Chapter 4: Good Memories

2071 Words
Nicole Quarez "Nagawa mo ba ng maayos ang pakiusap ko Lance?" Tanong ko sakaniya. "Oo, Nics" Malamig nitong sagot saakin. Lance is my stepbrother, mag katapid kami sa tatay pero hindi sa nanay. Pinaliwanag na saaking ni Dad kung bakit hindi ko kasama ang aking tunay na nanay, sa kwento ni Dad ang aking nanay ay lumayo noong inilabas ako pero pakiramdam ko ay may tinatago pa ito at hindi ko na muling sinubukang mag tanong pa patungkol dito dahil baka mag away pa kami ni Dad. Hahayaan ko na lang na ako ang makatuklas ng katotoohanan. "Lance, Nicole bumaba na kayo!" Sigaw ng aking stepmom na nasa hallway. Bumaba na ako, pag ka baba ko ay naabutan kong masama ang tingin ni Dad kay Lance. Umupo na ako sa tabi ni Lance at si Mom naman ay sa tabi ni Dad. "Hindi daw umiimik si Alina, may nang-yari ba?" Malamig na wika ni Dad Nag katitigan kami ni Lance nang marinig ito. Walang sumagot kaya muling natahimik ang aming kapaligiran. "Uulitin ko pa ba?" Ani niyang tumataas ang boses. "W-wala naman po Dad" Utal na sagot ni Lance. "I checked the CCTV footage Lance" Mahinang wika ni Dad saamin at nanlaki naman ang mata ni Lance. Biglang tumayo si Dad at akmang hahampasin si Lance ngunit napigilan ni Lance ang kamay nito kaya hindi na siya nahampas. "Kailan ka pa natutong lumaban?" Nagtitimping tanong ni Dad, Hindi sumagot si Lance kaya tuluyan na siyang nahampas at napa-upo sa sahig. Inaawat ni Mom si Dad ngunit hindi ito maawat. "Dad, enough!!" Malakas kong sigaw at nag si-tinginan sila saakin. Makikita mong namumula ang mga mata ni Lance dahil napapaiyak ito sa ginagawa ni Dad. Hinawakan ko sa braso si Lance upang makatayo sa kaniyang pag kakabagsak kanina at dahan-dahan ko siyang inilagay sa aking likuran. "Ako ang may kasalana non, ako dapat ang sisihin mo!" Walang galang kong wika kay Dad. Umakyat na kami ni Lance at hindi na muling bumaba dahil simula nung nang-yari kanina ay hindi na kami nakaramdam ng gutom. Nasa kwarto ko ngayon si Lance at nakatitig saakin. "Ba't mo sinabi 'yon? ba't ka umamin?" Tanong nito saakin. "Nasaktan ka kase ng sobra ng dahil sa'kin" Sagot ko kay Lance "Okay lang naman, alam mo naman na lagi akong pinag bubuhatan ni dad kaya sanay na'ko." Paliwanag naman nito. Hindi ko na siya sinagot pa at nahiga na ako. -KINABUKASAN- "Lance, sure ka bang papasok ka? alam kong masakit ang katawan mo sa nang-yari kagabi." Pag aalala kong wika sakaniya. "Ano ka ba, kayang-kaya ko 'to" Nakangiti niyang sagot saakin. "Sus! Baka mag takbuhan papalapit sa'yo ang mga habulin mong babae pag nakita yang bakat ng kamay sa katawan mo" Pang-aasar ko kay Lance. "Okay lang ako, ang problemahin mo ay si Alina tska mag pasalamat ka na rin dahil may stepbrother kang gwapo" Pagpapatawa naman ni Lance. Hinatid kami ngayon ng nanay ni Lance, Bumungad si Kaycee sa pintuan ng aming sasakyan. "Nicole, si Alina" Nangangambang wika ni Kaycee sakin. "Ha, bakit? Anong problema?" Tanong ko sakaniya. "Dumating kanina yung tatay niya, kinuha lahat ng informations ni Alina dito tapos tinanong ko yung tatay niya kung bakit hindi niya ito kasama." Wika niyang may lungkot sa kaniyang muka. "Tapos?" Tanong ko muli. "Ang tanging sagot ng tatay niya ay wag na daw natin siya guluhin dahil nasa maayos na daw siyang iskwelahan" "Ano??" Tanong kong hindi makapaniwala. Balak ko pa naman igalaw ang baso para makuha ko ang kanyang atensyon nang sa ganon ay makaamin ako sa aking nararamdaman. Makalipas ng ilang oras ay mag re-recess na kami, balak ko sanang kausapin si Kaycee para matanong kung anong dahilan ng pag lipat niya ng paaralan. May kumatok sa pinto at pinag buksan ito ng aking kaklase. "Excuse me po, Excuse lang po kay Nicole." Pag papaalam saakin ni