Chapter 10: Lance, Help me

2151 Words
Nicole "Kanina ka pa jan, kanina ka hindi mapakali" Pag sisita saakin ng stepbrother kong si Lance "Haha, salamat sa ideya mong mag iwan ako ng bulaklak sa labas ng gate nila Alina" Matamlay kong wika sakaniya "Maliit na bagay mahal ko kapatid, 'di 'yon basta-basta nabubulok at pwede mo pang kainin" Sarkastiko nitong sagot saakin kaya hinampas ko siya sa baso "Salamat sa pag dadagdag sa pag o-overthink ko Lance" Pagalit kong sabi sakaniya. "Alam mo, pa'no ka niya mamahalin pabalik kung takot kang umamin." Wika niya saakin "May point ka pero sa palagay ko hindi ko kailangan umamin dahil ang totoong pag mamahal ay kusang dumadating" Paliwanag ko "Kusang dumadating? hanggang kelan? hanggang saan? pa'no kung lalong lumayo yung loob niya pag nalaman niyang gusto mo siya, pa'no kung hindi niya rin maramdaman yung nararamdaman mo kaya kailangan umamin ka na habang hindi pa tumatagal ang pag kakaibigan niyo dahil iba ang mag kaibigang nainlove sa kaibigan" Payo niya saakin. "Alam ko naman pero mahirap mag take ng risk sa ganitong bagay dahil unang-una parehas kaming babae, nakakahiya kung ako ang mag papakalalaki saamin" Sagot ko sa sinabi niya. "Ano ang ibig mong sabihin? gusto mo siyang umamin sa'yo? 'di ba ikaw ang may gusto sakaniya hindi naman siya?" Naguguluhang tanong naman niya saakin. "Mahirap ipaliwanag pero iba parin kapag babae ang umaamin, nauunahan kami ng takot na baka ma-judge kami ng iba" Nangangambang sagot ko. "Bakit ka matatakot kung true feeling naman 'yan Nics? Take a risk malay mo..." Huling sambit ni Lance dahil may nag message saakin. "Good eve. Colie, may nag lagay ng pulang box sa labas ng gate namin. I really liked it, Hindi ko kilala kung sinong nag bigay nito pero nakuha niya yung loob ko, Akalain mong sunflower at rose na crochet ang nasa loob non. Nakakatuwa, alam niya sigurong allergic ako sa mga small particles" Message saakin ni Alina na ikinangiti ko. "Lanceeeeeeeee~" Sigaw kong abot tenga ang ngiti "B-bakit? anong nang-yari?" Nag aalalang tanong ni Lance "She appreciated, I'm glad" Nakangisi kong sambit kay Lance at napangiti na din siya. "Colie? My nickname?" Reply ko sakaniya "Oo, ang cute kase" Reply naman niya sa tanong ko "Btw, sinong nag padala sa'yo ng flowers made by crochet?" Tanong ko kahit na alam kong ako ang nag lagay non. "Hindi ko nga alam, may kilala ka bang gumagawa non?" Tanong niya saakin sa text. sinabi lang naman saakin ni manang na allergy siya kaya hindi siya pwedeng mabigla sa kahit anong bagay. "Wala eh, sige na muna sleep na ako Inah. Iloveyou" Lakas kong loob kong reply sa huling message niya. Ngiting-ngiti naman si Lance habang nakadungaw sa telepono ko. "Matutulog na daw...Baka hindi ka makatulog sa kilig" Sawsaw niya sa message ko "Manahimik ka, atlease nagalaw ko na ang baso" Pag mamayabang ko "Kasisimula niyo palang maging mag kaibigan at mukang mababasag mo kaagad ang baso mo" seryoso niyang sabi saakin. -KINABUKASAN- "Nics, tumayo ka na jan. May bisita ka" Bulong na sabi ni Lance saakin. Nabigla ako kaya napabangon ako ng biglaan. "Ha? Sino? Wala naman akong inimbita" Putol-putol kong sagot at halos papikit-pikit pa ang aking mga mata. Hindi ako nakatulog ng maaga dahil kinikilig ako kagabi at naiimagine ko kagad ang relasyong pag sasaluhan namin. "Bilisan mo na, nag hihintay 'yon" Pag mamadali saakin ni Lance. Naghilamos at nag toothbrush na ako kaya suklay at pag aayos na lang ng higaan ang gagawin ko. Maya-maya pa ay nasa hagdanan na ako, rinig na rinig ko na ang pag pupuri ng mga magulang ko sa bisita namin. "Oh, nandito ka na pala Nicole sumabay ka na sa umagahan namin" Pag anyaya saakin ng stepmom ko "Oo, nga halika na kunwari ka pa" Wika ni Lance na may halong pang-aasar. Sisimangot na sana ako ngunit naunahan ng ngiti. "Inah, anong ginagawa mo dito?" Tanong kong may halong saya sa aking muka "Tinatanong pa ba 'yan? gusto mong samahan kita 'di ba? Alam kong kahapon mo pa ako niyaya pero baka sakaling pwede ngayon?" Patanong niya ding sagot saakin na para bang niyaya niya na din akong sumama. "Bakit hindi, payag 'yan Alina!" Sabat ni Lance "Planado mo na ata ang oras ko Lance, tatanggi ba ako sa isang magandang binibini na nasa harapan ko?" Pag sang-ayon ko naman. Kumain na kami ng umagahan, ganado akong kumain dahil katabi ko na yung matagal ko nang hinahangad na makatabi. Natapos kaming kumain at tumulong rin siya sa pag ligpit, hindi ko inaasahan ito. "Inah, maupo ka na sa sala kami na rito" Sabi ko sakaniya. Umiling siya at ibinuka ang bibig "Okay lang ako, wag mo akong asikasuhin" Pag mamatigas nito "Sure ka ba jan? Bibilisan ko na lang, hintayin mo'ko" Paalam ko sakaniya Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ako sa gawain ko kaya nag pasya akong umakyat sa itaas upang mag bihis para makagayak na kami. "I'm done, Let's go?" Pag yaya ko kay Alina "Let's go" Pag sang-ayon naman nito saakin Nang makalabas na kami ng pintuan namin ay tinanong ko kaagad siya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "'Di ba niyaya mo ako kahapon, saan ba dapat kita sasamahan?" Tanong rin nito saakin. "Sa park sana" Nag dadalawang isip kong sagot kay Alina. "Sure" Maiksi nitong sagot saakin pero punong-puno ng saya. Sumakay kami ng Taxi at punta kami sa Central Park, kumikinang ang mga mata ni Alina dahil sa mga disenyo ng mga nakapaligid sa park. Bumaba na kami sa Taxi at dumiretso na kami sa pwesto na gusto naming upuan. "Halika doon tayo" Pag yaya niya saakin habang hila-hila ang aking kamay. Naupo na si Alina sa lapag at laking gulat ko nang mag labas siya ng kumot na galing sa bag niya. "B-bakit may dala ka niyan?" Nag tatakang tanong ko sakaniya "Dito din sana kita yayayain kanina pero naalala ko kaseng ikaw pala ang mag dedesisyon ng pupuntahan natin dahil ikaw ang unang nag yaya" Paliwanag niya naman. "Looks like a real date" Mahina kong sambit kaya napakunot ang kaniyang noo at muling nag salita. "May sinasabi ka ba?" Tanong niya. "Wala, bibili lang ako ng makakain, hintayin mo'ko." Pag papaalam ko. Tumango lang siya at umalis na ako sa harapan niya Halos mabili ko na lahat ng nasa bilihan ng pagkain dahil gusto kong mag pakabusog siya at gusto kong makasama siya ng mas matagal, babae ako pero parang gusto kong mag pakalalaki sa oras na ito. Pabalik na ako sa kinaroroonan niya at kitang-kita ko ang inilatag niyang mga gamit, handang-handa ata siya kaya kulang na lang ay dalhin niya na ang buong bahay nila. "Alina, ano 'to?" Tanong ko "Bakit? Hindi ba maayos?" Tanong naman niya saakin habang nilalapag ko ang mga pinamili kong pag kain. "Hindi naman sa ganon, sa bag mo din ba galing itong tent na 'to?" Tanong ko sakaniya at bigla siya tumawa. "Okay ka lang ba? Sa tingin mo bang kasya 'yan dito?" Natatawa nitong sabi saakin bahang pinapakita niya ang bag niya. "Hindi kase, saan ba kase galing 'yan" Tanong ko muli. "I rented, dito muna tayo hanggang mapanood natin ang sunset" Wika niya kaya tumango ako dahil hindi ko maitatangging maganda panoorin ang sunset. Nanood, kumain, nag laro at nag kwentuhan ang ginawa namin sa loob ng tent. Ang saya dahil para kaming nakatira sa isang bubong, ngayon ay nakatulog si Alina dahil sa pagod sa kakatawa at sa kakulitan. "Inah, wake up panonoorin pa natin ang sunset, 'di ba gusto mo 'yon?" Pag gising ko sakaniya. Hindi siya mahirap gising kaya mabilis kaming nakalabas sa tent para panoorin ang sunset. "Ang ganda, ang sarap pag masdan." Pag pupuri niya sa kalangitan. "Oo naman, pero mas magandang pag masdan yung babaeng inilikha ng Diyos at ibinaba mula sa langit." Walang konekta kong sambit kaya napatitig siya saakin na para bang naintidihan niya ang aking ibig-sabihin. Natapos na naming panoorin ang sunset at nag pasya na kaming mag ligpit. Mabilis lang ligpitin ang mga ito dahil gamay na gamay na namin ang pag liligpit. "Alina, ihahatid na kita sainyo ha" Wika ko sakaniya "Bakit? Nicole hindi na kailangan, parehas tayong babae kailangan natin ng proteksyon ng nakakatanda" Sagot niya saakin "Oo naman, gusto mo bang ipahatid na kita kay Dad?" offer ko sakaniya "No need, itetext ko na lang si manang na pakisuyuan yung driver namin" Pag tanggi niya. "Okay, naiintidihan ko. Uwi na tayo" Pag yaya ko pauwi saamin. Nakuwi na kami sa bahay namin at hinihintay na lang namin ang sundo niya. Saktong pag-uwi namin ay biglang bumagsak ang malakas na ulan kaya matatagalan pa ang pag sundo sakaniya. Hindi nag tagal ay sumuko na siya kakahintay. "Dito ka na matulog ija" Pag yaya naman ni Mom kay Alina "Okay lang po ako tita, kaya ko pa naman pong mag hintay" Pag dadahilan niya "Gabi na anak, mahirap mag pag paandar ng kotse sa ganitong lakas ng ulan" Paliwanag ni Mom sabay dungaw sa bintana. "Ilang minuto pa po tita, pag hindi pa talaga dumating ay dito na po ako matutulog" Nakangiting sambit niya. Agad naman akong nag panic dahil alam kong sa kwarto ko ito patutulugin, kaya imbis na ngumiti ako ay umakyat kaagad ako sa itaas at kinatakok si Lance. "Lance, buksan mo yung pinto" Mag mamadali at nag pupumilit kong sabi sa labas kwarto niya. Hindi siya sumagot pero rinig na rinig ko ang apak niya sa sahig kaya alam kong nakatayo na ito para pag buksan ako, maya maya pa ay pinag buksan niya ako ng pinto at dali-dali akong pumasok sa loob. "Pag hindi dumating yung sundo ni Alina ay dito siya matutulog" Kinakabahan kong wika sakaniya "Then?" Tipid naman nitong ani saakin "Pa'no kung makita niya yung flower crochet na ginawa ko?" Nag aalalang tanong ko "Ha? Madami ka bang ginawa Nics?" Tanong niya naman saakin "Madami, puro sira at error na stitch 'yon kaya hindi ko alam kung itatapon ko ito o itatago. Kung itatago ko naman ay saan?" Paliwanag ko "Anak ng...Akin na, ilagay mo dito at pakiusap ayusin mo na yung kwarto mo dahil alam kong madaming litrato jan ni Alina" Napalakas niyang sambit saakin kaya agad kong hinila ang kaniyang tenga. "Ang lakas talaga ng boses mo" Bulong ko rito at agad akong lumabas sa kwarto upang maidala ko na ang mga maling stitches na ginawa ko. Pag katapos kong ligpitin ang magugulo kong gamit sa kwarto ay nag latag na ako ng hihigaan ko, patutulugin ko siya sa aking kama at ako na lang sa sahig. May kumatok sa aking kwarto pero hindi ko gamay ang kaniyang kamay sa pag katok kaya binuksan ko na lang ito. "Oh! hindi ka na susunduin?" unang bungad ko sakaniya "Nah, sinabi kong wag na akong sunduin at dito na lang muna ako sainyo matutulog" Paliwanag niya saakin. "Ahh, kung ganon mag pahinga na tayo dahil alam kong pagod ka" Pag anyaya ko naman. Pumasok siya at binigyan ko ito ng tuwalya at pantulog na damit para makapag halfbath ngunit hindi niya ito tinanggap at humiga na lamang sa sahig na nilagtag ko. "Ako jan, sa kama ka na" Ani ko "Hindi na kailangan, jan ka na sa tinutulugan mo kaya kong matulog sa sahig" Pag dadahilan niya "Wow naman, ako na lang wag lang ang prinsesa ko" Pabiro kong sambit sakaniya ngunit hindi niya maintidihan ang pakay ko. "Ha? Ano?" Tanong niya. "Wala, matulog na tayo" Sabi ko naman. Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ko na ang aking mga mata kahit na nakakarinig ako ng kalkal sa ilalim ng aking kama. May mga gamit doon pero nakalimutan ko na kung anong klaseng gamit ang mayroon sa ilalim kaya hinahayaan ko na lang siyang magkalkal ng kung ano-ano. "Nicole, ano 'to? Bakit ganito yung muka sa litrato?" Tanong ni Alina na ikinamulat ng dalawa kong mata. Baka litrato niya ang nakita niya, pa'no na ako neto?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD