Nicole
"Good day Nicole! how's your feeling?" Dr. Rior asked.
"I'm fine, I'm totally fine Doc." Nakasimangot kong wika.
"You're not, take some rest and don't think too much" Payo naman niya sakin.
Hindi ko naman ito ginusto dahil hindi ito ang plano pero kung hihiga lang ako at susunod sa Doktor na ito, magagalaw ko kaya ang baso?
Ilang sigundo ang lumipas at dumating si Lance sa aking kinaroroonan. Kasalukuyan kaming nasa bahay dahil ang sabi saamin ay Doctor ay okay na daw ako dahil mild injury lang naman ang nang-yari saakin kaya pinayagan na kaming umuwi.
"Ohh, ang lalim ata ng iniisip ng maganda kong kapatid" Pang-aasar ni Lance.
"Happy? Saya mo naman kapatid ko!" Inis kong sagot.
"Kalma, may back-up tayo" Wika niya saakin kasabay ng isang kindat.
"Tigilan mo'ko, tignan mo nang-yari sakin" Pag tutol ko naman.
"Hindi 'yan, trust me." Pag yayabang naman nito.
"Ewan ko sa'yo, pag 'di nanaman 'yan gumana!" Wika ko sakaniya.
"Ako bahala, last na 'to pag 'di pa talaga gumana, ititigil na natin ito" Sagot niya naman saakin.
Nakatulog ako, nagising na lang ako sa ingay na nabubuo sa aking paligid. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan kaagad ako ng masaganang ngiti niya...
"Alina, What are you doing here?" Tanong ko.
"Your Mom told me." Nakangiti niyang sagot,
"So, close na kayo ni Mom?" pag iiba ko ng usapan.
"Yes, bakit hindi? tita ko na 'yon 'no" Malakas niyang saad.
Sino bang hindi ngingiti sa inasta ang taong gusto ko? she's claiming that she's one of my family, why not? Okay na yung ganito dahil open na kami kung ganon.
"Anong gagawin natin? Wala naman tayo gagawin dito dahil bantay sarado ako?" Wika ko sakaniya
"Meron" Mabilis niyang sagot habang tinataas-taas ang dalawang kilay.
"Ano?" Nag tatakang tanong ko
"Wag ka na mag tanong, Halika na!" Pag yaya niya naman saakin
Sumama ako sakaniya, lumabas kami ng silid na kung saan sa silid na 'yon ay bantay sarado ako ni Dr. Rior pero bakit hindi siya nakabantay sa labas? Ilang sigundo na ang lumipas at kasalukuyan kaming dahan-dahang nag lalakad sa hallway ng hagdanan. Dahan-dahan ang aming paglakad patungo sa unang pinto ng aming bahay, hindi ko na tinanong si Alina kung ano ang gagawin at patuloy pa rin akong nakasunod sa likod niya.
"Fasterrrr" Bulong niya habang ako'y nasa tatlong kilometro ng layo ko sakaniya. Nang makalabas na kami ay dahan-dahan naman naming tinungo ang gate, hinawakan ko ang bukasan nito habang si Alina ay tinataas ang gate para hindi ito makalikha ng ingay. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan na saktong nakaparada sa harap ng bahay namin.
"An-" Saad kong hindi na natuloy dahil hinawakan ako ni Alina na ulo at ipinasok na ako sa loob ng sasakyan.
Umupo na kami sa passenger seat, saktong pag upo ko ay namukaan ko ang nag mamaneho nito...
"Lance?" Sigaw ko sa loob ng sasakyan
"Kelan ka pa natutong mag drive? saka 'di ba dapat nasa school ka?" Sunod-sunod kong tanong
"Shhh, ang ingay mo naman!" Pag sasaway niya saakin habang ang hintuturo niya ay nasa kaniyang bibig
"Sagutin mo'ko, mapapagalitan tayo!" Pag papaalala ko sakaniya.
"Relax, saglit lang tayo. Ipapasyal ka lang namin." Nakangiting niya saad.
Ipinag krus ko ang aking dalawang kamay sabay sandal sa upuan. Ilang oras ang lumipas bigla muling nag salita si Lance
"We're here" Excited niyang sabi.
"Baba na, Magugustuhan mo 'to" Pang hihikayat niya saakin.
Bumaba ako sa sasakyan at plain building lang ang nakikita ko, may mga puno sa gilid at isang malaking fountain sa gitna. Maya-maya pa ay hinawakan ako ni Alina sa braso.
"Let's go?" Nakangiti niyang tanong. Nginisi ko ang aking bibig at tumango
Pag pasok namin sa building may nakaabang na kagad na mga stuff, ipinakita naman ni Alina ang I.d na hawak niya at agad kami pinapasok.
Sa entrance, makikita ang black sliding door. Malaki ito dahil buong lapad ng building ay naka sliding door. Ipinaiwan muna ang bag naming dala-dala dahil hindi daw pwede kaya sa exit area na daw namin ito makukuha, ipinatanggal din saamin ang iba pa naming suot such as watch, bracelet, and rings. Bago kami tuluyang makapasok sa sliding door ay pinaalalahanan muna kaming "No food allowed"
Pumasok na kami ng tuluyan...
Pag apak ang aking mga paa, kumikinang-kinang na balangkas ang nasilayan ang aking mga mata. Sa puntong iyong ako'y nabighani at dali-daling tumungo sa isang bagay na kumuha ang aking atensyon.
It was my favorite painting, the painting had two girls holding each other's hand upside down and it symbolizes that no matter who you are or what your gender is, you are still a human with the right to love who you love.
"Do you like it?" Tanong ni Alina na nakagising saaking pagkatao
"Uhmm, I do" Sagot ko naman
"Ang tagal mong nakatitig jan, Ano bang ibig-sabihin nyan?" She asked and then, I nodded. Habang papalapit siya saakin, dahan-dahan kong pinag mamasdan ang lakad ng isang binibini na punong-puno ng ngiti na sa bawat sigundo ako'y nahuhulog sa kanyang patalim.
"This painting is about love, nakikita mo yung babae jan?" Tanong ko sakaniya na nakatitig lang sa painting..."parehas ng kasarian, satingin mo...matatawag pa rin bang pag mamahal 'yan?" Tanong ko muli habang siya'y nakatitig parin. "Yes, It can, ang pag mamahal ay walang pinipili. kung matamaan ka ng pana ni kupido at bumighay ka, dun mo masasabi na love isn't about gender." Sambit ko habang nakatitig sakaniya
"Yes, I know pero hindi ba masama sa paningin ng iba ang mag mahal ng kapwa mo babae?" Tanong niya saakin.
"Sa iba, oo pero saakin ay hindi. Again, tignan mo ulit ang painting...magkabilaan sila ng posisyon habang magka-hawak ang kamay, that part means kahit anong mang-yari, dumaan man ang bundok na problema, mag away at mag tampuhan, madapa at mag kamali ng desisyon ay hindi nila ginawang buksan ang mga palad ay pag hiwalayin ang mga daliri dahil hindi naman basehan ang kasarian pag dating sa pag mamahal pero...ang nararamdaman ng karamihan ngayon, lalong-lalo na sa mga teens na kagaya natin ay isang puppy love lamang dahil madami pa tayong makikilala at hindi pa tayo sure sa taong pipiliin natin." Mahabang paliwanag ko.
Pagkatapos kong mag paliwanag, niisang salita mula sakaniyang ay hindi ko narinig pero patuloy pa rin siyang tumititig sa kaniyang tinititigan.
"Who's the girl?" Mahina niyang tanong sabay harap saakin
"H-ha? W-who??" Nag tatakang tanong ko ngunit ngumisi lang siya at ibinalik ang kaniyang atensyon sa painting na nasa aming harapan.
"What do you mean Inah?" Tanong ko muli pero hindi na niya ako nasagot dahil nag salita na si Lance
"Let's go girls, madami pa rito" Pag yaya niya saamin sa mga iba pang painting na pwede naming tignan.
"Let's go?" Pag yaya naman ni Alina.
Syempre sakanya ako sasama, gusto ko e.
Ilang oras na din ang itinagal namin rito sa lugar na ito dahil hindi mo mamamalayan ang oras sa sobrang ganda ng nakapaloob dito. Ilang sandali pa ay napag pasyahan naming umupo muna dahil sumasakit na daw ang paa ni Lance.
"Water?" Tanong ni Alina saming dalawa ni Lance
"Ako na, maupo ka na" Pag pri-prisinta ko naman.
"No-" Pag tutol naman ni Alina pero 'di ko na 'yon pinakinggan at dali-dali na akong nag lakad papalayo sakanila.
Nang makarating na ako sa bilihan ng tubig ay bigla na lang may nag salita sa tabi ko
"So, sino nga?" Tanong ng nasa tabi ko
Humarap ako sakaniyang kinakatayuan at sabay sabing "What do you mean?" Hindi ko naman aakalaing iiwan niya si Lance doon at susundan ako.
"Noting, bilisan na natin. Paulan na 'oh" Wika ni Inah sabay turo sa labas
"Sige, sige bibilisan ko na" Sagot ko naman.
Pag tapos kong makabili ay agad ko silang binalikan at nag yayang umuwi.
"Halika na, makulimlim na." Wika ko sakanila na agad naman silang tumingin saakin.
"Ok, sige halika na" Pag payag naman ni Lance,
Tumayo na sila sa kanilang inuupuan at dali-daling nag lakad palabas, saktong pag labas namin ay bumagsak ang hindi namin inaasan.
"Ang lakas ng ulan, may oras ang pag balik natin don dahil si Dad ay uuwi na" Wika ni Lance saakin
"Ha, ano? uuwi? akala ko ba ay may business trip?" Takang tanong ko
"Oo meron pero nacancel 'yon kase may bagyong paparating na bagyo" Sagot niya sakin
"Ano ba 'yan Lance, sana kanina mo pa sinabi" Iyamot kong wika
"Sorry kaya halika na, umalis na tayo dito" Pag yaya naman ni Lance saamin.
Nang makapag desisyon na kami ay agad kong hinawakan ang kamay ni Alina pero agad niyang iniwas ito saakin.
"May problema ba?" Tanong ko sakaniya
"Wala, mauna na kayo at mag papasundo na lang ako" Sagot niya saaking tanong
"Bakit?" Tanong ko muli
"Basta" Maikli niyang sagot pero pinilit ko parin siya at patuloy ko paring hinahawakan ang kaniyang kamay
"Sabing mauna na kayo e" Sigaw niya saakin
Biglang tumingin sakin si Lance at agad na sumenyas saakin na kami'y aalis na, pag harap ko sa kinakatayuan ni Alina kaya ay bigla na lang nag laho ang kaniyang katawan. Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit walang bakas ng pagkatao ni Alina na nandon kaya kami'y umalis na at sumakay ng sasakyan na sinakyan namin kanina. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na kami sa labas ng aming bahay, basang-basa kami dahil wala naman kaming payong na dala ngunit pag kalabas ko ng sasakyan ay biglang tumalsik saakin ang tubig na dapat aking aapakan. Tumalsik ito sa aking muka at agad kong pinunasan ngunit at dilat ng aking mga mata ay may isang taong nasa aking harapan.
"Where have you been Nicole?" Madiing tanong ng taong nasa harapan ko
"Po? D-dad Ahmm" Nauutal ko sagot ngunit huli na ng mag sasalita pa ako dahil sumabat na si Lance
"Dad, it's my fault" Maikli niyang sagot
"Hindi naman ako mag tataka Lance, alam ko ikaw ang may dahilan...pinahamak mo pa yung tao!" Pasigaw ni Dad na wika kay Lance
"D-dad wala naman pong napahamak, okay na po ako hindi po ako ganoong na-trauma" Paliwanag ko naman
"Hindi niyo ako naiintidihan, pumasok kayo ay mag ayos tapos bumalik kayo saakin at ipapaliwanag ko!" Madiin niya ulit na wika sabay talikod saamin.
Pag pasok ko sa aming bahay ay nakaabang na pala si mom, agad ni akong niyakap at inasikaso paakyat sa aking kwarto.
"Maligo ka na, kakausapin pa kayo ng tatay niyo" Paalala ni Mom saakin, tumango ako at tumungo sa banyo.
Pag labas ko ng banyo ay nakasarado na ang pinto ng kwarto ko at nakahanda na ang damit na susuotin ko. Maya-maya pa ay nakatungtong na ako sa hagdan para bumaba dahil sa sala nag hihintay si Dad, sakto namang nakaupo na si Lance sa sofa ay nahihintay rin.
"Oh, nanjan ka na pala" Wika ni Mom at narinig 'yon ni Dad at Lance kaya wala na akong oras pa para umurong dahil kasalukuyang nasa umpisa na ako ng gera.
"Sit down" Malamig na wika ni Dad kaya umupo ako sa tabi ni Lance at sumulyap ng tingin ng Dad. Ilang segundo lang ay nag salita na siya.
"Alam niyo ba yung ginawa niyong dalawa?" Tanong ni Dad saamin ngunit hindi kami umimik at patuloy paring nakatungo.
"At ikaw Nicole, anong nang-yayari sa'yo? 'di ka naman ganito ah!" Pag tutuloy niya sa pag sasalita
"Sorry po" Mahinang saad naming dalawa ni Lance
"Wala nang magagawa ang sorry niyo, nang-yari na e!" Sagot naman ni Dad
Nakatungo pa rin kami ni Lance habang walang kibuan.
"Tumingin kayo saakin" Wika ulit ni Dad
"Alina's dad called me, Isa din 'yon sa rason kung bakit ako napauwi kaagad. He's asking me a favour, he's asking me kung pwedeng maging mag kaibigan kayong dalawa Nicole?" Paliwanag niya
"P-po?" Tanong ko naman
"Alina has been traumatized about something, hindi sinabi saakin ang exact details kung bakit at paano but her dad wants to see her happy again." Paliwanag ulit ni Dad.
"Hindi tayo pwede makialam sakanila but I'm allowing you to be with her as long as you can. Buo na ang loob ko na I'll transfer you to SAA." Dagdag niya sakaniyang sinabi ngunit nababalot ako ng pagtataka kung anong dahilan ng pag ka-traumatic niya.
Pag tapos kaming paliwanagan ng nang-yari ay agad na si Dad tumayo dahil pagod daw siya, naiwan kami ni Lance sa sofa dahil kami lang ang nandirito. Tinitigan ko si Lance at bakas sakaniyang muka ang saya na para bang nanalo sa isang kumpetisyon.
"Hoy, ba't ganyan muka mo? masaya?" Tanong ko sakaniya habang nakataas ang isang kilay.
"Oo, nag tagumpay ako" Sagot niya saakin na ikinuot na ng noo ko
"Ha? saan?" Takang tanong ko
"Hay, ewan ko sa'yo" Sagot niya naman saakin.
Ilang minuto ang lumipas at nandito pa din kami ni Lance sa sala ngunit siya ay gumagamit na ng telepono habang ako ay nakasandal sa sofa habang iniisip ko kung anong ibig-sabihin ni Lance. Sa katagalan ay natumpak ko ang kaniyang ibig-sabihin
"Lance, wag mong sabihin sakin na plano mo ito" Masungit kong wika sakaniya at bigla na lang siyang ngumiti saakin.
"Ano?? Alam mo yung kalagayan niya?" Tanong ko
"Not exactly pero nakatulong naman siya para sa pag galaw ng baso mo 'di ba" Sagot niya.
"Hindi mo kailangang gawin 'yon Lance dahil masama yung ginawa mo!" Pagalit kong wika sakaniya at agad akong tumayo at padabog na umakyat sa taas.
Pag bukas ko ng pinto ng aking kwarto ay agad akong nakunsensya sa ginawa namin kaya napaupo ako sa likod ng pintuan ko, umupo ako at agad kong itinungo ang aking ulo sa aking tuhod.