Nicole
Pag dilat ng aking mga tama ay halos liwanag lang ang nakita ko, hindi pa naman siguro ako patay para sumama sa liwanag 'di ba? kaya dahan dahan ko muling minulat ng wasto ang aking mata. Tumingin ako sa unahan, kanan at kaliwa...Nasaan ang tao rito? Akala ko ba'y buhay pa ako pero niisang tao ay wala akong makita.
"Nicoleeee~" Nag aalalang tawag saakin ni Mom
"Mom, nasaan po ako? nasaan po si Lance?" Tanong ko naman habang palingon-lingon ako sa likod ni Mom
"Mag pahinga ka muna anak, kung makikita mo lang ang sarili mo ay paniguradong magagalit at maiinis ka sa mga gumawa sa'yo nito" Wika naman ni Mom saakin
"Mom, okay lang ako wag niyo po akong isipin" Sagot ko muli kahit na medyo nangingibabaw pa rin ang sakit sa aking katawan, masakit rin ang panga ko dahil sa pag kakasuntok kanina pero 'di ko na lang 'yon pinapansin dahil natatakot ako para kay Lance.
Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto na kung saan apat na paa ang bumungad.
-Lance at Dad-
Sila ang iniluwa ng pintuan
"Nicole, What happened?" Nag aalalang tanong saakin ni Dad.
"I'm alright Dad, L-lance?" sagot ko naman at tila hindi nawawala ang tingin ko kay Lance.
"Yes?" Tanong naman ni Lance saakin at biglang ngumiti.
"Smile? Why are you smiling?" Tanong ko sakaniya, tanging kindat lang ang naisukli niya saakin.
Bakit? Anong meron? Napag buhatan nanaman ba siya ng dahil saakin? May bakat nanaman ba ng kamay sa katawan niya? Swerte ko kay Lance dahil kahit hindi kami buong mag kapatid, nagiging kuya siya para saakin na kahit ako ang mas matanda sakaniya. Ang swerte ko kase natatakbuhan ko siya sa mga oras na kailangan ko siya hindi tulad kong walang nagagawa pag inaappi siya. Masama na ba akong ate?
Ilang mga tanong pa ang bumagabag sa aking isip pero bigla na lang akong bumalik sa orihinal na buhay na kung saan kanina pa pala akong kinakausap.
"Nicole, nakikinig ka ba? Alam ko na ang nang-yari pero gusto kong mag galing sa'yo ang paliwanag." Mahinahong sambit ni Dad saakin.
"Nicoleee~" Muli niyang tawag saakin na ikinabalik ng wisyo ko.
"P-po?" Mahina ko namang tanong.
"Anak, mag kwento ka naman" Pamimilit ni Dad saakin, okay lang saakin kung mag ku-kuwento pero para akong nakokonsensya sa ginagawa ko dahil simula't sapul planado ito.
"Wag na lang muna nating pilitin si Nicole" Tugon ni Mom kay Dad, tumango si Dad at akmang lalabas na ng silid pero napigilan ko iyon..
"Dad, mag papaliwanag ako." Maikli kong wika.
"Mabuti kung ganoon, makikinig ako" Wika niya naman saakin pero bago ako mag salita nag tanong muna ako kay Lance.
"Alam na nil-" Hindi ko natuloy ang aking itatanong sakaniya ng bigla niya akong lakihan ng mata na nag sisimbolo na ako na ang bahalang mag paliwanag kaya tumango ako at muling binaling ang atensyon ko kay Dad.
"I was bullied, pero wag naman po sanang umabot sa mga parents nila ito. Please Dad?" Pag mamakaawa ko naman. Hindi ito tumalab kaya nag salita muli ako.
"Akala nila girlfriend ako ni Lance, habulin itong anak niyo kaya po nang-yari ito." May halong birong saad ko.
"I know anak, pero sana lumayo ka na lang muna para hindi ito mang-yari" Pangangaral naman nito saakin.
"Dad, kapatid ko si Lance. Alangan naman pong layuan ko siya pero sa bahay ay halos mag kadikit kami, ayaw ko po ng ganon daw na para bang hindi kami mag kakilala." Sagot ko naman dito
"Hindi sa ganon anak, tignan mo napahamak ka pa!" Pag tatanggol naman ni Dad sa kaniyang sinabi
"Okay na po ako Dad" Maikli kong wika sakanya habang ang isip ko ay punong-puno ng katagang...
"Sana palipatin ako ng school" Hiling ko sa aking isipan.
"Huli na ata anak ko, nag punta na ako sa school. Pinatawag na yung mga nanakit sa'yo" Saad niya naman saakin habang nakakunot ang noo at nakatitig lamang sa akin.
"Po? B-bakit po?" Tanong ko naman
"Ayaw kong inaapi ka lamang, kaya papipiliin kita sa pag kakataong ito. Saan mo gustong lumipat ng school?" Tanong naman niya saakin na halata ang pagkadismaya.
"SAA" Maikili kong sagot.
Wala naman nang tumutol sa gusto ko, akala ko pa'y hindi ito mang-yayari dahil bully lang naman 'yon at kaya ni Dad na paalisin sila pero bakit siya pumayag na lumipat o ilayo ako sa paaralang iyon?
Habang iniisip ko iyon ay binalikan ko ang nang-yari at sa puntong iyon, napagtanto ko na bago nga pala pumasok si Dad at Lance sa silid na kinaroroonan ay mag kasama sila...Hindi kaya...
Tumayo ako sa aking hinihigaan at hinanap si Lance, ilang oras na din kase ang lumipas ng mag kausap kami ni Dad kaya nakapag isip-isip ako ng maigi kung bakit ganoon na lang ang pag payag niya.
"Lance? Lanceee~?" Pag hahanap ko sakaniya. Hindi nag tagal ay nakasalubong ko siya habang may dala-dalang sorbetes.
"Oh, Nics may nang-yari ba?" Pag aalala niya namang tanong saakin.
"Wala, hinahanap lang kita" Wika ko habang tinitignan siyang kumakain ng sorbetes, paborito ko ito lalo na mainit ang panahon. Ngumisi siya...
"Gusto mo ba?" Tanong niya saakin habang inaabot ito saakin ngunit inirapan ko ito.
"Bibigyan na nga kita, ang sungit mo pa" Maktol nitong tugon.
"Lance?" tawag ko sa pangalan niya, naputol ang aming pag lalakad nang tawagin ko ito.
"Mhm?" Sagot naman nito saakin habang nilalasap niya ang sarap ng pagkaing kinakain niya.
"Pa'no napapayag si Dad?" Tanong ko muli na ikinangisi niya.
Itinigil niya muna ang kaniyang kinakain at humarap saakin.
"Sabi ko naman sa'yo, malakas ka kay Dad" Wika ni Lance. Kumunot ang noo ko at nag simula nanaman akong mag isip ng kung ano-ano.
"Lance, ano nga?" Pangungulit ko.
Mayroon siyang inilabas na papel mula sa kaniyang bulsa, hinawakan niya ito gamit ang dalawang daliri lamang at agad na pinakita saakin.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Nandito ang gusto mong malaman" Maangas na bigkas niya saakin
"Nanjan? kung ganon ay AKIN NA!" Pag pupumilit ko naman ngunit agad siya tumingkayad at pilit na tinataasan pa ang kamay.
"Akin na sabi e" Pasigaw kong saad pero mas lalo niya pa itong itinaas na para bang nang-aasar lalo.
"Ano baaa~" Sigaw ko, wala akong pakialam kung mag muka akong batang inaaway basta ang mahalaga ay malaman ko kung ano ito.
Hindi ko makuha sa salita si Lance kaya naman nag isip na lang ako ng pwedeng paraan para makuha ito. maya-maya ay may sumakit saakin.
"A-aray~" Mahinang saad ko at agad akong napahawak sa ulo ko. Nag bago ang expresyon ni Lance ng makita akong ganon kaya inayos niya ang kanyang sarili at ibinaling ang atensyon saakin.
"Nics, Okay ka lang? halika na at bumalik na tayo doon" Nag aalalang wika niya.
Lumapit siya ng sobrang lapit saakin at akmang bubuhatin niya ako dahil kitang-kita niya ang pag bago ng itsura ko pero magaling ako at nakuha ko ang papel na hawak niya.
"Oh, come on!" Hindi makapaniwalang sambit niya saakin dahil mukang mas aatakihin ata siya sa puso ng hawakan ako dahil nag papanic siya sa kung anong mang-yayari saakin.
"I'm a best actress" Bulong ko sa sarili habang binubuklat ang papel na kaninang hawak ni Lance. Hindi makagalaw si Lance sa kinakatayuan niya dahil hindi niya lubos na matanggap na naisahan ko siya
"Blehhhh" Pang-aasar ko naman kaya kitang-kita ang pag kainis nito.
Binuklat ko ang papel na 'yon at bungad ang hand written ko, Bakit ganito? wala akong sinulat na ganito.
Ipinakita ko ito kay Lance na sumisenyas ng pag tataka ko.
"Ano ito? Sinulat ko ba 'to" Tanong ko, ngumisi siya...Oh gulay, alam ko ang ngiting ito.
"What is this???" Mariin kong tanong muli.
"Calm down, that letter helped you" Mahinahon niyang bigkas
"How? This is stu-" Natigil ako dahil hapang pinapakita ko sakaniya ang sulat na iyon ay unti-unti kong nababasa.
(Dad, I've been bullied this past few weeks. I don't know what to do, I'm scared nor afraid...I want to transfer somewhere where I can feel home.)
That's what I read from the letter.
"How?" Tanong ko muli
"I copied your hand written, it's quite easy after all" Sagot niya saakin
"How dare you, That's illegal" Sagot ko naman
"Natulungan ka naman" Agad ko siyang hinampas ng sabihin ni saakin ito, tipaklong talaga 'to kung saan-saan nakakadako.
"Lance, Nicole" Tawag saamin ni Dad, sabay kami umayos ni Lance at tumungo
"Nicole, nag papagaling ka 'di ba?" Tanong niya kaya tumango ako kaagad.
"We're not done yet" Mahinang bigkas ko habang nakasunod kami sa likod ni Dad.
Nakabalik na kami ng silid, pag dating ko roon ay may mga doctor na bumungad.
"W-what's happening??" Pag tataka ko
"Hello Ms, Quarez. I'm Dr. Roir, I'm Trauma Physicians" Nakangiting pag papakilala niya
"N-no, no I'm not a patient who has a physically traumatic injury" Sagot ko naman
"well, you look one of them" Sagot naman ng Doctor na ito
"Dad, I swear I'm not in trauma" Pag mamakaawa ko
Huli na nang makapagsalita pa ako dahil may tumusok sa aking katawan
"What a good plan, Lance" Mahina kong bigkas dahil nang hihina na ang katawan ko.