Alina
"Bakit? Anong litrato?" Kabadong tanong saakin ni Nicole.
Ibinigay ko sakaniya ang hawak kong litrato. Hindi maipinta ang kaniyang muka dahil na nakikita kong emosyon sa muka niya.
"Ito" Sambit ko sabay abot sakaniya ng litrato.
Blankong emosyon din ang ibinigay niya saakin, wala siyang maibigay na emosyon kaya pag taas na lang ng dalawang balikat niya ang isinukli sa pag tatanong ko.
"Imposibleng hindi mo ito alam, nakatira ka rito 'di ba?" Wika ko sakaniya
"Oo pero kahit anong titig ko dito araw-araw ay wala akong makuhang kasagutan kaya hindi ko maipapaliwanag ang ibigsabihin niyan." Paliwanag niya saakin.
"Imposible Nicole, Sige hayaan mo na, matulog na tayo" Wika ko muli.
Hindi ako makatulog ng maayos, harap sa kanan at kaliwa ang ginawa ko bago pa ako tuluyang makapikit. Iniisip ko ang litratong 'yon dahil pakiramdam ko ay nakita ko na ito noon. Bilang lang sa daliri ang itinulog ko, sumasagabal talaga ang natagpuan ko kagabi kaya hindi ko matiis na hindi isipin kung saan ko ito nakita ngunit blangko din ang aking isip kaya pinipilit ko na lang muling pumikit para makatulog muli.
Maya-maya pa ay hindi na ako nag pumilit pang matulog. Dahan-dahan akong tumayo sa hinigaan ko at dahan-dahan ding pinihit ang busol ng pintuan para hindi magising si Nicole. Bumaba ako sa kanilang hagdangan at kinuha ko ang aking sapatos na suot nung kami'y umalis.
Lumabas ako ng tahimik at walang ingay sa bahay nila, nag iwan ako ng mensahe sa kanilang dinning table. Nag iwan ako ng mensaheng mauuna na akong umuwi dahil may pasok ako ng 8am, dapat ay 6am ay nakaalis na ako para 7-7:30 ay nasa SAA na ako kaya umalis ako sa bahay nila ng 5am in the morning. Nag commute ako dahil wala naman nang mag susundo saakin.
Dahan-dahan ko muling pinihit ang busol ng aming pintuan, gising na ang mga guwardyang nag babantay sa labas ng aming tinitirhan kaya hindi ako nahirapang makapasok sa gate. Dumungaw muna ako sa bintana ng kusina bago ko ito ipinihit, walang kahit anong anino ng tao kaya pumasok na ako sa pintuan ng bandang kusina. Pag pasok ko sa kusina ay ibinaba ko kaagad ang bag kong dala-dala at kumuha ako ng bowl at kutsara. Nag handa ako ng cereal sa lamesa para sa aking almusal, hindi pa ito sakto saakin kaya nag desisyon akong tunawin ang chocolate at tunawin ito sa range. Isinalang ko na ito at hinihintay ko na lang matunaw.
*Ting*
Tunog ng aking telepono.
"Good Morning Alina, Nakapag review ka na?" Tanong nito saakin
"Good Morning Sky, review saan?" reply ko.
"Sa pagsusulit mamaya president" reply naman nito saakin
"Meron? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Pag rereklamo ko sakaniya
"Miss president kailang pa bang sabihin?" Sagot naman niya
Naiinis ako sa aking sarili dahil inuna kong mag pakasaya, umakyat ako sa aking kwarto upang kuhanin ang aking lecture notes sa study table at nang makuha ko na ito ay bumaba na ako.
"Alina, yung niluluto mo!!" Sigaw ni manang habang ako'y dahan-dahan pang bumababa sa hagdan kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kusina.
"Hindi mo dapat iniwan ito" Wika ni manang sakin habang pinipihit ko pakanan ang range.
"Hindi ko po sinasadya manang, may kinuha lang po ako sa itaas" Paliwanag ko.
"Okay lang 'yon anak pero ang lakas ng apoy sana hininaan mo man lang" Pangangaral ni manang saakin na halata ang pag aalala.
"Pasensya na po" Nakatungo kong ani sakaniya. Hindi niya maiwasang intindihin ako kahit na naiinis ito sa aking ikinilos kaya niyakap ko siya ng mahigpit para mawala ang nabubuong inis at pag alala niya saakin.
"Ayaw ko lang mang-yari sa'yo ang nangyari saakin" Pagpaparangal muli niya habang ako'y nakayapap sa kaniyang likuran.
"Po? Nang-yari sa'yo? ano po iyon?" Tanong ko
"Hay nako Alina, maupo ka na at kumain...gusto mo ba ng tinapay dahil nag tunaw ka ng chocolate?" Pag iiba naman ng usapan ni manang. Tumango na lang ako bilang sagot sakaniya at naupo na ako upang makag simula kumain, muli tinanong ko ulit si mang patungkol sa kaniya...
"Manang, ano nga po 'yon? ano pong nang-yari sa'yo dati?" Pangungilit ko naman, habang kinukulit ko siya ay hinaharang ko an kanyan dinaraanan upang mapigilan siya sa kaniyang ginagawa.
"Manang, please!" Pangungilit ko muli. Hindi ako sumuko sa pangungilit dahil iba ang kutob ko rito, maya-maya pa ay nakarinig ako ng sigaw lapit saamin ni manang.
"ALINA ARKEN" Sigaw ng barakong boses, alam ko kung sino iyon kaya napatigil ako sa pangungilit.
"Umagang-umaga Alina, hindi ka na nga umiwi kagabi tapos ngayo'y napakalakas ng boses mo...Nakakabulalob!" Mariin na saad ng aking tatay saakin
"Sorry po" Wika ko naman habang naka-tungo
"Isa pa, wag mong kulitin si manang dahil trabaho ang ipinunta niya dito sa pamamahay ko!" Mariin niya muling wika saakin sabay alis saaming harapan ni manang.
"Sige na Alina, Mag handa ka na may pasok ka pa" Mahinahong wika saakin ni manang. Tango muli ang naisagot dahil kahihiyan ang ginawa ko kahit na alam kong pamilya na si manang saamin.
Lumipas ang 30mins ay natapos na ako sa pag pre-prepare ng aking sarili pag pasok, mabilis akong kumilos ngayon dahil mag rereview pa ako.
Humiga, tumayo at umupo ang aking ginawa sa loob ng natitirang oras na nasa bahay pa ako dahil alam kong hindi papasok sa aking utak ang aking pag aaralan kung sa sasaakyan ako mag rereveiw kaya todo aral ang ginagawa ko habang nasa kwarto ako.
"Alina, nanjan na ang sundo mo" Isang malambing na tono ng aking nanay ang iniluwa sa pintuan ng kwarto ko. Tumitig ako na para bang hindi makapaniwala na ang aking nanay ang bubungad saakin bago ako pumasok, sa oras na iyon ay parang naging estatuwa ako dahil hindi talaga ako makapaniwala, alam kong tungkulin ng isang ina ang mag alaga sa anak pero ngayon na lang ulit ito nagawa ng aking nanay dahil busy ito sa negosyo namin at maya-maya pa at nabalik na ako sa aking wisyo kaya nag ayos na ako ng aking dadalhin.
"Opo ma" Maiksi kong sagot kaya naman tumango ang aking ina at muling sinarado ang pinto.
Nakababa na ako sa aming sala at sumalubong si manong sa akin, kinuha niya ang bitbit ko at nauna nang lumabas saakin nag paalam na ako sa aking nanay at ganoon rin kay manang. Wala naman na ang aking tatay sa bahay dahil pumasok na daw ito, hindi lang talaga lubos maisip kung bakit pabago-bago ang mood ni papa kaya wala na akong magawa pa kundi ay tanggapin ang pag uugaling iyon...Nag paalam na ako sakanila pero si manang ay sumunod parin saakin palabas dahil gusto niya daw akong ihatid hanggang sa makasakay ako sa sasakyan.
"Wag mo na lang siguro gawin ulit ang ginawa mo kanina" Malamig nitong saad saakin
"Opo manang, pasensya na po" Mahina ko namang sagot
"Ayaw ko lang talaga mang-yari sa'yo ang nang-yari saamin ng anak ko" Sunod naman nitong wika saakin
"Po?" Pagtataka kong tanong habang kami'y patungo sa gate, medyo malayo-layo pa ang lalakirin namin dahil hindi biro ang bahay na tinitirahan ko...masyadong malaki ang bahay namin at napakalawak ng hardin na dadaanan bago pa ako tuluyang makaabot sa b****a ng aming unahan.
"Noong araw na nasunog yung bahay namin ay iyon din ang araw na nalayo ako sa anak ko, nalayo ako dahil nauna siya irescue kesa saakin kaya naiwan ako doon sa loob at nag bunga ito ng malaking peklat at pag sasama-sama ng balat ko likod" Paliwanag ni manang sa kanina ko pa pag mumulit sakaniya. Nabagsakan siya ng kahoy sa likod kaya pati likod niya na nasunod din pero hindi naman ganon kalala dahil kahit papaano ay nakakakilos pa ito ngunit minsan ay bumabalik ang sakit non dahil hindi daw masyadong nagamot dahil wala na siyang pambili ng gamot noon dahil noong nasunog ang kanilang bahay ay halos hindi siya tanggapin ng kaniyang kamag-anak dahil magiging sagabal lang daw siya sakanila, kaya naman nang pumasok siya sa amin bilang isang kasambahay ay lubos itong nag papasalamat ng paulit-ulit saamin dahil tinanggap pa rin namin siya.
"Ahh, naiindihinan ko na po manang...sorry po pero nasaan po ba yung anak niyo?" Pangalawang beses ko muling pag tatanong
"Yun na nga Alina, pakiramdam ko ay siya na yung nakausap ko nung nakaraan kaso hindi parin ako sigurado kung siya nga iyon...isa pa, baka hindi niya ako tanggapin dahil lumayo ako hindi ko siya hinanap pero hindi parin nawala yung pag mamahal ko sakaniya dahil siya ang nag iisa kong anak" Pag ku-kuwento ni manang saakin na kahit gaano pa sila katagal na hindi nag kita ay may pag mamahal parin ito sa kaniyang anak.
"Kung ganon manang, bakit hindi mo po siya muling hanapin" Pag bibigay ko naman ng opinyon.
"Gustohin ko man pero hindi pwede lalo't na ay nag tra-trabaho ako rito anak" Dahilan naman ni manang
"Manang, madaming paraan jan, may litrato ka ba?" Tanong naman sakaniya pero hindi na ako nasagot ni manang dahil bumusina na ang sasakyan namin kaya palingon kami ng sabay ni manang ng marinig iyon dahil 'yon ay nag sisimbolo ng malalate na ako kaya dali-dali akong tumakbo dahil malalate na nga ako.
"Bye manang, mamaya po ay pag ku-kuwentohan ulit natin ito ha" Wika ko naman sakaniya habang kumakamay ako, kumaway naman ito pabalik saakin habang papalayo na kami saaming tinitirahan.
*Ting* Tunong ng aking telepono
Binuksan ko ang aking telepono ay bumungad naman ang message saakin ni Nicole.
"Good Morning Inah, Bakit hindi mo man lang ako ginising?" Tanong niya saakin sa pamamagitan ng message.
"Anong oras na 'yon, may pasok pa ako Colie" Reply ko naman.
"Naiintidihan ko, mag-ingat ka ha" Pag puputol naman ni Nicole sa aming usapan.
Maya-maya pa ay tumunog ulit ang aking telepono, hindi ko kaagad ito tinignan dahil alam kong si Nicole iyon ngunit nag kamali ako. Naka-ilang message at tawag ito saakin na pinag kataka kaya naman ng kunin ko ang telepono ko saaking bulsa ay agad na nanlaki ang mata ko dahil dito, nanlaki ito dahil sa pagtataka kaya binuksan ko muli ang telepono ko at binuksan ang message saakin.
"Alina, agahan mo ng uwi dahil may bisita tayo" Maiksing message saakin ng aking tatay.
"Bakit po? Ano pong meron pa?" Reply ko naman.
"Pupunta daw ang Vasco Family, mayroon kaming pag uusapan at kailangang nandon ka!" Pag papaalala naman nito saakin.
"Okay po, masusunod po" Huling reply ko bago ko pa tuluyang pinatay ang aking telepono.