Alina
"Alina, What time is it...may pasok ka pa!" Malakas na wika ni Papa
"What?? I'm banned in school" Sagot ko
"You'll never be" Mahinahon niya nang sambit
"What do you mean pa?" Tanong ko
"Here, take this" Huling wika niya bago niya ako iwan sa aking silid, may ibinato siya saakin na naka ziploc...dahil nakaziploc kitang-kita ko na kagad kung ano ito. Isa itong memory card.
Hindi ko naman alam kung ano ang nilalaman nito kaya nag tungo na lang muna ako sa banyo para maligo dahil sabi nga ni papa, papasok ako. Nang matapos ako, ako'y bumababa na sa hagdan para mag almusal
"Good Morning Manang" normal kong bati
"Good Morning anak, mag almusal ka na at nag hihintay si Nicole sa sasakyan" wika ni manang na ikinasamid ko habang umiinom ng tubig
"Po? wala naman po kaming napag-usapan" takang sambit ko
"Ito'y utos ng iyong ama, wala tayong magagawa" paliwanag nito
tumanago ako at sinimulang kumain. Wala pang sampung minuto ay tapos na akong kumain.
"Manang salamat po, mauna na po ako" Paalam ko kay manang ng matapos na akong kumain at makapag ayos sa sarili.
"Mag iingat ka Alina, Fighting" Pag momotivate naman nito saakin.
Lumabas ako sa unahang pinto namin at tumungo sa gate. Nang makatungong ako sa gate, ngiting bungad ang sumilay saakin
"Ang aga mo naman ata Ms. Quarez" Taas kilay kong sambit
"Iisa lang naman tayo ng papasukan ba't 'di pa tayo mag sasabay?" sagot niya
"Hindi naman sa ganon, ang akin lang ay masyado kang maaga kaya ayan tignan mo, kanina ka pa jan." Wika ko naman bahang lumalarga na kami.
Dumungaw ako sa bintana at ang sarap sa katawan ng simoy ng hangin, napakalamig nito sa balat dahil maaga-aga pa lang ay nasa byahe na kami papasok ng SAA dahil mahigit isang oras ito mula bahay namin hanggang sa aming paaralan.
"Naibigay na ba sa'yo?" wala sa oras niyang tanong
"Mhm? Anong binigay?" Tanong ko pabalik
"Memory card? Wa-la?" Paninigurado niyang tanong
"Ahh, ayun ba? ito." Saad ko na inaabot ang tinutukoy nito
"This might help you" Wika niya
"Okay" Tipid kong sagot
Pag apak ko sa main gate ng SAA, titig ng mga Aridelians ang sumalubong saakin
"Don't mind them Inah" Paalala saakin ni Nicole
Huminga ako ng malalim at sabay pinatuloy mag lakad kasama siya
"Welcome miss president, este. who killed her sister" Nakakapikong tugon ni Jazz saakin nang makatungtong na ako sa akinb silid aralan.
hinawakan ko siya sa braso "You started it" sambit ko
she smiled with evil face...
"Good morning, sit down" panimula ng aming guro
umupo ako at laking gulat ko na si Nicole na pala ang aking nasa tabi
"Mag problema ba?" tanong niya
"Bakit ikaw na ang aking nasa tabi? 'di ba si Sk-" saad kong naputol
"Sabi ni ma'am and I'm here to support ang guide you" paliwanag nito
"You don't have to, okay lang ako" Paliwanag ko rin
she smirk...
Habang kaming'y nag susulat biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang coordinator ng SAA
"Hindi ako mag tatagal, I would like to talk to Ms. Savilla after this subject kindly go to the faculty. Thank you." Wika nito
"Noted sir" Tipid at mahina kong wika
Kasalukuyan akong nakatayo sa pintuan ng faculty. Kumatok ako...
"Come in"
Pumasok ako at hinarap ko ng taas noo ang coordinator na tumawag saakin.
"May problema po ba?" Mahina kong sambit
"Confirmation lang ang itatanong ko patungkol sa issue Ms. Savilla"
"Okay po" pang sang-ayon ko naman
Umupo ako at nag simula nang makinig sa kanyang binibigkas
"Nasabi naman sa iyong parents ang about suspention mo, right?" Pag kukumpirma niya
"Yes" Tipid kong sagot ko
"I'm begging you Ms. Savilla, Please follow the instruction so we can solve the issue as fast as we can" Wika nito saakin
"Pardon? I didn't do anything wrong" Mariin kong sambit
"Just wait a little longer, we're just trying to remain the cleanliness of our school's name. I'm so sorry but you need to go home" Paliwanag nito saakin.
Lumabas ako ng walang kahit anong imik sa coordinator na nakausap ko. Bahala na maging bastos pero unfair ang parusa saakin. Nag lalakad ako sa hallway habang iniisip ko kung paano ko lilinisan ang pangalan ko. Maya-maya pa ay napagdesisyonan kong manghingi ng tulong mula sa lubos kong kilala na bukal tumulong saakin.
Bumalik ako sa aking silid aralan at nang ako'y makarating sa pintuan ay agad akong kumatok ng dalawang beses bilang signal na may papasok o may tao sa labas. Pag katok ay 2 segundo muna ang aking pinalipas bago ko buksan ang pinto...ng may kawang na ay agad akong sumilip kung may guro ba ngunit walang niisang nag babantay kaya dali-dali na akong pumasok upang kausapin ang taong bukal sa loob kong hingian ng tulong.
"Hi?" bati ko sabay upo sa tabi niya
"Mhmm?" taas kilay niya pang sagot pabalik saakin.
"I just need your help Colie" Pabulong kong wika
ngumisi siya at sabay sabing "I'm always in"
Tumitig ako sakanyang mga mata at tumango-tango...
"Tulungan mo sana akong makahanap ng ibidensya sa nang-yari sa pumanaw kong kapatid" Panghihingi ko ng permiso
"Hindi na kailangan" Maikli niyang sagot
"Ano ang iyong ibig-sabihin?" Taka kong tanong
"Ibinigay na ng iyong ama, hindi ba?" Tanong naman nito saakin
"Aha, ayon ba? Sandali nasa bag" Wika ko at agad na binuklat ang aking bag, hindi ko ito mahanap kaya inilabas ko ang lahat ng laman ng aking bag ngunit wala ito roon kaya pinanlakihan ko ng mata si Nicole bilang sagot sa kanyang tanong.
"Huwag mong sabihin na nawala mo ito Alina, mahalagang bagay ito sa'yo dahil dito malilinis ang pangalan mo." Paalala niya
"Hindi ko naman inilabs 'yon, hindi kaya..." Sagot ko naman
"Kinuha? Ako lang naman ang katabi ng bag mo e, wala namang lumapit jaan." Paliwanag naman nito
"Kung ganon paano nawala iyon?" Tanong ko naman na ikinataas ng kanyang dalasang balikat.
"Mauubos ang oras, let's check na cctv" Wika ko naman
Pumunta kami isang room na kung saan nakalagay lahat ng record na nilalaman ng cctv. May ilang stuff na naroon kaya napatingin sila saamin nang pumasok kami.
"Good Morning po, we would like to know what happed to our room" Panimula ko
"Room Number?" Tanong naman saakin.
"501" Sagot ko
Mayroon siyang pinindot sa computer at nag tanong muli
"Time?" Tanong muli nito
"Around 8am" Sagot ko naman. Ilang sandali pa ng kanyang pag pindot sa computer ay nag salita muli siya.
"Saatin lang ito, every room ay may small chip na tinatawag, small MB lang ang laman nito pero for sure narecord dito ang nang-yari sa oras ng 8am" Pakiusap at paliwanag nito saamin
"Walang problema, makaasa po kayo" Sambit ko naman
Tumango-tango lang ito saamin at sabay harap ng monitor saamin.
We saw what happend, kinuha ito sa bag ko at ibinulsa. isa lang ang taong gumawa nito pero hindi pa huli para hindi ko pigilan ang kanyang gagawin.
"Tatanawin ko itong malaking utang na loob, maraming salamat po sa tulong." Pasasalamat ko
"Mauuna na po kami" Paalam ni Nicole
"Sige, ang usapam natin ha" Nakanging paalala nito saamin.
"Opo" Sabay naming sambit.
Binilisan namin ng lakad papunta sa aming silid para harapin ang kumuha nito. Saktuhang naroon ito kaya na-corner namin ni Nicole.
"Hey, big butt" Panimula ni Nicole
"Yes? Any problem?" Inosente naman nitong sagot saamin
"Playing Victim huh!" Taas kilay kong sambit. she laughed then smirk...
"Me?" Tumawa ito ng nakakaloko "Why would I? I'm not a criminal like you" sabay buga ng hininga sa ere.
"Well, atlease I'm not a thief" I smiled with an evil face
"Ibigay mo na Jazz, kailangang maging malinis ang pangalan ni Alina at the end of the day or else-" Naputol na wika ni Nicole dahil sumabat si Jazz.
"Or else what? makikick out siya? much better" sabat nito
"No, or else she will go to state and start a new life there" mahinahong bigkas ni Nicole
"Why not, go back to where you belong. This country is not for you Alina!" Mariin nitong sambit
"Just give it to me!" Pag mamakaawa ko
"You don't deserve it" Pag tangi naman nito
"Please!" Pag mamakaawa ko muli
Hindi ito umimik pa sa huli kong pag mamakawa kaya naman biglaan kong hinila ang kanyang kamay, braso at bulsa upang malaman ko kung nasan and memory card.
"Ano ba, wala saakin" Wika ni Jazz sabay tulak saakin
"Ilang pag mamakawa pa ba? I need it right now Jazz" Wika ko
"Enough, this is not the right time to fight. Jazz Delvino, we just need the proof." paliwanag ni Nicole
"Wala saakin kaya tantanan nito na ako" Pag mamatigas pa nito at bigla nitong inilabas ang laman ng kanyang bulsa.
"I told you, wala saakin!" Galit nitong sambit
Ilang sigundo ang aking pinalipas, tinitigan ko lamang ito kaya naman napag pasyahan na ni Nicole na hilahin ako ng makaramdam siya ng katahimikan. Naningkit ang aking mga mata, bumakat ang isang maliit na hugis parisukat.
"You can't fool me" biglaan kong wika na ikinalaki ng kanyang mata. Bigla akong lumapit at hinila ang polo niya suot dahil doon ko ito naaninag. Pilit niyang pinipigtas ang aking kamay pero hindi niya ito magawa hanggang sa tuluyan ko na itong nakuha, nang makuha ko ito bumungad saakin and mumunting patak ng luha mula sa kanyang mata
"Paburito ako ni Dad, he loves me...before. He told me that if I can't prove my self to him, he will leave me like my mom did to him. I'm his only child so I don't want to grow old alone." Umiiyak niyang wika
nag katitigan kami ni Nicole, alam kong magaling umarte ito pero umaarte pa rin ba kaya ito ngayon.
"If you're trying to fool me again, back off" Mataray kong sambit sabay alis sa kanyang harapan
"We got it, let's go" Wika ko naman kay Nicole habang ako'y palabas na ng pinto
Dire-diretso ako, hindi ko na mahintay pa si Nicole dahil kailangan ng malinis ang pangalan ko. Kumatok ako sa office...
"Ms. Savilla, may nakalimutan ka ba?" Bungad saakin ng coordinator na nakausap ko.
"This time, I'll prove my self to everyone" Mariin kong saad sabay bigay ng memory card na tinutukoy kong mag papatunay sa aking pag katao.
Inabot ko ito at tinanggap naman niya. "I hope so" kapiranggot niyang komento. Na-play ang video at halos tumalon sa gulat ang coordinator danil sa hindi makapaniwalang pang-yayari.
"We're sorry for the misconception" Hawak nito ang aking kanang kamay kasabay na ng pag papatuloy ng paumanhin.
"I understand at sana hindi na ito mang-yari pa. I also need to remain the cleanliness of my name. Thank you for the chance to prove my self to you and to everyone." wika ko
"Makaasa ka Ms. Savilla, ako at ang iyong mga kamag-aral ay sinserong humihingi ng paumanhin sa maling pag unawa. Salamat sa pruweda at bukas na bukas din sa iyong pag pasok ay magiging malinis at walang gusot ang iyong pangalan." Sambit nito
ngumiti ako ng maluwag upang maging tugon...
"Mauuna na po ako" Pag papaalam ko.
Tumango ito at ibinaling ko na ang aking sarili sa pasilyo papalayo sa opisina.
Magaan ang aking pakiramdam at ngumiti ako ng maluwag patungo sa aking silid aralan. Ilang sandali lang nang makarinig ako ng boses na nang gagaling sa lahat ng speaker sa school.
"Good day to all Aridelians, We will cancel our afternoon classes for teacher's general meeting. Thank you so much and have a nice day" wika galing sa speaker.
ngumiti ako bilang pag tatapos ng aking pag hihirap, hindi pa naman naanunsyo ang katotohanan ay nararamdaman ko na ang pag babago. Ibinaling ko and aking tingin sa pasilyong patungo sa aming silid at sa hulihan ay sinalubong ako ng yakap mula sa aking matatalik na kaibigan.
"I'm so proud of you, we are!" Tugon ni Sky
"And I'm proud that both of you are my friends, thanks Tob and thanks to sky for everything." huling tugon sabay yakap ng mas mahigpit.