Alina
~FLASHBACK~
"Alina" Sigaw ni Tob saakin sa labas ng SAA at agad ko itong nilingon.
"Tob?" Patanong kong wika sa pangalan niya.
"Sawakas at pinasin mo din ako, Bakit hindi ka sumipot sa canteen? inaasahan pa naman kita dahil gusto kitang makasabay sa pag-kain sa unang araw mo dito." Malungkot nitong wika saakin.
"Ano ka ba, ilang araw na nakalipas simula nang dito ako pumasok. Kalimutan mo na 'yon!" Walang emosyon kong sambit sakaniya.
"Dahil ba 'to kay Jazz? Walang namamagitan--" Naputol ang sinabi ni Tob nang bumusina ang sasakyan na nasa aming harapan, Ilang sigundo ko pa napag tanto na ang nagmamaneho pala nito ay ang tatay ko kaya agad-agad akong nag lakad papalapit sa aming sasakyan, nang bubuksan ko ang pinto sa back seat ay agad akong umupo dahil napaka dami nang taong nag sisilabasan at nakakabuo na kami ng sikip sa daanan. Binaba ko ang bintana sa back seat upang kumaway kay Tob na nag sisimbolo ng pag papaalam ngunit biglang nahawi ang aking mga buhok dahil sa malakas na hampas ng hangin saakin kasabay na non ang pag sigaw ng pamilyar na boses na nang-gagaling sa labas.
"Alina, can we talk" Sigaw sa labas ngunit hindi ko makita kung sino ito kaya sinarado ko na ang bintana at agad na kaming nag pasyang umuwi.
Habang kami'y nasa byahe ay biglang natigil ang katahimikan sa loob ng sasakyan nang mag salita ang aking tatay.
"Tob? Hindi ka pa din ba nilubayan non?" Walang prenong tanong ni papa saakin kaya napalaki ang aking mata.
"Walang ginawang masama si Tob, ako ang may dahilan sa pag kalunod ko dati. past is past, buhay pa ako ngayon." Pangisi-ngisi kong sambit kay papa.
"Nang-aasar ka ba Alina? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may dahilan sa pag-kawala ng kapatid mo!"
"Hindi po ganon ang ibig-sabihin ko pa" Mahinahon kong pag papaliwanag ngunit hindi niya ako pinapakinggan.
"Kahit ano pang sabihin mo ay ikaw pa din ang may dahilan kaya wala kang karapatan mawala sa mundong ito dahil gusto kong pag bayaran mo ang ginawa mo sakaniya" Galit nitong sabi saakin.
Nagulat naman ako sa sinabi ni papa, pa'no ko pag babayaran 'yon kung patay na ang kapatid ko? Nagluksa din naman ako at nag sisi at higit sa lahat ay hindi ko naman sinasadya ang nang-yari dahil utos din niya saakin na itulak ko siya sa bangngin dahil ayaw niya na daw akong maging kapatid.
Natahimik ako sa sasakyan dahil sa sinabi ni papa, ilang sandali pa ay nakauwi na kami...
~END OF FLASBACK~
"Oyy, okay ka lang ba? kanina ka pa nakatulala?" Tanong ng aking katabi na si Sky
"Oo naman, may naalala lang ako tska nami-miss ko na yung friends ko sa St. Laurellian HS 'no" Sagot ko naman sa kaniyang tanong.
"Ahh, ganon talaga Alina gusto mo bang samahin kitang dalawin sila?" Masaya nitong tanong sakin. Hindi pa kami lubos na mag kakilala pero mukang mag kakasundo kami. ngumiti akong abot tenga sa sinabi niya kaya napasagot kaagad ako ng walang pag aalinlangan.
"Mas mabuti, sige pag uwi natin bibisitahin natin sila at ipapakilala na din kita" Masayang kong wika kay Sky at agad naman itong tumango saakin.
Break time na namin at nag-yaya si Sky na pumunta sa canteen.
"Free ka ba? kain tayo?" Pasimple nitong tanong saakin.
"Sige ba" Tipid kong sagot. Ilang hagdan ang binaba namin at hingal na hingal ako. grabi naman itong hagdan na ito nakikipag sapalaran sa mga istudyante. Nakababa na kami at sa canteen kami pumunta, naghanap na ng upuan si Sky at ako naman ay pumila para sa kakainin naming ngayong break time.
"Masaya ka ba miss new president at trono ko ang kinuha mo" Pagkakarinig ko sa kanang bahagi ng pila, lumingon ako at nakita ko ang muka na hindi ko inaasahan.
"Masaya ka ba sa yaman ng nai-share ng tatay ko sakainyo at puro pag mamayabang ang inaatupad mo?" Malakas kong sabi kay Jazz at nakakuha ito ng atensyon ng iba. Umalis siyang bigla sa pila kaya pinag titinginan siya habang papaalis sa harapan ko.
Ilang minuto pa ay natapos na akong bumili ng pagkain.
"Anong nang-yari kay Jazz?" Blanko nitong tanong saakin
"Wag mo nang problemahin 'yon kumain na lang tayo" Tipid kong sagot.
Habang kumakain kami ay pilit niya akong ini-interview sa mga kaibigan ko, sobrang dami niyang tanong at lahat 'yon ay sinagot ko para naman hindi siya ma-out of place mamaya. Excited na daw siya dahil ngayon lang siya mag kakaroon ng circle of friends kung sakaling mag kasundo sila.
"Wag kang kabahan, mamaya pa tayo bibisita sakanila pihadong matutuwa 'yon dahil mag kakaron sila ng panibagong mabait na kaibigan. Pangako, mabait sila Sky wala kang dapat problemahin" Ngiti kong ani kay Sky na nasa aking katabi ngayon habang kumakain.
Ilang minuto na lang at mag uuwian, excited na din ako dahil gustong-gusto ko na silang mayakap. Napahawak saakin si Sky ng mahigpit habang nakatitig ito sa orasan niya, lalong humigpit ang pag kapit niya ng malaman niyang limang sigundo na lang ay uwian na.
"5...4...3...2...1" Bigkas nito habang sinusundan ang sigundo sa kanyang orasan.
Tumunog na ang bell at dali-daling tumayo si Sky at akmang lalabas na, hindi ko naman alam na nasa bag na pala ang mga gamit niya kaya ang bilis nitong nakatayo sa upuan.
"Sandali lang, hintayin mo'ko" Sigaw ko kay Sky na nasa pintuan na. Hindi na siya mapakali kaya binilisan ko na ng pag ligpit sa mga gamit ko at tumakbo na kami papalabas ng SAA. Saktong pag kalabas namin ay agad na bumungad ang sasakyan namin at mabuti na lang ay hindi si papa ang nag mamaneho nito kaya maayos ang pag agos ng aming byahe.
"Manong, sa St. Laurellian High School mo po kami ibaba" Pakiusap ko kay manong, tumango ito saakin at agad namang iniliko ang sasakyan at iniba ang direksyon dahil magkaiba ang way patungo saaming bahay at sa St. Laurellian.
Ilang minuto lang ang binyahe namin dahil wala namang traffic kaya mabilis kami nakarating sa dati kong paaralan. Naglalabasan na din ang mga istudyante ng mga oras na nakarating kami, pag lingon ko saaking tabi ay wala na si Sky dahil nauna na pala itong lumbas. Nang makalabas na rin ako ay agad ko siyang tinawag.
"Sky" Tawag ko sakaniyang pangalan.
"Ang ganda pala dito, kung ikukumpara ko ang SAA ay mas maganda pala talaga itong St. Laurellian" Ani nito saakin na manghang-mangha. Biglang dumami ang tao na sumalubong saamin ng lumabas ako.
"Alina Savilla?" Pag tataka ng mga tao ng nakakita kami.
"Ikaw ba 'yan miss Savilla?" Tanong naman ng iba na nakapalibot saamin.
"Bumalik ka din sawakas" sigaw ng babae na alam ko kaagad kung sino iyon.
"Kaycee" Banggit ko sakaniyang pangalan sabay napatakbo at niyakap siya.
"Namiss kita" Bulong ni Kaycee habang ako'y nakayakap pa rin sakaniya. Nakalimutan kong may kasama ako ng mga sandaling iyon kaya kumalas ako sa yakap namin at hinawakan ko ang kamay ni Kaycee upang dalhin siya kay Sky.
"Sky, this is Kaycee and Kaycee this is Sky" Pag papakilala ko sakanilang dalawa sa isa't-isa, hindi nag tagal ay nag shakehands din sila kahit na madaming nakapalibot saamin. Pumasok kami sa school kahit iba ang unipormeng suot namin ni Sky pero wala akong pakialam dahil alam kong ako ang susunod na mag mamay-ari nito kaya nag tungo na kami sa rooftop, ang lugar kung saan naging dahilan ng pag kalipat ko ng paaralan.
"So, ano na nang-yari dito?" Tanong ko kay Kays
"Ganon pa din naman kaso tumagilid ng konti ang buhay ni Nicole" Ibang emosyon kaagad ang naibigay ko kay Kaycee nang banggitin niya si Nicole.
"Ha? Anong nag-yari" Pag aalala kong tanong.
"Ang alam ko lang ay naaksidente ang kapatid niya, yun lang ang sinabi niya saakin kaya hindi daw muna siya makakapasok" Dismayadong bigkas ni Kaycee saakin.
"Oo nga pala, Sky yung isang naming kaibigay ay si Nicole makikita mo rin 'yon dahil pupuntahan natin ngayon. Mag kita na lang tayo sa sasakyan dahil mag hihintay ako sainyo." Wika kong kinagulat ni Kaycee at Sky. Agad-agad akong bumaba at sumakay sa sasakyan, nakasunod saakin si Sky kaya ang hihintayin na lang namin ay si Kays. Ilang minuto pa ay binuksan na ni Kaycee ang pinto ng sasakyan at agad na pumasok ito.
"Address ni Nicole?" Malamig kong tanong kay Kaycee. Ibinigay ni Kays ang address kay manong at nag tungo na kami sa bahay nila. Pag baba namin sa sasakyan at agad na bumungad ang isang kasambahay nila.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito saamin
"Kay Nicole Quarez po" Sagot ko rito
"Mawalang-galang na po, wala po siya rito dahil nag babantay po ito sa Hospital." Mahinahong sagot ng Kasambahay nila.
"Pwede ko po bang malaman kung saan ang Hospital na iyon?" Tanong ko muli. Ibinigay nito ang lokasyon at nag tungo na kami kung nasaan si Nicole.
Gabi na nang makarating kami sa harapan ng Hospital, pumasok na kami at hindi namin alam kung saan sila hahanapin kaya imbis na mag tanong kami ay nilibot na lang namin ang Hospital. Hindi naman kami makapag tanong dahil hindi namin kilala ang kapatid ni Nicole, nang matapos naming halughugin ang Hospital ay walang "Quarez" na apilyido ang lumitaw sa bawat silid kaya lumabas na kami ng Hospital ng walang napala sa pag punta dito.
"Here" Wika ko kay Kaycee at Sky nang abutan ko silang ng tubig, wala pa kaming hapunan kaya nakakaramdam kami ng gutom.
"Sky, I called your mom. ipinaalam kita na sa bahay muna namin ikaw matutulog, pumayag naman siya kaya wala ka dapat ipag-alala" Nakangiting ani ko kay Sky dahil alam kong nag aalala na din siya. Ngiti lang din ang isinukli siya saakin kaya tumahimik na lang muna ako.
Maya-maya pa ay biglang nanlaki ang mata ni Sky at Kaycee sa nakita nila. nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung anong nakita nila kaya napakunot ako ng noo ngunit nakarinig ako ng sigaw mula sa mga tao na nasa labas kaya napaharap na din ako. Humarap ako at nakita kong nakahiga na sa lupa si Nicole, napatakbo ako papalapit sakaniya at ganon din si Kays at Sky. Agad agad namin itong pinasok sa Hospital upang matignan, Tinawagan ko naman kaagad si papa dahil sa nang-yari. Hindi na ako mag tataka kung nakakunot ang noo non kapag pumunta dito dahil mali ang aking desisyon sa buhay.
Nakalabas na ang Doctor na tumingin sakaniya kaya agad agad kaming nag si-tayuan at lumapit.
"Doc, kamusta po ang kaibigan namin?" Tanong ko rito. Biglang dumatinig si papa at agad na nilapitan ang Doctor, napaupo na lang ako sa upuan dahil alam kong galit na galit ito saakin.
"Doc, Pwede ko bang malaman ang kalagayan niya" Tanong ni papa.
"Sa ngayon ay maayos naman ang lagay ng pasyente, nahimatay lang ito dahil sa pagkapuyat, hindi pag-kain sa tamang oras at sa kakaisip ng kung ano-ano. Wala namang kailangan i-test dahil pag papahinga lang nito ang makakagaling sakaniya." Ani ni Doc. kay papa.
"Kung ganon ay wala na pala tayong dapat problemahin, Thank you so much Doc." Pag papasalamat ni papa.
"Ako na ang tatawag sa tatay ni Nicole tutal kilala ko naman itong batang ito, mag si-uwi na kayo at mag pahinga" Walang ganang saad saamin ni papa.
"Pwede po bang makitulog si Sky sa bahay natin?" Tanong ko kay papa
"Bahala ka Alina basta siguraduhin mong nakapag paalam kayo ng maayos" Sagot nito saakin
"Salamat po" Nakangisi kong saad kay papa.
Nakaawi na kami ni Sky at manghang-mangha muli ito ng makita ang aking tinitirahan.
"Hindi ito basta-bastang bahay lang dahil ito ay mansyon, MANSYON ito" Nakangiting wika nito saakin. Natatawa na lang ako sakaniya kahit alam kong mayaman sila at malaki din ang bahay nila katulad ng saamin.
"Halika na, mag pahinga na tayo dahil bibisitahin natin si Nicole bukas" Sabado naman bukas kaya hindi namin kailangan problemahin ang pag pasok. Nag tungo na kami sa aking silid, pinahiram ko siya ng damit pantulog kaya manakapag linis na siya ng katawan.
Maya-maya ay ininterview nanaman ako ni Sky, Pa'no na kami gigising ng maaga neto kung hindi pa siya dinadalaw ng antok.
"Ilang years na kayong magkakaibigan?"
"Sino yung kapatid ni Nicole? Pogi? Maganda?"
"Ilang taon na sila Kaycee at Nicole?"
"Pumupunta din ba sila dito sa bahay niyo?"
"Nag aaway din ba kayo?"
Sunod-sunod nitong tanong saakin, hindi ko ito nasagot dahil hindi ko na naintidihan ang kanyang tinatanong sa sobrang dami.
"Sandali lang, ang dami mo na atang tanong." Pag pupumigil ko sakaniya.
"Sorry, sige matulog na tayo. Bukas iinterview-hin kita kaya sagutin mo lahat, ha?" Ani nito saakin at tumango na lang ako, hindi ko na talaga kaya at ina-antok na ako kaya pinatay ko na ang ilaw at nag simula na kaming pumikit.