Nicole
Ang pangit ng bungad saakin ng umaga, nanaginip ako na nasusunog daw ang aming bahay at ang tunay na nanay ko daw ang nag ligtas saakin. Tumayo na ako at nag pasyang pumasok sa banyo upang maligo.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa banyo kaya natapos ako ng mas maaga. Habang ako'y nag bibihis ay naalala kong bigla kung bakit inilipat ng paaralan si Alina.
"Dahil ba ito sa pag katulog namin sa rooftop? kaya pala sabi ni manang kahapon ay malaki ang galit ng tatay ni Alina kay Kaycee." Wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
"Nics, Kakain na daw" Sigaw naman ni Lance saakin na nasa hallway. Nag tungo na ako sa baba at kumain.
"Hindi muna namin kayo maihahatid dahil may aasikasuhin lang kami ng Mommy niyo" Pag papaalam saamin ni Dad, agad naman kaming sumagot ni Lance at kumain muli.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng pinto at nauna nang mag paalam si Mom and Dad.
"Mauuna na kami, mag ingat kayo sa pag lalakad" Wika ni Dad saamin. Hindi naman kami marunong mag drive kaya mag lalakad kami papasok sa school.
"Sige po, ingat din po kayo." Wika ko sakanila habang sila'y pasakay ng sasakyan.
Nakaalis na sila at naiwan kami ni Lance dito sa labas. ang tagal-tagal kaseng kumilos ni Lance kaya pihadong mala-late kami.
"Hey, sistah ayos lang ba itong suot ko?" Maangas nitong tanong saakin.
"Papasok ka sa school diba? bakit hindi uniporme ang suot mo?" kunot noo kong tanong sakaniya.
"Chill, hindi ako mag cu-cutting. Gagala kami mamaya ng mga kaibigan ko pag katapos ng klase." Pag papaliwanag nito.
"Lance diba alam mo namang magagalit si Dad kapag nalaman niyang gumala ka ng walang paalam?" Tanong ko rito.
"Hayaan mo na, mapapagalitan lang din naman ako ba't pa ako mag papaalam" Pabalang nitong sagot saakin.
"Hay na'ko Lance, sinasabi ko sa'yo ha pag ikaw napag buhatan nanaman..." Sabi ko sakaniya habang nakakunot padin ang aking noo.
Hindi na ito sumagot at nag simula na kaming mag lakad. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa harapan ng school namin at rinig na rinig sa labas ang mga babaeng nag titilian dahil kay Lance. Hindi ko itatanggi na may ka-gwapuhan itong stepbrother ko ngunit mukang tipaklong pa din ito sa paningin ko. Tuluyan na kami nakapasok sa school at nang makapasok kami ay napansin kong nag bubulungan sila.
"Ito ba yung girlfriend ni Lance?" Bulong nang babae sa kanyang katabi.
"Siguro, halos araw-araw ko silang nakikitang mag kasama sa isang bahay" Bulong naman ng kanyang katabi.
"Ano? girlfriend? may girlfriend na si Lance!" Napalakas na wika naman ng isang babae na halatang nakinig sa usapan ng dalawanag nag bubulungan kanina. Agad naman silang tumingin saakin at akmang babatuhin nila ako ng kung ano-ano ngunit nakapag salita kaagad si Lance.
"Tumigil kayo, Hindi niyo siya kilala kaya wala kayong karapatang magalit sakaniya" Pag tatanggol ni Lance saakin.
"Pinag tatanggol mo, ibig sabihin may relasyon kayo!" Sabi naman ng isang babae na kanina ay abot tenga ang ngiti nito ngunit ngayon ay masama na ang kanyang tingin. Kung alam lang nila ang totoo ay hindi sana kami mapapagkamalan, masyado silang paladesisyon sa buhay ng may buhay.
Hindi nag tagal ay binato na nila ako ng kung ano-anong mga hawak nila, bigla pumito ang guard kaya naalarma sila.
"Sorry Nicks, may masakit ba?" Tanong ni Lance saakin, umiling lang ako at tumakbo ako papunta sa cr. Inayos ko ang aking sarili at nang matapos na ako, lumabas na ako ng rito. kitang-kita ko ang kanilang masasamang tingin kaya nag pasya na lang akong hindi pumasok dahil sa nang-yari kanina.
Nag lalakad ako ngayon, hindi ko alam ang lugar ng aking pinuntahan pero ilang oras na din akong nag lalakad kaya umupo muna ako sa waiting shed na kung saan malapit ito sa isang malaking paaralan. Tinignan ko ito at napakagandang tignan at napakalaki nito. Paniguradong mayayaman ang nag aaralan dito katulad sa St. Laurellian.