Kaycee. Nang makalabas ako ay agad ko siyang kinausap. "Aba! ba't inexcuse mo pa ako e mag re-recess na din naman?" Tanong ko sakaniya "Shh! Mag cu-cut tayo ng class" Mahinang wika niya. "Ano? nalilibang ka na ba Kaycee? Private school 'to malabong makapag cut tayo" patanong kong sagot "Bakit hindi mo simulan tumahimik para walang makarinig saatin. halika na, kailangang makaalis na tayo bago pa mag recess" Sabi nito saakin at hinawakan ang aking kamay. Nakalabas na kami sa school at mukang handang-handa si Kaycee sa mangyayari dahil pag labas namin ay may nag hihintay na saamin. "Let's gooo~" Sigaw ng isang lalaki saamin nang makita kami. Sumakay si Kaycee sa motor at binigyan ako ng helmet. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito dahil hindi ko alam kung marunong ba siya o hindi. "Ano pang hinihintay mo gusto mo bang mahuli?" Nag mamadaling tanong saakin ni Kaycee. Sumakay na ako dahil wala na akong choice kundi ang sumama. bahala na si batman kung saan kami makakarating... "Nandito na tayo!" Wika ni Kaycee saakin. Hindi ko na malayan na nakatigil na pala ang motor na sinasakyan ko. takot ako sa pag sakay ng gantong klaseng sasakyan dahil natatakot akong madisgrasya. Tumingin ako sa aking kanang bahagi at nakita ko ang mansyon ng Savilla. "Kaycee? bakit tayo nandito? 'di ba pamilyar na tao lang ang pinapapasok dito?" Tanong ko "Wag ka mag-alala dahil kilala ako dito." Maangas nitong sagot saakin. Bumaba ako ng motor at may biglang sumalubong saamin na naka puting uniporme na parang 30+ lang ang kanyang edad. nag mamadali itong lumapit saamin na para bang may tinatakasan. "Kaycee hindi ka na dapat pumunta dito, malaki ang galit sa'yo tatay ni Alina dahil sa pag-yaya mo sakanya sa rooftop." Tarantang wika ng babaeng ito saamin. "Manang, pakiusap gusto lang po naming makausap at makita si Alina" Pag mamakaawa ni Kaycee sa babae. Kasambahay pala ito dito pero bakit close na close sila? "Wala dito si Alina, mamaya pang gabi ang uwi niya. Pumasok muna kayo at ipag hahanda ko kayo ng makakain." Mabait na ani ni manang saamin. Tinanong ko si Kaycee kung ano talaga ang totoong pakay namin sa bahay nila Alina ngunit ngiti lang ang isinukli nito saakin. maya maya pa ay natatanaw kong papalapit muli si manang. "Mag meryenda muna kayo" sabi nito saamin. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong saakin ni manang "Po? ako?" Tanong ko rin sakaniya at bigla itong napangisi dahil tinatanong ko pa kung sino e ako lang naman ang bago sa paningin niya. "My name is Nicole Lia Quarez" Ani ko at agad kong napansin ang pag kindat ni Kaycee kay manang at nang lumingon ako kay Kaycee ay agad namang nag salita muli si manang. "Ang gandang pangalan iha, ako nga pala si Marielle ikaw na ang bahalang mag paiksi sa aking pangalan" Ani nito saakin. ngumiti lang ako at nag simulang kumain ng inihain niya, habang ako'y kumakain ay biglang sumagi sa isipan ko ang totoong pakay namin dito. "Ano nga palang plano?" Tanong ko kay Kaycee "Uuwi na tayo" Nakangiting sagot nito saakin. "Ha? b-bakit? anong---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Dad. "Nicole Lia" Mariin nitong tawag saakin na halatang nagagalit. Tumayo na ako para hindi na makagawa ng skandalo dito ngunit hindi ko namalayan na nag katitigan pala si Dad at ang kasambahay dito na si Manang Marielle nanlaki ang mga mata nila parehas, hindi nag tagal ay hinawakan na ako ni Dad sa kamay upang lumabas sa gate nila Alina. "Anong nag-yayari sa'yo Nicole? bakit naisipan mong pumunta sa mansyon ng Savilla?" Mahinahong tanong saakin ni Dad. Nag tataka tuloy ako kung bakit mahinahon ito, hindi ba siya magagalit dahil nag cut ako? o baka sa bahay niya pa ako papagalitan? inisang tabi ko muna ang aking nasaisip dahil tinanong ako ni Dad muli. "Nicole, may nang-yayari ba na hindi ko alam?" Tanong muli nito saakin. Mabait naman si Dad, kayang niyang huminahon sa mga gantong bagay kaso hindi ko nga lang alam kung bakit mainit ang dugo nito kay Lance. "Si Alina po kase hindi na daw po mag aaral sa St. Laurellian HS" Mahina at nakatungo kong sambit kay Dad. "Wala tayong magagawa anak utos 'yon ng kanyang ama, kaibigan mo pala 'yon? dapat sinabi mo ng mas maaga ng sa ganon ay sinama kitang dumalo sa hapunan nila nung isang araw." Sagot nito saakin na may halong pag ngisi. "Oo nga Dad, bakit hindi mo nga po pala ako sinama?" tanong ko rito "Kase ang akala namin ng stepmom mo ay hindi mo gugustuhin dumalo sa ganong hapunan lalo't na puro ito patungkol sa mga negosyo, sinama ko si Lance sa hapunang iyon dahil malaki daw ang pasasalamat ni Alina kay Lance at para na din matuto si Lance mag patakbo ng negosyo at mapamana ko na yung negosyo natin." Tumango-tango lang ako at nag tungo na kami sa sasakyan namin. Pinag buksan ako ni Dad ng pinto ng sasakyan at tuluyan na akong pumasok sa loob at pumasok na rin si Dad sa loob nito. Nandito ako ngayon sa back seat at si Dad naman ay nag sisimula nang buksan ang makina, hindi na'ko makapigil sa itatanong ko kaya naitanong ko ito ng mas maaga. "Pwede pong mag tanong?" Tanong ko kay Dad. "Pwedeng-pwede anak, ano ba 'yon?" Tanong din nito saakin. "Bakit po malaki ang galit niyo kay Lance" Pag aalinlangan kong tanong. "Hindi ako galit Nicole gusto ko lang tumuwid yang kapatid mo!" Napalakas ng kauti ang boses ni Dad pero mahinahon pa din itong nag dra-drive. Ilang minuto lang ang byahe namin galing sa mansyon ng Savilla hanggang dito sa bahay namin. kitang-kita kong nag aabang si Lance at ang kanyang nanay. "Nicole, nag aalala kami sa'yo saan ka ba nang-galing?" Pag tatanong nito saakin "Sa mansyon ng Savilla" Sagot ni Dad, siya na ang sumagot dahil alam niya sigurong hindi ako iimik. Yumakap naman saakin si Lance sabay bumulong "Sunga sunga ka talaga, nag cut ka pa ng classes akala mo siguro hindi ka mapapansin, at nakalimutan mo atang terror teacher ang pinag takasan niyong guro" Pang-aasar ni Lance saakin. Pinitik ko ang kanyang likuran at napatawa siya ng mahina, napatawa na din ako dahil naalala kong iba nga pala ang ugali ng gurong iyon. "Halina't kumain na tayo masaya akong nakauwi kayo ng maayos" Sabi ng aking stepmom kaya nag si-pasukan na kami upang kumain. tawanan at walang sakitang ang naganap noong hapunan na iyon, ang saya sana ay ganito kami palagi. Natapos kaming kumain ng may ngiti sa labi kaya hanggang ngayon ay hindi pa din matanggal ang ngiti ko kahit na patulog na ako. ilang sandali pa ay may kumatok saakin kwarto, binuksan ko ito at si Dad ang bumungad. "Nicole, hindi maganda ang iyong ginawa kanina nawa'y hindi mo muli itong maulit dahil ikakasama ko na ng loob. sabihin mo na lang saakin kung gusto mong dumalaw kay Alina nang sa ganon ay maiihatid pa kita" Pag leleksyon at pag papayo saakin ni Dad. "Sorry po, hindi na po mauulit" Nakatungo kong wika sakaniya. "Hay na'ko anak, ang laki mo na at akalain mo nga namang mag kakaron ka ng kaibigan sa mga Savilla" Natutuwa nitong sambit saakin. "Ay siya, sige na basta kung may problema o may gusto sabihin ay saakin kagad hindi yung ililihim. Good night anak sleep well" Ngiting wika ni Dad. Grabe, sobrang daming masasayang pang-yayari ngayon na kahit mali ang ginawa ko ay nakakilala pa ako ng panibagong tao katulad ni manang, nakapag bonding kami sa hapag kainan, at syempre hindi ako napag buhatan ng kamay. Bago pa akong tuluyang makatulog ay napangiti pa muli ako ng isang beses at tuluyang ko nang naipikit ang aking mga mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD