagdan bago ka pa makababa.
Nakita ko na ang room 510, kakatok na sana ako nang pag buksan ako ni Tob. Laking gulat ko na kaklase ko pala siya, binuksan ni Tob ng malaki ang pinto para makapasok ako at nag tinginan naman ang mga tao sa loob at halos matatalim na mata ang nakatitig saakin.
"Class, This is your new classmate, please introduce your self" Ani saakin ng bago kong guro.
"My name is Alina Arken Savilla, I'm from St. Laurellian High School and nice to meet you all" hiya kong pag papakilala sakanila.
"Thank you, Alina you may sit beside Ms. Villiena" Utos saakin ng aking guro na agad namang nag situunan ang pansin nila sa aking katabi.
"They both look like losers" Sambit ng nasa likuran namin.
"Should we have some fun?" Sambit naman ng kaibigan niyang nasa likuran rin namin.
"They don't belong here" Bulong ng nasa kaliwang bahagi namin.
"Akala ko ba ang paaralang ito ay punong-puno ng mararangal na istudyante bakit palamuti lang ang nakikita ko?" Ani ko sa nasa likuran namin at kagad namang nanlaki ang mata ng aking katabi at sabay bulong saakin.
"Let them, btw I'm Sky Villiena" bulong na sabi saakin ni Sky.
"Villaena? baka balyena" Pang aasar ng nasa likuran namin kay Sky, agad naman nag tawanan ang mga nakarinig non at unti-unting tumungo si Sky nang marinig ang tawanan.
"I'm Jazz Delvino, Be aware to your enemy baka makabingwit sila ng pag kakamali mo" Bulong saakin ni Jazz na nasa likuran ko na akala mo nakakatakot siyang kalabanin. pinabayaan ko na lang iyon at nakinig na lamang ako sa sinasabi ng nagtuturo sa harapan...maya maya pa ay may bumato saakin ng papel, humarap ako at si Tob lang pala 'yon.
"Basahin mo" Wika niya saakin ng walang tunog. nasa likuran si Tob kaya hindi kami makapag daldalan, bunuksan ko ang papel at binasa.
"Okay, see you sa canteen" Wika ko din na walang tunog pero naintidihan niya pa din.
"Hey, stay away from my man" Ani saakin ni Jazz nang makita niya ang ginagawa namin ni Tob.
Man?? Are they in a relationship? ow, shoot this can't be. nakatitig lang ako sa aking libro na para bang nababaliw kakaisip sa sinabi ni Jazz kanina. The bell rang at hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni Tob para yayain at sabay daw kaming kakain, tumayo ako at biglang humarang ang babaeng ito saakin.
"Distance yourself Alina Arken Savilla I don't want to ruin your first day babe" Mahina niyang sambit saakin habang hinihimas ang aking pisngi. Hindi na ako tumuloy sa usapan namin ni Tob dahil hinila na ni Jazz si Tob papalabas ng silid namin.
"Let her, she's just a spoiled brat" Ani saakin ni Sky at naupo na lang ako sa tabi niya. Dalawang subject na lang papasukan namin at malapit na mag uwian. Pinatawag akong bigla sa principal office at pina-excuse ako sa dalawang subject na natitira.
"Good Afternoon Ms. Savilla, how's your first day?" Tanong saaking ng principal ng SAA.
"Good, Thank you but Why am I here?" Tanong ko.
"We'll be having some nominations for the president in every classroom and I'd like you to cooperate." Mahinahong sabi saakin ng principal.
"No worries, I will" Mahina kong sagot.
"Pwede na po ba akong bumalik?" Tanong ko rito.
"Sure, thank you for your time" Pag papasalamat saakin ng principal at agad na akong nag tungo sa 5th floor, sa silid aralan namin. Naririnig kong nag didibati sila, kaya pumasok ako ng hindi nila namamalayan.
"Ayan, si Alina na lang" Agad na lumaki ang mata ko ng banggitin nila ang aking pangalan.
"Tama, siya na lang...matalino, mabait at higit sa lahat masipag." Sambit ng isa kong eleganteng kaklase.
"May point ka, isama mo na yung word na "maganda" kunwari ka pa!" Pahabol na wika ng isang lalaki at sabay-sabay silang nag si-tawanan. Nag bobotohan na sila at dumadami ang numero sa pangalan ko.
"Okay class, is it final that Alina Savilla will be our class president?" Tanong ng aming guro saamin.
"Yesss" sabay-sabay silang nag salita at nag si tanguan.
"Can someone close the nomination of the president" Utos saamin ng aming guro. biglang tumaas ang kamay ni Jazz upang mag prisinta ngunit akala ko ay doon na nag tatapos.
"I disagree to that girl to be our class president" pag pro-protesta ni Jazz na may pagkamaldita niyang sambit sa lahat habang nakataas ang isang kilay. Hindi ako umiimik dahil okay lang naman saakin ang magiging desisyon ng aking mga kaklase.
"Alina is just a transferee student, kalahati na nang buwan simula nang mag pasukan at ngayon lang siya pumasok dito. Kilala niyo ba siya? baka hindi natin alam mag nanakaw pala ito at higit sa lahat hindi natin alam kung bakit ngayon lang siya pumasok, baka criminal pala siya at nag tatago o kaya naman nag tatago sila nung pamilya nila" Pag papaliwanag niya sa lahat ng may halong tawa.
Kumunot ang aking noo at tumayo ako dahil hindi ko kinayanan ang pang huhusga niya.
"Excuse me Ms. Delvino, You don't know who I am, should we say I knew you from the start?" Pag mamaldita ko ding wika sakaniya. akala niya siguro na hindi ko kayang lumaban.
"Well, if you knew me, can you tell me who I am?" Pang-aasar pa nito saakin.
"Jazz Delvino, The youngest daughter of Rey Delvino who will not inherit the company of her father. My father is Alio Ramuel Savilla and your company is full of my father's share, Am I right Ms. Delvino?" Taas kilay ko ding sagot sakanya at nag simulang mag bulungan ang lahat.
"You're wrong Alina, you don't know who I am." Pagalit niyang wika saakin at sabay hablot sa bag at papaalis ngunit nag salita muli ako dahil gusto ko nang tapusin itong pang huhusgan niya na kanina ko pang pinagtitimpian.
"Do you think I'm done? Well, no Jazz. So don't try to mess with Savilla's because you will find the greatest secret and if you find I swear you'll regret it. Sagot kong hindi kapani-paniwalang salita muna saaking bibig. Aalis na sana si Jazz ng dumating ang aming guro, umalis ito kanina pag katapos tumutol si Jazz sa pagiging president ko, Hindi nag sabi saamin ang aming guro na siya'y may pupuntahan kaya nag sagutan kami ni Jazz ng hindi inaasahan.
"Okay class, I'm sorry may pinuntahan lang ako saglit. Who will be the student na mag sasarado ng nominations for the president?" Tanong ng aming guro saamin.
Tumaas ng kamay si Tob "Ako na po ma'am" Pag pri-prisinta niya.
"Now, I will close the nomination for president. I second the motion" Masaya niyang wika sa aming lahat na parang akala mo ay hindi niya kami pinakinggan habang nag sasagutan ni Jazz.
"Our class president of this school year is Alina Arken Savilla who reached 19 votes over 20 votes. Alina can you give them your short speech as a president." Utos saaking ng aking guro. pumunta ako sa harapan at nag simulang mag salita.
"Thank you to everyone who voted for me. Thank you for giving me this opportunity, I am well aware of the responsibility that you have given to me. I’m hoping that with your assistance, I can guarantee that we all have a great time together. Once again, Thank you so much."
"Congratulations Ms. Savilla. Goodbye, and Thank you all." Huling sabi saamin ng aming guro at pwede na kaming mag si-uwian.