Alina
*Phonecall*
"Hello? napatawag ka?" Unang tanong ko nang sagutin ko ang tawag ni Nicole.
"Samahan mo'ko" Hiling niyang sagot.
"I have plans, may group study kami" Pag papaliwanag ko
"Ahh sige, salamat" Huling sambit niya at agad na pinutol ang linya, gusto ko man siyang samahan ngunit hindi puwede dahil nakasalalay na dito ang aking grado. Graduating student ako ng Junior High School kaya kailangan kong mag sipag para sa kukuning kong strand sa Senior High School. Hindi ko naman minamadali dahil unang quarter pa lang namin sa SAA at may tatlong quarter pa akong natitira, gusto ko lang talagang grumaduate ng Valedictorian ngayon. Nagawa ko na 'yon dati, bakit hindi din ngayon.
Bumyahe ako ng halos isang oras dahil may group study kami, ang bahay na pupuntahan ko ay malapit sa SAA kaya hindi na ako mag tataka kung ilang oras ako aabutin papunta sa pupuntahan ko dahil ganito din katagal ang byahe ko kapag papasok naman ako sa skwelahan.
Nang makarating na ako ay nag hintay ako sa waiting shed malapit sa school, nakatulala lang ako dito dahil hinihintay ko din si Sky na dumating. Sama-sama kasi kami nila Tob, Sky at yung mga class officers kaso nag magaling naman si Jazz at nag prisintang sa bahay na lang nila mag group study kaya ito ako at nag hihintay sa aking mga kasamahan para sabay-sabay kaming pupunta sa bahay ni Jazz.
"Ali" Rinig kong sigaw ni Tob na patawid papunta sa waiting shed. Tinitigan ko lang ito at ngumiti ng paunti-unti.
"How are you?" Tanong nito saakin
"I'm good, thank you" Mahina kong sagot
"Strange, what's going on?" Tanong niya muli
"I said, I'm good" Tipid kong sagot kaya hindi na siya nangulit pa at naupo na lang sa tabi ko. Maya-maya pa ay nakita ko na ang anino ni sky sa paahan ko, masyadong tirik ang araw sa mga oras na ito kaya sobra-sobra din ang pawis na tumutulo sa muka ko.
"Late na ba ako?" Hingal na hingal niyang tanong
"Ano ka ba, ang aga mo nga e kumpara sa iba pang officer" sagot ko kay Sky
"Phew, Akala ko naman...teka bakit ba wala pa sila?" Tanong nito saamin ni Tob at nag katinginan naman kaming dalawa sa tinanong ni Sky dahil parehas naming hindi alam ang rason.
"Kanina pa nga kami nandito, maya-maya nandito na din 'yan hintayin na lang natin" sagot ko muli.
Isang oras na ang nakalipas at sawakas ay nag sisidatingan na din ang iba. Tawanan at kwentuhan muna ang ginawa namin dahil kulang pa kami.
"Hey, Pres" Bati saakin ng isa sa officer ng classroom namin.
"Hey, What's up?" Masigla kong sagot
"New day, new mood pres ah!" Pabiro nitong wika saakin. Umiling na lang ako at hindi na nag tagal ay nakarinig na kami ng busina ng sasakyan na papalapit sa kinaroroonan namin.
"Hi Guys" Unang sambit saamin ni Jazz nang maibaba niya ang bintana ng sasakyan.
"Sumakay na kayo" Pag anyaya niya saamin.
"Wait, Tob can you sit beside me?" Malakas niyang tanong kay Tob na halos mag hiyawan na ang mga kasama namin, tinutukso nila si Tob at Jazz sa mga oras na ito kaya napilitan si Tob na tumabi kay Jazz.
Lumipas na ang ilang minuto at nakarating na kami sa tinitirahan ni Jazz, Medyo malaki ang bahay nila at punong-puno ng kumikinang na gamit mula labas hanggang loob.
"Pasok, pasensya makalat yung bahay namin" Pag aanyaya ni Jazz
"Makalat na sa'yo 'yan? yung sala niyo buong bahay na namin" Pag pupuri ng isa sa kasamahan namin
"A-ah ganon pala yung sainyo" Tanging sagot ni Jazz rito at halatang-halata ang nandidiri nitong muka
"May problema ba? Halatang hindi ka sanay sa bisitang hindi mayaman" Sabat ko sakanila na ikinalaki naman ni Jazz ng mata.
"Hindi 'no, sanay ako sa ganiyan. Mag aral na tayo tumatakbo ang oras" Pag iiba nito ng paksa.
Sa studyroom kami ni Jazz nag group study, handang-handa ito dahil maraming unan sa sahig ang nakalatag sa iba't-ibang pwesto ng lamesa. Nangako akong aalis ako dito sa bahay nila ng ala-cinco para makauwi akong mas maaga kaya sinimulan na naming mag aral ngunit imbis na aral ang naganap ay naging kulitan at laro lamang. Napagtanto ko na kaya pala nag prisinta si Jazz sa bahay nila ay dahil kay Tob, matagal nang gusto ni Jazz si Tob kaya ito na lang siguro ang tanging paraan niya para makuha ang loob at puso ni Tob.
"Desperada" Bulong ko sa sarili pero narinig parin ito ni Sky na nasa tabi ko lang dahil i-isa lang kami ng lamesang ginagamit.
"Grabe ka naman hindi pa pwedeng na love at first sight lang si Jazz" Natatawang sambit niya saakin. Sabay kaming tumawa kaya nakakuha kami ng atensyon ng iba.
"Anong kasiyahan ito?" Nag tatakang tanong ni Jazz saaming dalawa ni Sky
"Wala, masaya lang kami" Sagot ni Sky
"Are you sure?" Taas kilay nitong tanong saamin at tumango lang kami ni Sky.
"Oh I forgot, Gusto kong sabihin sa inyong lahat na ang bawat lamesa ay may mini voice recorder kaya kung ano man yang sinabi niyo ay hindi makakalusot saakin" Mataray nitong sambit saamin.
Nangamba ako kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Kapit na kapit saakin si Sky kaya mas lalo akong kinakabahan, gustohin ko mang mag paliwanag pero malinaw na malinaw ang sinabi ko patungkol sakaniya kahit na hindi ako nag banggit ng pangalan pero si Sky ang may nabanggit kaya natatakot itong nakatitig kay Jazz.
"Bakit natatakot kayo? no wonder...kaya kung ako sainyo lumbas na kayo ng pamamahay ko bago ko pa pakinggan ang sinabi niyo" Direkta nitong pagtataboy saamin ngunit nag matigas ako dahil wala namang masama kung ang katotoohanan ang maririnig niyang desperada siya.
"Alina tumayo na tayo dito, natatakot ako" Nanginginig na wika saakin ni Sky.
"Hindi natin kailangan tumayo dahil wala tayong masamang pinag uspaan" Lakas loob kong pag paparinig kay Jazz para malaman niyang hindi kami guilty. Nilalakasan ko lang ang loob ko kahit na kinakabahan rin ako, takot ako sa mga ganitong bagay kaya ramdam ko ang init sa aking tenga at muka.
"Ang galing niyong mag matigas, bakit hindi natin pakinggan" Nakangisi niyang pag paparinig saamin. Nakatitig lang ako habang dumodoble ang kapit saakin ni Sky.
"Alina, please! nag mamakaawa na ako sa'yo umalis na tayo dito dahil nasa bahay tayo ni Jazz kaya wala tayong karapatang manatili pa kung ang sinabi niya ay umalis na tayo" Natatakot nitong wika saakin. Naawa ako sakaniya dahil kinakain siya ng takot kay Jazz.
Pinarinig ni Jazz sa buong kwarto ang pinag usapan namin, halos halak-hak lang 'yon pero mas natuunan ng pansin ang sinabi ni Sky kaya masamang titig ang ibinigay ni Jazz kay Sky. Maya-maya pa ay lumapit ito saamin dala-dala ang mga bag namin.
"LABAS!!" Sigaw ni Jazz saamin kaya wala na akong magawa kundi tanggapin ang bag kong hawak ni Jazz at ligpitin ang gamit ko para makaalis na pero hindi namin akalaing tatayo si Tob.
"Ali, give me your bag ihahatid na kita" Mahinahong pag yaya niya
"Hindi na kailangan Tob" Pag tanggi ko ngunit hinila niya pa din ang bag ko at hinawakan ako sa kamay.
Nagpatangay na ako kay Tob kaya narito na kami sa kalsada at nag hihintay ng taxi.
"Hindi mo kailangang gawin 'to Tob, kaya ko naman" Wika ko sakaniya
"Hindi, hindi mo kaya. Kahit anong mang-yari Ali may karapatan kang mag salita nang ganon dahil kaibigan kita at walang namamagitan saamin. Wag kang mag alala pag tapos ng graduation natin ay hindi na ako mag tatagal sa SAA" Sagot niya naman.
"Ano namang kinalaman ko jan?" Tanong ko
"Wala, pero alam mo bang may gusto akong ligawan, mabait siya, maganda at may mabuting puso" Pamamahagi niya.
"Ewan ko sa'yo, mag aral na lang muna tayo sagabal 'yan" Pag papayo ko naman.
May taxi na papalapit saamin kaya pinara namin ito at sumakay na kaming tatlo ni Sky, Tob at ako.Tumigil na ang sinasakyan namin dahil nakarating na kami sa harapan ng bahay ni Sky. Unang hinatid si Sky dahil malapit lang naman ito dito at tanging si Tob na lang ang natira kaya kaming dalawa na lang ang nasa loob ng taxi dahil nakababa na si Sky. Saktong isang oras lang ang kyahe dahil maaga pa naman at walang traffic sa kalsada.
Hindi ko namalayang nakapatong na pala ang aking ulo sa balikat ni Tob dahil nakaidlip ako. Tumunghay ako at pinunasan ko ang aking bibig dahil baka natuluan ko ito ng laway. Tumawa siya ng mahina dahil sa ikinilos ko.
"You're not a baby para mag laway Ali kaya okay lang, wala namang tumulo" Mahinahon at malambing nitong wika saakin. Hindi ako nag salita at tumingin na lamang ako sa bintana, malapit-lapit na kami sa bahay namin dahil nakita ko na ang palatandaan ko.
"We're here" Nakangisi nitong sabi sakaakin kaya bumaba na ako.
"Wag ka nang bumaba, umuwi ka na sainyo" Sambit ko sakaniya na akmang bababa pa ito sa taxi.
"Noted ma'am" ibang emosyon nitong sagot saakin.
Hinintay kong makaalis ang taxi na sinakyan ko kanina at sinigurado kong hindi na muling liliko ang taxi iyon. Tumungo ako sa gate namin at nakita ko ang isang pulang box. Sinalubong ako ni manang habang hawak itong pulang box.
"Ano 'yan?" Tanong ni manang
"Hindi ko po alam, ngayon ko lang po ito nakita sa harapan ng gate natin" Sagot ko sakaniyang tanong.
"Ha? meron? Buksan mo Alina, hindi ko napansin 'yan kanina" Panghihikayat ni manang saakin.
Binuksan ko ito at napangiti ako...
"WHO MADE THIS?"
"WHO KNEW MY FAVORITE?"
"DID SOMEONE NOTICE MY LIKES AND DISLIKES?"