"Good bye press!" Pag papaalam ng isang lalaki sa babae nitong kasama. Masyadong malakas ang pag ka-banggit nito kaya rinig hanggang dito sa waiting shed. Uwian na pala nila kaya madami nang lumalabas sa gate.
"Ali" Sigaw ng gwapong lalaki. Ang gwapo nito at singkit ang mga mata, matangkad, at maputi rin kaya hindi na ako mag tataka kung madami din ang nag hahabol dito.
"Tob?" Sigaw naman nito pabalik. Pamilyar ang boses na 'yon kaya sinubukan kong lumapit sakaniya ngunit hindi ako makalapit dahil sa pag dami ng lumalabas na istudyante. May bumusinang sasakyan at biglang tumabi ang lahat ng tao sa harapan, napatabi na din ako dahil baka masagasaan pa ako. hindi nag tagal ay pumasok na sa sasakyan ang babaeng dapat lalapitan ko, kumaway siya sa lalaki niyang kausap kanina at biglang nahawi ng hangin ang kanyang buhok at nakita kong si Alina iyon.
"Alina, can we talk" Sigaw ko ngunit hindi niya ito narinig dahil sa ingay na nabubuo sa harapan ng iskwelahan. napailing na lang ako dahil hindi ko man lang siya nakausap, dapat kanina pa ako lumapit nang sa ganon ay makausap ko siya.
Alas-syete na ng gabi ng makapasok ako sa gate namin, salubong ang kilay ni Dad saakin habang nakatitig.
"Hindi naman gabi ang uwian niyo, hindi ba?" Galit nitong tanong.
"Sorry po" Tanging sagot ko
"Susi, akin na!" Utos ni Dad. hinalukat ko ang aking bag para ibigay ang susi subalit wala ito saakin, nakalimutan kong kunin kay Lance.
"D-dad--" Dahan-dahan kong bigkas.
"Wag mong sabihin na wala sa'yo" Sarkastiko nitong tanong saakin. Napatitig na lang ako at agad namang nakuha ni Dad ang ibig kong sabihin. Biglang umulan ng malakas at hanggang ngayon ay hindi umiimik si Dad ng dahil sa kapabayaan namin. Basang-basa na kami at hindi pa rin kami makapasok dahil nakay Lance ng susi, sinubukan kong tawagan si Lance ngunit hindi niya ito sinasagot.
"Nasan ba si Lance, Nicole?" Tanong saakin ng stepmom ko
"May gala daw po sila" Mahina kong sagot
"Ano?? hindi na ako mag tataka pa kung bukas na tayo makapasok at makakain" Galit naman na sagot ni Dad saakin.
"At ano namang nang-yari sa damit mo?" Tanong muli saakin ng stepmom ko
"A-ahh wala po ito, nadulas po kase ako sa classroom at ang nabagsakan ko po ay may natapon na juice at pagkain" sagot ko na ang totoo ay pinag babato ako ng mga habuling babae ni Lance.
Ilang oras pa ang nakalipas at nakatanaw na kami ng liwanag ng sasakyan sa labas.
"Thank you bro, sa susunod ulit" maligayang bigkas ni Lance sa kaibigan niya. rinig namin ito dahil malakas ang pag kasabi niya.
"Oo naman, sa birthday ko mag swi-swimming ulit tayo" Sagot naman ng nag hatid sakaniya.
Bumukas na ang gate at sinalubong siya ni Dad. Nagulat si Lance ng makita niya ang kamao ni dad na handa na siyang suntukin. Hindi na napigilan si Dad kaya nasuntok niya na si Lance.
"Hindi ko alam kung saan ako nag kulang at puro pag lalakwatsya ang inaatupag mo." Sigaw ni dad habang binubugbog si Lance.
"Napakababa na nga ng grado mo at nakakaya mo pang gumala at pabayaan itong babaeng mong kapatid, anong klaseng tao ka ba?" Galit na tanong ni Dad habang walang tigil ang pang bubugbog niya.
"Kahit minsan ba naisip niyo ako? ako ang tunay niyong anak, hindi ba? Minsan din bang pinag buhatan mo ng kamay si Nicole? Naisip niyo bang dumalo sa mga mahahalaga kong okasyon?" Mangiyak-ngiyak na sagot ni Lance. Napatigil si dad ng wala sa oras ng marinig iyon, napahilamos siya sa kanyang muka at huminga ng malalim. Pinunasan ni Lance ang kaniyang mga luha at kinuha ang susi sa bag sabay bato nito saamin, umalis muli siya at hindi na bumalik ng gabing iyon.