Chapter 18: Hard start

2022 Words
Nicole Nang makuha ni Alina ang kanyang gusto ay umalis na agad ito, tinawag niya ako pero napag tuunan ko ng pansin si Jazz. "Sorry, makikinig lang ako pero hindi ko kayang dibdibin dahil hindi ko naman ito nararanasan" Paumanhin ko. "Ako ang dapat humingi ng tawad sainyo ni Alina, hindi man ako naging mabuti pero hindi ko kinalimutang humingi ng gabay sa ama na nasa itaas para protektahan kayo sa anomang maging pasya ko" Mangiyak-iyak nitong sambit "Hindi na kailangan pa" Maikso kong sagot "Alam ko pero sa naging pasya ko ay matalo niyo ako, natatakot lang naman kase akong iwan mag-isa. Saan ako pupulutin kung sakalinb iwan ako ni Dad o palayasin ako? wala 'di ba? kase hindi akk naging mabuti sa iba kaya imposibleng may tatanggap pa!" Malungkot nitong wika Tumawa ako ng mahinhin "E 'di saamin" Maiksi kong sagot "Nag papatawa ka ba? ba't naman ako tutuloy sainyo? mag papapasok ba kayo ng demonyo?" Natatawa niyang tanong "Hindi ka naman demonyo, chismosa lang" Wika ko sabay tawa lumipas ang ilang minuto ng kaka-kwentuhan namin. "Wala ka pa bang balak lumabas, paniguradong nag hihintay na si Alina don" Saad ko "Mauna ka na, mag papahangin lang ulit ako" Sagot niya saakin. "Sige, ikaw bahala. see you around" Sambit ko muli Habang ako'y nag lalakad papalayo kay Jazz ay bigla na lang mayroong nag salita sa speaker. macu-cut daw and afternoon classes dahil sa teacher's meeting. Tinignan ko muli si Jazz at ngiting tagumpay ito. "Sawakas, makakauwi din ng maaga" Sigaw nila sa ere "Shhhh, hinaan mo lang maaring may makarinig ng sinabi mo" Paalala ko "Bakit? anong masama don?" Tanong nito saakin. "Every student deserve a rest" Sigaw muli nito kasabay ng mabulak-lak na ngiti. Ibinaling ko na lang ang aking sarili sa ibang direksyon at umiling-uling "Mas maganda pa rin si Alina" Bulong ko sa aking sarili "Aha, sabi na e...may pag tingin ka na pala" Tugon niya laking gulat ko nang sumabat siya saakin, maari niya itong masabi sa iba kaya nakaramdam ako ng kaba. "That is safe with me" Wika niya sabay kindat. tumakbo siya papalayo saakin at ako naman ay statwa kung makatayo sa aking tinitindigan. Nilingon ko ang langit at ngumiti "Mag fi-first move na ba ako? tamang oras na ba ito?" tanong ko sa kalangitan. Umiling ulit ako bilang pag kadismaya sa sarili dahil kinakausap ko na pati ang langit. Nang makarating ako sa aming silid, rinig na rinig ko na sa kawang ng pintuan ang mga boses ng aking kaklase. tila'y para itong palengke sa sobrang lakas, wala kaseng nag babantay kaya mala-mental and aming dating. Pumasok ako ng basta at lumaki ang aking mga mata sa aking natuklasan, kaya pala sila nag hihiyawan nang dahil kay Tob "Alina, I like you since we're Elem. I need strength to confess and now is the right time for me to express my feeling. We're bestfriends, and I know that. I like you cause you're smart, brave, beautiful and lastly, friendly. Kaya nga kita nagustuhan cause we have the same vibes...hindi ka maarte, ni-hindi ka nga nag rereklamo sa kung anonb hinain sa'yo kahit na mayaman at naiibigay sa'yo lahat. pinapangako kong hindi ako aasa at susundin ko lamang ang pusonb ito." sabay turo sa kanyang dibdib. Sana lahat ay may lakas umamin, ako na nakakasama sa halos araw-araw ay may kahihiyan parin ako. kinunot ko ang noo ko at dali-daling tumungo sa aking upuan. Sa upuan ko ang kumpulan dahil katabi ko si Alina "Tabi!" masungit kong wika, hindi na nakasagot pa si Alina sa confession ni Tob ng dahil saakin. Dapat lang na sama-sama tayong masaktan 'no! Bumalik na ang bawa't isa sa kani-kanilang upuan, at kitang-kita ko ang pag simangot ng iba ko pang kamag aral ng dahil sa kabitinan ng senaryong mabuo kanina pero isang tao lang ang nakita kong nakangiti, walang iba kundi si Jazz. Sayang-saya ang loka porket alam ang katotohanan. "Colie, ano nang-yari? bwanan mo ba?" Taas kilay nitong tanong "Wala, mag ligpit ka na ng ibang gamit dahil after the last subject ay lunchbreak right? tanong ko at tumango naman siya. "Oh, e 'di mapapalitan ang lunchbreak ng uwian kaya mag ayos ka na at sabay tayong uuwi." Mariin kong wika, halata siguro and pag kairita ko dahil naiingit ako. Ang dami kong what ifs at baka mamaya ay isa doon ang mang-yari. Paano kung sila pala talaga ni Tob and para sa isa't-isa? alam kong bata pa kami pero 'di maiwasang isipin na magiging masaya sila. Dumaan ang huling subject namin ng walang pansinang naganap saaming dalawa ni Alina, nakikiramdam na nga lang ako pero halatang walang pake ito. Nang makapag paalam saamin ang huling gurong pumasok saamin kanina ay agad akong tumayo upang i-check ang mga gamit na dadalhin ko pauwi. "Bilisan mo jan, may family dinner daw tayo" Wala sa sarili kong wika "Ha? Wala namang nabanggit saakin Nicole" Pag tataka nito Sumimangot ako sabay buga ng hangin sa bibig "Kung kani-kanino ka kase naka focus kaya hindi mo na alam ang napapag-usapan sa gc ng families natin." Iritang sambit ko "May gc?" Nagulat nitong tanong "Ay, wala nag de-day dreaming lang ako" Sarkastiko kong wika "Nag tatanong ako ng maayos, ba't nagagalit ka?" Tanong muli nito "Baka nga bwanan ko lang ngayon" Walang sigla kong sagot at umalis na ako sakanyang harapan, iniwan ko siyang tawa ng tawa...Kung nararamdaman niya lang ang nararamdaman ko e 'di sana dinadamayan niya ako. Masyado pang maaga para umamin ako, wala pa akomg pruweba para sa nararamdamang ito. nakasalubong ko si Jazz, nakangiti ito saakin kasabay ng pag lapit niya. "Nangangamoy selos ah" Pang aasar niya "Hindi ako nag seselos, pag hanga lang ang tingin ko sakanya. Hindi pwedeng mabago 'yon" Pag sisinungaling ko "Nako, tigilan mo ako jan. Alam na alam ko na 'yan, danas na danas ko pa" wika niya "Akala ko ba wal-" Naputol kong sambit dahil bigla niyang tinakpan ang aking bibig. "Shh, ang ingay mo naman. I like him since I enter SAA." Sambit niya "Sino? Ikaw ha, pumapag ibig ka na. Sabagay sino ba naman ako para sabihan ng sikreto" Pang aasar ko na may halong pag tatampo. Tumawa lang ito bilang tugon, hindi mag tagal ay natanaw ko na ang sasakyan namin ni Alina. "Andyan na ata ang sundo mo, mauna na ako. Salamat pala dahil sa kanina ha" Pag iiba nila ng topic. "Hindi mo ako matatakasan, kasabay ko si Alina pero dahil wala pa siya bakit hindi natin idescribe si guy that you like" Pang hihikayat ko. Bahagya itong natawa it ibinuka ulit ang bibig. "I like it, may thrill" Sagot pa nito "Go on, spill the tea" wika kong excited "Fine, we met at the music club. Hiindi talaga ako marunong tumugtog non pero he try his best para matuto ako. Sa music club kase ay including na ang instrument, at based sa kakayahan ko noon ay may kaunti akong alam sa pag tugtog ng piano." Panimula niyang kwento "Wow so, ang title pala ng kwento niyo ay MY PIANO TUTOR" Pang aasar ko "Sige, tuloy" Dagdag ko pa Tumamawa muna ito sabay tumuloy ulit "And then, nang tumugtog ako sa entablado he's the first person who cheer me up. Nag kataon na 1st runner up rin ako kaya sobrang tuwa niya para saakin. After that day hindi na muling nag kasalubong ang aming presensya until the second year of highschool we met again. But that point he has crush on someone, kumalat 'yon sa buong school and it affect me dahil ang alam nila may something kami na 'di lang namin inaamin." Pag tigil niya sa pag kwento. "Ang g**o, akala ko ba na hindi kayo nag kita after ng pag tugtog mo?" Naguguluhan kong tanong "Yes, we didn't but in private we did" Maiksi siyang sagot "Alam kong naguguluhan ka, pero nung natapos ang pag tugtog ko he invite me. Sumang-ayon ako at ang hindi ko alam ay dinner with family pala, nakakatawa 'di ba? para akong ipapakilala. After that naging mas malapit kami sa isa't-isa in private, walang nakakaalam kahit malapit na kaibigan namin ay walang alam. Nang makaramdam na ako ng pag hanga hindi ko halos mapigilan ang aking sarili dahil sa mga pinapakita niyang pag aalaga at pag papahalaga saakin. I tried to confess my feeling through something pero hindi niya nahahalata kaya nung napagod ako kakahabol nag bago ang lahat. We're close before pero ngayon ay tamang pansinan na lang hindi katulad dati na hindi namin iniinda kung mag kadikit na kami. Lastly, he has crush on someone, I was jealous kase ang swerte ng girl dahil hindi niya kailangan pang mag effort para makuha niya ang loob ng taong gusto ko." Malungkot niyang kwento. "Mapag laro talaga ang tadhana, hindi pa naman huli ang lahat para maging sawi sa pag-ibig, 'di ba?" Sambit ko "Oo naman, nakakapanghinayang lang kase halos maibigay mo na ang lahat pero hindi niya parin napapansin" Pabalik niyang wika saakin. Natigil ang aming kwentuhan ng may malakas na bumusina malapit saakin. "Ayy gulay" Gulat kong sambit. Siningkitan ko ang sasakyan at bahagya kong tinanaw ang plate number nito, hindi ko pa nababasa ng maayos ng letra at numero nito nang may biglang sumigaw naman. "Tatayo lang ba riyan? Wag ka nang sumabay pa kung ganyan na nakikipag daldalan ka lang!" Galit nitong wika at sa pag kakaalam ko ay isang tao lang ang mag sasabi nyan "Oo na, sasakay na" Nag mamadali kong sagot Natawa naman ang nasa tabi ko "Sinusundo ka na ata ng boss mo" Natatawa niyang wika "Ewan ko sa'yo, mauuna na ako. Salamat sa chika?" Pag papaalam ko at agad na napatawa rin "Bye, ingat!" Pag papaalam rin ni Jazz Pumasok ako sa sasakyan at naabutan kong nakasimangot ang aking kasabay "Akala ko mamaya pa tayo" Wika ko sa kalagitnaan ng katahimikan sa pagitan namin ni Alina "Akala ko ba may family dinner tayo? tapos pag labas ko nakikippag chit-chat sa babaeng hindi naman kilala kung ano ang pagkatao" Mataray nitong sagot "She said sorry Alina, why don't you give her a second chance" Sambit ko naman "She doesn't deserve it after all" Aniya "She does, you just need to understand her situation" Wika ko "For what? to ruine me again? no thanks, I don't need some displays" Pag susungit muli nito Hinawakan ko na lamang ang aking ulo at hinilot-hilot ito, hinayaan ko na lamang ang katahimikan ang mamuno sa aming dalawa sa oras na ito. Hindi na muli akong sumabat pa hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay namin. "Salamat po, good bye po" Pag papalaam ko sa driver nila Alina nang ako'y makababa. Kumaway na lang ako kay Alina dahil hindi ko ata kayang makipag usap sakanya ng dahil sa sagutan namin kanina. Pag talikod ko ay pumasok na ako sa gate namin at dumiretso sa front door ng aming bahay. "How's your day anak?" Tanong ni Mom "Everything's fine" Maikli kong sagot "Ok, mag pahinga ka na at maligo kung gusto mo dahil may dinner tayo with Savilla's family" Wika ni Mom "Opo, akyat na po ako" Pag papaalam ko Nang makaakyat ako ay bigla ko na lamang binagsak ang aking katawan sa kama tska ipinikit ang mata, hindi ko na inisip ang oras kaya nag patuloy akong ipikit ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD