Chapter 12: Best idea from you, my dear brother

2234 Words
Nicole "Alina?" Wika ko habang hinahanap sa si Alina sa bawat sulok ng bahay namin, nag babakasali lang akong nag cr o kaya kumain ito. Ilang tawag ang ginawa ko sa pangalan niya na ikinagising ni Lance. "Nics, mas maaga ka pa sa manok ah!" Sarkastiko naman nitong bungad saakin. Hindi ko ito pinansin dahil masasayang lang ang oras ko sa tinapklong na ito. "Nics, ano ba 'yan? i-message mo na lang kesa nag sisisigaw ka rito na para bang nasagubat tayo!" Muling wika ni Lance saakin kaya tinitigan ko siya ng masama dahil bukod sa sagot niya ay napakalakas din ng kanyang boses na ikabubulabog naman ng mga natutulog pa. Napag isip-isip ko na i-message na lang si Alina dahil masasayang lang ang oras ko kung sisigaw pa ako rito, isa pa ay may dahilan siya para umalis ng maaga dahil papasok pa ito sa SAA. Nang ma-message ko si Alina ay tama ang hinala kong umuwi ito dahil papasok siya, mabilis ko tuloy pinutol ang message ko sakaniya dahil wala din naman iyong patutunguhan pa kung sakaling tanungin ko pa siya. Maya-maya pa ay bumaba na si Mom. "Ang aga niyo ata anak?" Tanong naman ni Mom saamin ni Lance, habang si Lance naman ay nakahiga sa sofa dahil inaantok pa daw siya. "Si Alina po kase ay umuwi na" mahina kong saad. "Ang aga naman, hindi man lang siya nag tagal para napagluto ko siya" Wika naman ni Mom na medyo lumungkot ang muka. "Hayaan niyo po dahil susubukan ko pa siyang yayain muli." Sagot ko naman na agad namang kinabago ng ekspresyon ni Mom. "Oh siya, sige mag asikaso na muna kayo sa sarili niyo dahil may pasok pa kayo 'di ba?" Pag iiba naman ng usapan ni Mom. "Opo" Maikling sagot ko. Dumiretso na ako sa aking silid tulugan upang mag ligpit, muli kong nakita ang litrato na natagpuan ni Alina kaya kinuka ko ito sa sahig at muling tinitigan. Maya-maya ay napagtanto ko na ang bahay na nasa litrato ay mag katulad na disenyo sa bahay nila Alina, biglang nagulo ang aking isip kung bakit ganoon pero hindi ko ito pinansin dahil wala namang kasiguraduhan ang aking nasa isip dahil hindi lang naman isang bahay ang nakatayo sa buong mundo kaya inisang-tabi ko na lang muna ang gumugulo sa aking isipan. (Ang litrato ay nilalaman ng family picture nila, nasabi na sakaniya ng kaniyang ama ang patungkol sa taong nasa litrato ngunit hindi niya parin alam ang dahilan kung bakit ang kalahati ng litrato ay may itim na, sa litratong iyon ay makikita ang isang nakabistidang babae. Hindi halos makita ang muka non dahil nga sa itim na napasama sa litrato na para bang nasunog dahil may mga maliliit pa din na papel ang lumalabas kapag pinapag-pag ito. Nasabi na rin ng kaniyang tatay ang patungkol sa babaeng nakabistida na ito'y ang kanyang nanay pero may halo na ang kwento dahil nabanggit ng kaniyang tatay na baka patay na ito dahil noong inilabas daw siya ay lumayo na ang kaniyang tunay na ina) Nag ayos na ako ng aking sarili at nag suot na rin ako ng uniform dahil may pasok ngayon. Bago ako lumabas ng aking silid ay sinigurado ko muna ang aking kwarto'y malinis kaya nang masigurado kong okay na lang lahat ay lumabas na ako, bumaba ako sa aming hagdanan at natanaw ko kagad ang paborito kong pagkain. Ang bango ng amoy nito, parang ayaw ko nang pumasok dahil gusto ko na lang kumain hanggang sa mabusog ako. "Ang bango, ngayon lang ulit tayo nag ganito ah!" Masayang wika ko naman sa aming lahat. "Mabango ba talaga? halata naman, kitang kita ko sa'yong mga mata anak ko" Masayang wika naman ni Mom saakin. "Ang bango, parang magiging baboy ata ang isa jan, 'di bale may maleletchon tayo mamayang hapunan" Sabat ni Lance na ikinatawa ng lahat ng tao sa bahay. "Ako ba ang pinariringgan mo?" Pagalit kong saad sakaniya. Umangang-umaga ang aga mang-inis na parang akala mo ay hindi din siya madaming kumain. "Ba't ka nag rereact, ikaw ba tinutukoy ko?" Pamimilosopo naman nito saakin "Oo, Lance ako lang naman 'di ba?" Naiinis kong saad muli at halos mahimatay na sa kakatawa ang iba naming kasama dito sa bahay, alam nila kung paano kami mag asaran ni Lance na ang nagiging ending ay ako ang pikon pero kahit na, HINDI AKO MAG PAPATALO! Inirapan ko lang si Lance at naupo na ako sa aking upuan, maya-maya pa ay nakababa na si Dad. Sabay-sabay kaming kumain dahil sabi ni Mom ay mas masaya kung sama-sama ang pamilya. 'di ko itatangging kahit nag aaway at nag kakagulo kami ay may saya at tawa parin kaming itinatago na kusang lumalabas din pag kami'y sama-sama. "Lance, Kailangan na kita" Malamig na wika ni Dad "Saan po?" Tanong ni Lance "Sa negosyo natin, matuto ka nang mag aral mag patakbo nito dahil kahit ano pa ang iyong sabihin ay sa'yo rin ito mapupunta at ginagawa ko ito para sayo!" Mahina pero may diing wika ni Dad "Opo" Munting sagot ni Lance. Ikinagulat naming lahat ang usapang iyon, sa puntong 'yon ay halos tumahimik ang buong kapaligiran namin. Hindi naming aakalaing sasang-ayon si Lance sa gusto ni Dad na dati-rati lang ay sumasagot pa ito. Ilang minuto din kaming walang imikan ng dahil sa nang-yari na para bang isang himala ito, nang matapos kaming kumain ay nag ligpit na kami...hindi ko na lang namalayan na umakyat na pala si Lance, may pasok kami ngayon pero tanghali kami papasok dahil kasalukuyang mayroong pinapaayos ang St. Laurellian High School. Umakyat ako at patungo sana ako sa aking silid upang mag pahinga ngunit hindi ko na iyon ginawa dahil napag-isipan kong sa kwarto na lang ako ni Lance tatambay. Binuksan ko ang kanyang pintuan at nakita ko siyang nakatitig lang sa bintana na para bang ang lalim ng iniisip. "Hoy Lance, Okay ka lang?" Tanong ko habang pumapasok ako sa kaniyang silid. lumingon lang ito saakin kaya naman inulit ko ang tanong ko hanggang sa sagutin niya na ito. "Oo, ba't ka nandito?" Tanong naman nito saakiin "Gusto lang kitang kamustahin" Sagot ko naman "Patungkol ba ito sa kanina? Oo nics, pumapayag na ako sa gusto ni Dad pero hihilingan ko 'yon ng kapalit." Sagot naman nito saakin. "Kapalit? Anong-" Hindi na ako natuloy sa aking sasabihin dahil sinimulan nang mag paliwanag ni Lance. "Ang kapalit non ay ilalapit ako ni Dad sa taong gusto ko, desperado na ako dahil simula bata palang tayo ay siya na lagi ang iniisip at dinadaling ko." Paliwanag niya saakin. "Teka, teka, teka sino ba ang babaeng 'yan" Sabat kong tanong sakaniya. "Hindi babae Nics, at alam kong sa desisyon kong ito ay hindi tatanggapin ni Dad kaya ang kapalit ng pag payag ko ay ang lalaking gusto ko!" May paninindigan niya namang tugon saakin. Nabuksan kusa ang aking bibig sa pag amin ni Lance, Hindi mo naman makikita na ang kilos niya'y pangbabae pero bakit... Nahinto naman ang iniisip ko nang bigla muling mag salita si Lance "Kilala kita nics, matataguan at mapapagkatiwalaan kita pero umamin ka nga sakin ano talaga ang ipinunta mo dito?" Tanong niyang nakataas ang kilay. "A-ah e-hh a-ano kase, gusto kong...Igalaw ang baso" nahihya kong saad sakaniya, napangisi tuloy ito na para bang nang iinsulto. "Walang problema kapatid, nandito ako para sa'yo. Ano ba ang gusto mong mang-yari?" Nakangiting tanong niya naman muli saakin. Matapos ang mahabang pag pla-plano namin ni Lance ay naubos ang aming oras sa kalokohang iyon. Bumaba na kami ng sabay dahil sabay din kaming papasok sa skwelahan. "Basta sundin mo lang ang sinabi ko, paniguradong tatalab naman 'yon dahil malakas ka" Pag papaalala niya naman saakin "Oo, basta kung maipit man tayo ay walang sisihan" Pag papaalala ko rin. "Ako ba pa? Parang 'di mo'ko kilala nics, sisiguraduhin kong ako ang malalagot at masasaktan nang saganon ay 'di ka madamay" Wika ni Lance saakin. Pumasok na kami at masasamang tingin ang ibinigay ng mga babaeng nakapaligid saamin. Kasalukuyang mag ka-hawak kamay kami ni Lance. Ito ang kanyang kalokohang plano, nasa plano niya ang pag papanggap namin para mabully ako. Parang gusto kong kurutin si Lance dahil kahit papaano ay natatakot ako. Isa sa plano niya ay pag na-bully ako ay makakarating ito kay Dad at mapapalipat ako ng paaralan, 'di na namin inisip kung saang paaralan pero kung may pag kakataong papiliin ako ay gusto ko sa SAA para mag kasama kami. Pag napalipat ako sa SAA ay makakasama ko siya, hihingi din ako kahilingang mag trabaho sa bahay nila Alina, mag tra-trabaho ako bilang isang katulong nila dahil gusto ko ring kumita ng pera para nakakabawas na ako sa ginagastos ni Dad. Alam kong may sapat kaming pera para doon pero ipipilit ko parin dahil sayang kung hindi ko maigagalaw ang baso, pa'no na 'tong nararamdaman ko? kaya pumayag ako sa planong ito pero nilalamon parin ako ng takot dahil isa itong kakahiyan at baka sumama ang loob ni Dad. Pumapasok din sa kaniyang isip na kung ititigil niya ay sayang naman kaya ang naging ending ay GORA! LABAN LANG, SUSUBOK AKO PARA SA TAONG MAHAL KO! Ilang oras ang lumipas ay break time na namin, inabangan ako ni Lance na lumabas para ipag pa-tuloy namin ang aming pag papanggap. Hindi nag tagal habang kami'y nasa canteen ay hindi ko inaasahang mang-yayari ito, nang-yari na nga ang isa sa plano namin...ay ang mabully ako. Ito ako ngayon habang nakaupo sa sahig ng court, dito ako dinala ng ilan sa mga babaeng nag kakagusto kay Lance. Dito ko lang talaga napag tanto na talagang ginayuma ni Lance ang mga ito dahil ang gaganda nila tapos sa tipaklong lang sila mahuhulog. "Hindi kita kilala pero paano naging kayo? Ang tagal kong nag hahabol sakaniya tapos sa'yo lang siya mahuhulog?" Wika naman ng isang babae saakin, hindi ako sanay makipag away pero kung patungkol sa agawan hindi ako mag papatalo dahil hindi ako iniluwal para apihin. ganon pa man ay kailangan kong mag patay malisya dahil kasama ito sa plano ko, plano namin ng kapatid kong sira ulo! "Sumagot ka, hindi ka naman ganon kaganda para mapasagot mo siya kaagad" Naiinis nitong wika na may halong inggit kaya napapangisi ako dahil ganito pala ang mga babaeng nag hahabol kay Lance kung sakaling may girlfriend ito pero nag kakamali sila dahil hindi BABAE ANG TIPO NI LANCE!! "Atlease maganda! ikaw ba? nasaan ang ganda mo? nasa paa?" Sagot ko naman "Ang kapal naman ng muka mo" Malakas niyang saad saakin at kaagad na dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Ang sakit pero titiisin ko, ginusto ko 'to 'di ba? kaya hindi parin ako nag patinag. Tumayo ako ay hinawakan ko ang braso ng babae ngunit huli na nang mahawakan ko ito ng mas mahigpit dahil dumapo naman ang kasamahan niya sa buhok ko. Ito ang pinaka masakit sa lahat, ang sabunutan ako, para akong naluluha na ewan dahil halos matanggal na ang buhok ko sa anit. Hindi ko na napag-tanggol ang aking sarili dahil marami sila at ako ay iisa lang. pero bago ako tuluyang mang hina ay dumating na si Lance, ang hero ko kuno. Napaka pangit talaga nitong tipaklong na ito, kung mag kalad ay akala mo'y isang modelo na rumarampa. Sa tagal niyang mag lakad papalapit saamin ay nag karoon pa ako ng huling suntok, nasuntok ako sa muka dahil napaka kupad ng Lance na 'to. Ang usapan namin ay pag nadampian na ako ng isa o dalawang beses ay aawatin niya pero ilang hampas at sabunot na ang dumampi pero ngayon lang siya dumating kaya kumunot ang noo ko at tinitigan ko siya ng masama dahil sa kalokohan niya. "Itigil niyo 'yan." Malakas na sigaw ni Lance sa kanila kaya naman ay nag takbuhan na sila papalayo saakin. "Sisiguraduhin kong hahampasin, sasabunutan at susuntukin kita dahil napaka tagal mo!" Galit kong saad sakaniya, tumatawa pa siya sa kinahinat-nan ko. "Pasensya na, may pinabuhat pa kase saakin kaya natagalan ako sa pag punta rito" Paliwanag niya "Pa'no mo nalaman na dito ako dinala ng mga impaktang mga babae na 'yon?" Nakakunot kong tanong sakaniya "Narinig ko kanina yung usapan nila, 'di ba sabi ko sa'yo ako ang bahala kaya paniguradong tatalab 'to mag tiwala ka lang" Maangas niya namang sagot saakin habang ako'y inaalalayang makatayo. Pag tayo saakin ni Lance ay agad na nanlabo ang paningin ko, mayroong tumulong sipon ay pinunasan ko na lang ito ngunit ng makita ko ito akala ko'y sipon lang pero hindi pala. Dugo ito, nabigla siguro ako kaya napasigaw ako ng wala sa oras. Kasabay ng pag sigaw ko ay ang pag lingon ko kay Lance, agad naman itong nakita ni Lance kaya napakapit ito ng mas mahigpit saakin pero sobra-sobra na ang hilong nararamdaman ko. hindi nag tagal ay nawalan na ako ng balanse at... TULUYANG NAWALAN NG MALAY 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD