Chapter 8: Friends?

1792 Words
Nicole "Alinaaa~" Sigaw ko habang papalabas si Alina sa ER. Hindi na siya lumingon pa at tuluyan na siyang lumabas ng hospital, maya-maya pa ay may nag salita na nanggagaling sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumubuka na ang bibig ni Lance at gumagalaw ang mga daliri nito, tumawag na kaagad ako ng Doctor para matignan siya dahil gumagalaw na ito ngunit hindi pa rin dumidilat ang kaniyang mata. Hindi ba mata muna ang unang bubukas bago ang bibig? Nasa gilid ako ngayon na tinititigan ko ang aking kapatid na puro sugat at gasgas ang katawan. Ilang sandali pa ay naimulat niya na ang kanyang mga mata, ikinagulat ko naman na kindatan niya ako. "Sira u*o ka pala e 'no, naaksidente ka na nga nangingindat ka pa!" pasigaw kong wika kay Lance na ikinatawa ng Doctor na nag aasikaso sakaniya. "Easy, kakagising ko pa lang sinesermonan mo na kagad ako" Pabiro nitong wika saakin na lalo kong kinainis. "Kamusta po siya Doc?" Tanong ko "Wala naman nang problema sakaniya, all his wounds are healing and he needs more rest. ipainom na lang din yung mga nireseta namin sakaniya nang sa ganon ay lumakas siya. If something happend, call me as soon as possible." Paliwanag ni Doc sa kalagayan ni Lance. "Thank you po" Pag papasalamat ko at umalis na kaagad ito dahil marami pa itong pasyente. Akalain mo nga namang gigising pa 'tong tipaklong na ito, sino bang hindi masusugatan at magagasgasan kung tumawid ka sa hindi tamang tawiran. "Psst, anong iniisip mo?" Pag sitsit niya sakin at napalingon ako sakaniya nang tanungin niya ako. "Manahimik ka, mag pahinga ka na jan" Wika ko at lumakad papalit kay Lance. "Wag mo na lang munang mabanggit kay Mom and Dad, please Nics?" pakiusap niya saakin. "Sige, basta mag pagaling ka na" Pag sang-ayon ko. Hindi sila dumalaw kay Lance kahit na naaksidente ito, kahihiyan daw ang ginawa niya kaya ayaw makita ni Dad ang muka ni Lance. Si Dad ang nag dedesisyon para kay Mom (Stepmother) kung ano ang gagawin niya kaya hindi rin makadalaw si Mom kay Lance dahil bantay sarado ito kay Dad. ~KINABUKASAN~ "Good Morning" Pag bati saakin ni Alina "Inah? Bakit ka nandito?Di'ba may pasok ka?" Sunod-sunod kong tanong sakaniya. "Di'ba may pasok ka rin?" Pabalik nitong tanong saakin. Napag tanto ko na ilang araw na pala akong hindi nakakapasok sa skwelahan at ilang araw na din akong natutulog sa Hospital para mabantayan si Lance. "Meron, walang mag babantay kay Lance kaya pag gumaling na siya saka ako papasok." Walang gana kong sagot sakaniya. "Hindi pwede Nicole, Malapit na ang examinations sa St. Laurellian at yung iba todo review na." Saad ni Alina na halatang hindi sumang-ayon. "May magagawa ba ako kung ganito ang kalagayan ni Lance?" Pag papaliwanag ko "Meron, pumasok ka at mag review dahil sa oras na bumagsak ka matatanggal ka sa St. Laurellian. Alam mo naman siguro 'yon diba?" Wika niya saakin "Ayaw ko Alina, Ako ang may gawa kung bakit naaksidente si Lance!" Sigaw ko sakaniya "Wala akong pakialam, ang mas mahalaga ngayon ay ang makapasa ka nang sa ganon ay hindi ka mahihirapang mag retake at hindi ka matanggal sa skwelahan ko!" Sigaw rin niyang saad saakin. "A-ano? Skwelahan mo? Hindi ba sa lolo mo 'yon?" Biglang paghinahon kong tanong. "Hindi ngayon ang tamang oras Nicole, nag padala ako dito ng mag babantay kay Lance kaya tara na!" Pag-yaya niya saakin at hinila ako palabas. Wala akong dalang uniform at gamit sa school kaya dumiretso muna kami sa aming bahay para makapag ayos ako, nang matapos ako ay sinalubong ako ni Alina. "Here's your reviewer, schedule, and permit" Wika niya saakin na halos lahat ng kailangan sa pag e-exam ay binigay niya na. "You don't have to do this" Wika ko naman kay Alina. "Just be thankful Nicole." Mariin niya namang sagot saakin. "Fine, Thank you!" Pag papasalamat ko at kami'y tumungo na sa St. Laurellian. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa main gate ng school at kitang-kita ko ang aking mga kaklase na nakatitig saakin. "Mamimiss ka namin, nawa'y makapasa ka nang sa ganon ay makalipat ka ng maayos" "Mag ingat ka ha!" "Good Luck Nicole" Mga salitang binanggit nila nang makita ko ang aking mga kaklase pero bakit? Anong meron? "Okay, everyone go back to your respective classroom" Wika naman ng guro na nag babantay sa ibang silid. Bumalik na ang iba at halos kami na lang ni Alina ang natira sa ground floor ng school na ito. "Hey, good luck. Today you'll have a recitation of every subject and I know you don't need to study because you're smart." Saad niyang napatulala ako. "Hindi ako nag aral bakit ngayon mo lang sinabi?" Natataranta kong tanong sa kaniya. "Shhh! I know you can do it, this is just an oral recitation that can help your grades." Paliwanag nito saakin, hindi na ako umimik dahil naiinis ako wala man lang akong alam na may ganito pala. Pa'no kung bumagsak ako? Ano nang sasabihin ni Dad saakin? Pumasok na ako sa classroom at bumungad ang mga mata ng aking kaklase na para bang hindi makapaniwala na pumasok na ulit ako kaya imbis na batiin ko sila ay umupo na lang ako sa aking upuan, ilang minuto pa ay dumating na ang guro namin sa aming unang subject. "5 minutes review, go" Unang wika saamin kaya dali-dali akong kumaha ng libro dahil limang minuto lang ang ibinigay. Natapos na ang limang minuto at nag tatawag na ang aming guro para sa oral recitation. Kinakabahan ako dahil walang pumasok sa utak ko kundi ang kaba, dasal ako ng dasal dahil nakasalalay dito ang grado ko. "Okay, next Quarez" Pag tawag saakin. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, ramdam na ramdam ko ang init ng aking muka. "What is--" Naputol na tanong saakin dahil biglang tumunog ang bell kaya agad na nag panic ang aking mga kaklase dahil ang ibig-sabihin ng pag tunog ng bell ay lumindol o may nang-yaring hindi maganda ngunit wala naman akong naramdaman. Natigil ang aming oral recitation ng dahil don at dali-dali na ding lumabas at bumaba ang mga istudyante sa bawat silid kaya nakisabay na din kami. "What happend?" rinig kong tanong ng principal sa mga guro. "We don't know what happend ma'am" Sagot naman nila. "What? Impossible" Tanging saad lang principal sa hangin. Lumipas ang limang minuto at dumating ang may ari ng St. Laurellian, walang iba kundi si Don Felipe Savilla ang lolo ni Alina. Lumapit ito sa principal at tinitigan ito ng masama. "We don't tolerate this kind of mistake, Am I right?" Tanong nito sa aming punong guro "Yes sir, I'm sorry" Paumanhin niya. "I don't need your sorry and I don't need you explaination pack your things because I don't want to see you again" Sigaw ni Don. Felipe na ikinagulat naming mga istudyante, hindi namin akalaing ganito siya makitungo sa iba. Nag katitigan kaming mag kaka-klase dahil hindi kami makapaniwala, may narinig akong nag lalakad kaya nilingon ko ito. She winked... "Don't tell me may kinalaman ka sa pag tunog ng bell" Sabi ng aking utak habang nakatitig kay Alina. "We're suspending the classes of St. Laurellian High School. Thank you so much and have a nice day" Wika saamin ni Don. Felipe at nag pasiya na siyang umalis sa aming harapan. Nag lakad muli kami papasok ng school at umakyat sa hagdan upang makarating kami sa aming silid. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na ako dahil uwian na. "Why are you laughing?" Tanong ko at napatitig siya saakin. "Nothing" Tipid nitong sagot saakin. Nag-aabang pala siya sa labas kaya napagala kami ng wala sa oras. "Dun tayo, masarap ang meryenda doon" Pag yaya saakin ni Alina na kanina pa natatawa. "Teka nga kanina pa kita napapansin, anong meron?" Tanong ko muli. "Wala nga, halika na kumain na tayo nagugutom na'ko" Pag iiba nito ng usapan. Nakabili na kami ng kakainin at umupo na kami sa Bench. Habang kumakain si Alina ay rinig na rinig ko ang nag kikiskisang mga metal sakaniyang bulsa kaya nilibang ko si Alina hanggang sa hindi niya namalayan ang mga kamay kong kumakapa sakaniya. Naka-kapa ako ng barya at isang susi sa kaniyang bulsa, hindi naman nakalock ang kaniyang tinitirahan pero bakit siya may susi. Hindi ko na natiis ang aking sarili kaya tumayo na ako at ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng kaniyang palda at agad kong hinugot ang susi nang mahawakan ko ito. "Alinaaa~" Sigaw ko sakaniya nang makita ko ang susi dahil ang susi na iyon ay susi ng bell sa school. Ang bell ay nakapasok sa isang glass at ito'y may padlock dahil ayaw nga nilang mag karoon ng false alarm kaya nilagyan nila ito ng lock. "Bakit nasayo ito?" Tanong ko sakaniya habang nakakunot ang aking noo. "Tinulungan lang naman kita" Sagot niya saakin "Anong tulong ang ginawa mo Alina?" Tanong ko muli "Tinulungan kitang hindi makapag recitation ngayon, sabi mo hindi ka nakapag aral kaya ginawan ko ng paraan." Sagot niya saakin na ikinatawa ko. "HAHAHAH Bakit sa ganong paraan pa, napaalis tuloy ang punong guro namin" natatawa kong saad. "Hayaan mo na 'yon, kumain na lang tayo" Pag baliwala naman nito saaking sinabi. "Kinabahan kaya ako nung tinawag ako halos uminit yung buong katawan ko dahil hindi naman ako nakapag review kaya salamat don Ms. Savilla at sawakas nasagot din ang tanong ko kung bakit ka kumindat kanina" Paliwanag ko sakaniya habang dire-diretso siya sa pag kain niya. Naluwa niya naman ang kinakain niya ng masabi ko iyon at tumawa na rin siya... "Ang angas ko kaya don, para akong super hero mo HAHAHA" Sagot nitong natatawa na rin. "Friends?" Sunod na saad nito saakin kaya tumingin ako sakaniya. "Hindi pa ba tayo mag kaibigan sa lagay na 'to?" Walang katapusang pag ngiti at tawa ko kaya tumango na siya at ngumiti na din. "FRIENDS!" Sagot ko para makumpirma niyang tinatanggap ko siyang maging kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD