Chapter 15: Issue

2803 Words
Alina ~FLASHBACK~ Umuwi ako ng maaga dahil ito ang sabi ni Dad, pag dating ko sa bahay ay halos lahat ng tao ay busy sa pag hahanda ng pagkain para sa pag dating ng Vasco family. Umakyat ako sa itaas para mag ayos ng sarili ngunit natagalan ako sa pag pili ng damit, excited na din kase akong makita ni Nicole kahit na mag kasama lang kami kahapon. Nang matapos ako, tumungo ako sa hallway at akmang baba na sa hagdanan ngunit nabigla ako ng makita kong nag liligpitan na sila. "Bakit kayo nag liligpit? may bisita tayo ah?" Tanong ko sa mga nag liligpit habang ako'y humahakbang na pababa. "Manang? bakit po?" Tanong ko muli "Anak, pinaligpit ng papa mo ang mga ito" Sagot ni manang saakin na tinuturo pa ang mga pagkaing inihanda nila kanina. "Bakit daw po? Hindi na daw po ba matutuloy?" Tanong ko muli. "Hindi na, may nang-yari daw kay Nicole kaya sa susunod na lang daw" Sabat na paliwanag ni Dad "Ahh okay po" Mahina kong sambit habang nakatungo, pinag pasyahan ko na lang na bumalik sa aking silid upang mag palit. Hindi pa rin nawawala sa aking muka ang bakas ng kalungkutan dahil hindi sila nakapunta at mas lalong binigyan ko ng pansin ang huling wika ni Dad kaya agad kong kinuha ang aking telepono upang tawagan si Lance, bukal na sa loob ko na tawagan siya kahit anong oras dahil naging mag kaibigan kami simula nang makasama ko si Nicole. ~ringgg~ Tunong ng aking telepono nang mapag pasyahan ko siyang tawagan. Ilang sugundo sumagot na siya. "Lance? Hello?" Unang bungad ko sa tawag "A-ah, hello? napatawag ka?" Tanong niya saakin. "Kamusta siya?" Tanong ko naman "H-how did y-you?" Utal-utal niyang sambit. "Hindi 'yan mahalaga sa ngayon, ang tanong ko ay kamusta siya?" Tuloy-tuloy kong wika. "Ito, nasa hospital kami. Mild injured lang naman ang nang-yari" Paliwanag niya saakin. "Sigurado ka? kung oo, mag sesend ako ng pera sa'yo. Buy her favorite Ice cream, nabanggit niya kase saakin na gusto niya non" Paninigurado at pag uutos ko kay Lance "Sige, send it at bibili ako kaagad." Sagot niya naman "Done" Maikli kong sagot. Habng nag sasalita pa lang kase ako ay napag desisyonan ko na kaagad na gusto ko siyang bilhan non dahil ang plano ko ay pag nag punta sila sa bahay ay yayayain ko siyang mag ice cream date kaso hindi 'yon natuloy dahil sa aksidenteng nag-yari. "Wow, ang bilis mo naman. Fast hand." pag pupuri naman niya, "That's all, bilhin mo 'yan ha. good night" Pag papaalam ko naman "Makakaasa ka" Sagot niya naman saakin at agad na pinutol ang linya ng tawag. ~END OF FLASHBACK~ Kasalukuyan akong nakaupo sa opisina si papa dahil nahuli niya akong umiiyak sa labas na basang-basa sa ulan. Hindi na kase ako nag pahatid pa kay Lance dahil ayaw kong malaman nila ang patungkol sa buhay ko lalong-lalo na pag naulan dahil dito ako nakokonsensya sa ginawa ko. "Alina? Anak? are you okay?" Tanong ni papa saakin na para bang sinapian ng kabaitan, mabait naman siya pero iba rin pag nagalit kaya naninibago ako dahil hindi naman siya ganito. "I'm okay pa. makakaalis na po ba ako? gusto ko na po kaseng mag pahinga" Pag dadahilan ko namna na ang totoo ay gusto ko munang mapagisa at makapag isip ng tama kaya atat na atat na akong mag kulong sa kwarto.. "No, we're not done yet" Pag mamatigas naman ni papa "Ano pa ba po ang kailanga kong ipaliwanag?" Tanong ko naman "I understand Alina, simula't sapul alam ko ang totoo at kung ang dahilan ba ng pag iyak mo ay ang nasabi ko sa'yo nung sinundo kita sa SAA...pasensya anak. Oras na siguro para sabihin ko sa'yo ito." Wika saakin ni papa "Po? sasabihin? patungkol saan po?" Sunod-sunod na tanong ko. "Pasensya anak ko, unang-una ay nakokonsensya ako sa aking pag sisi sa'yo kahit na wala ka namang kinalaman doon. Pangalawa ay humihingi ulit ako ng paumanhin dahil itinago namin sa'yo ang katotohanan, ang katotohanan na hindi mo tunay na kapatid ang namatay at nahulog sa bangin." Pag amin niya. Kumurap-kurap ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa katotoohanan dahil all this time ay sinisisi lang siya sa wala. "Pa, bakit mo naman po ito nagawa saakin? Bakit po mas sinisi niyo ako sa hindi ko naman kasalanan at sa hindi ko naman pala kapatid!" Paiyak kong pag tatanong, sa tagal-tagal ng pag titiis ko halos ilang taong ko itong tinago sa harapan ng iba tapos ngayon ay parang wala lang at salitang sorry lang ang naibuga ng bibig nila saakin. "Anak, mas pinili namin ng mama mo ang ganoong desisyon dahil hindi lang naman ito ang malalaman mo. Meron pa pero hindi sa ngayon, hindi pa tamang oras para malaman mo" Paliwanag niya pa "Hindi ko na kayo kilala pa..." pailing-iling kong wika "Anak-" May sasabihin pa sana siya ng sumagot ulit ako. "Kahit na pa, nakaPATAY parin ako!" Malakas kong sigaw...kung hindi ko siya kapatid ay malamang may kapatid siyang iba at may mga magulang. edi parang pinatay ko na din siya, hindi man lang niya nakilala ang tunay niyangpamilya. Pag katapos ng aking huling sinabi ay lumabas na kagad ako ng kaniyang opisina upang manahimik. Ilang luha ang pumatak sa mga mata ko dahil hindi ko mapag tanto kung anong dahil bakit niya pa tinago saakin ang ganitong sikreto. Dapat ba talaga akong malagot sa pang-yayaring iyon? Patay na siya, nananahimik na ang kaluluwa niya ano pa ba ang dapat kong gawin. Sa mga katagang nasa aking isip ay meron paring tanong na umiikot-ikot sa aking utak na para bang gusto ko na lang malaman kung sino ang totoo niyang pamilya at nang sa ganon ay makahingi ako ng tawag pero hindi ganon kadali dahil hindi naman bilang sa darili ang mga tao na nasa mundo. ~Next Day~ Gumising akong pagang-paga ang aking mga mata, sobrang sakit din ng lalamunan ko dahil din siguro sa kasisigaw ko kagabi. Tumayo ako sa aking higaan at nag ayos ng sarili...pumunta ako sa banyo upang maligo dahil may pasok kami ngayon. Natapos ako ng wala pang 30 mins. kaya lumabas na kagad ako ng kwarto upang makaalis na sa pamamahay namin. ayaw kong makita si papa ngayon at ayaw kong kumain dahil wala akong gana ngunit huli na ang lahat dahil hindi ko inaasahan ang pag punta ni Nicole saaming bahay. Umakto akong masaya at okay sa harapan nila dahil hindi lang naman si Nicole ang kasama nito, kasama rin si Lance at ang kanilang tatay kaya wala akong magawa kundi ang sumabay sa kanilang umagahan. "Kamusta Alina, nabanggit nila saakin na nag punta daw kayo ng museum kahapon" Panimulang bati saakin ng tatay ni Nicole at Lance. "A-ah- opo, ang saya nga po" Pag papanggap ko naman, masaya naman talaga kahapon pero nag bago nung uuwi na ako. "Kung ganon, alam mo na ba?" Tanong niya saakin "Po?" Pag tataka ko naman "Makakasama mo na si Nicole sa SAA" Sabat ni papa "Haaa??" Gulat kong tanong. May mga bagay parin talaga akong dapat itago sakaniya. "Bakit may problema ba?" Nag tatakang tanong naman ng tatay nila Nicole. "Wala po, sige po mauna na po ako" Pag papaalam ko naman kahit na hindi pa ako nag sisimulang kumain. Lumabas ako kaagad at hindi na muling tumingin pabalik sakanila, hindi ko na rin pinakinggan ang iba pa nila sinabi dahil nag patuloy lang ako sa pag labas sa aming bahay. Naglalakad ako ngayon ay may biglang humawak sa kamay ko... "Manang?" Pag kukumpirma ko sa humawak saakin "Anak oh, baon mo" Wika niya habang pinapakita ang lunchbox na bitbit niya "Manang, hindi mo na po ito dapat ginawa bibili na lang po ako sa canteen sa school" Pag dadahilan ko naman "Ayaw mo ba? sige ipapasok ko na lang ulit ito sa--" Naputol niyang wika saakin dahil bigla kong hinablot ang luchbox na ito dahila ayaw kong mag tampo si manang saakin dahil ito'y may kasamang pag mamahal mula sakaniya "Salamat manang, sana ganito rin ang ginagawa ni mama" Pag papasalamat ko. "Busy lang ang mama mo, babawi din 'yon" Paliwanag niya "Manang, ilang beses niyang sinabi 'yan saakin pero hanggang ngayon kahit isang butil ng kanin ay hindi niya ako napaghanda" Wika ko naman "Anak, wag mong isipin 'yan nandito ako para sa'yo. intindihin na lang natin" sagot niya saaking huling sinabi. Tinignan ko na lang kaniyang mga mata at nag paalam. "Mauna na po ako" Huling sambit ko kay manang at tungo na ako papunta sa gate ngunit may tumawag nanaman saakin kaya napatigil nanaman ako at lumingon. "Ano? Bakit?" Pag susungit ko, hindi ko gustong maging ganito sadyang kinakain lang ako ngayon ng mood at pride ko. "Galit? Alina simula ngayon ay sabay na tayong papasok" Pag mamalaki ni Nicole. Tumitig lang ako ng ilang sigundo at humarap muli sa aking patutunguhan at sa pag kakataong iyon ay tinawag niya muli ako at hinawakan ang aking kamay. "Friends do this" Wika niya saakin habang madiin na hawaka ng kamay ko. Sabay kaming pumasok sa SAA at takang taka ang mga istudyante na nandoon dahil siguro sa kasama ko. "Saan ko tatanungin yung room no. ko?" Tanong ni Nicole na nakapag pagising sa diwa ko. "A-ahh mhmm...sa Head office, ayun 'oh" Sabay turo ko sa lugar na kung saan ang office na 'yon. "Salamat" Nakangiti niyang pasasalamat, tumungo siya sa office at ako naman ay umakyat sa itaas. Habang umaakyat ako sa hagdanan, mga nakatinging istudyante ang sumalubong saakin. Nakakunot ang noo kong umakyat sa aming floor upang pumasok sa silid namin pero iba ang unang bumungad saakin. "Our president is a k*ller" Nakasulat sa board namin. Agad agad kong kinuha ang eraser ng board at agad na pumunta sa harapan upang burahin ito, hindi ako makapag timpi kaya humarap ako at ibinato ko ang eraser na hawak ko. "Who wrote this?" sigaw ko, agad siling tumingin saakin na kanina lang ay nag bubulungan pag dating ko. "Me, sinabi ko naman sa'yo dati 'di ba na be aware to your enemy baka makabingwit sila ng pag kakamali mo!" Mataray na wika niya habang ngumingisi pa. "You don't know anything." Madiin kong sambit sakanya "I know, Actually alam kong ikaw ang pumatay sa kap-" Hindi niya natuloy na wika saakin dahil hinablot ko kaagad ang kaniyang buhok ay sinabunutan ko ito ng madiin. Hindi ako sanay makipag away pero kung patungkol nanaman ito sa nakaraan ko, hindi ko aatrasan. Ilang sigundo kong pinatiling ganoon ang posisyon namin at dahil nag aasar pa siya ay hindi lang sabunok ang nagawa ko kundi kalmot at hampas pa. Nasasaktan ako in a way na naaalala ko lahat ng nang-yaring mag dudusa, maninisi ng iba saakin, pag tataboy at mas lalong pag kukumpara. Sa kalagayan ko iyon, si manang lang ang saksi sa pang-yayaring iyon pero hindi ko alam kung kanino nalaman ni Jazz 'yon. Hindi nag tagal, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aming adviser. "Enough!!" Malakas na sigaw niya na abot ito sa hallway dahil lahat ng tao na nasa labas ay nag sipasukan din. Tumigil ako sa pag sabunot sakanya at tumayo ng maayos. Tumungo ako dahil kahihiyan ito. "To the guidance office!" Wika niya saamin ni Jazz. nakita ko naman ang bakas ng kabiguan sa aking mga kaklase dahil sa inakto ko pero wala akong magagawa dahil punong-puno na ako. Nauna akong mag lakad palabas ng room at si Jazz naman ay naiwan sa silid aralan namin, hindi ko na siya hinintay pa dahil nag iinit lang ang ulo ko...maya-maya pa ay nakarating na ako sa pinto ng guidance office. Kumatok ako ng tatlong beses sabay pumasok ng nakatungo. "Ms. Savilla, alam mo kung bakit ka nandirito." Unang wika saakin. Wala akong imik dahil kasalanan ko naman ito. "I don't know what to do pero ang laking epekto sa SAA itong skandalong kumakalat, you are the class president right?" Tanong niya at tumango ako. "See, I thought you'll be a good role model for your classmates but what's this?" Nangangahulugang tanong niya "I'm sorry, I am aware of that and I'm willing to accept any punishment" Mahina kong sagot "Ofcoure you will, I called to your parents...papunta na sila" Wika niya muli. Blanko ang expresyon ng aking muka na para bang wala akong pakialam sa mang-yayari, bago ako kausapin ay may kumatok na kaagad sa pinto...napalingon din ako dahil baka magulang ko na ito ngunit hindi pala. Gusto ko na rin kaseng umuwi dahil wala akong sa mood ngayon. "Ms. Delvino" Pag tawag naman sa apelyido ni ma'am, mamula-mula ang kanyang mata at sobrang g**o ng buhok. Hindi naman ganon ka g**o ito kanina at hindi din ako nakakita ng kahit isang tulo mula sa mata niya pero bakit pa-victim ito. "I'm sorry, I'm just trying to be friends with Alina and I wrote something on the board. I asked her to be my friend" Pag dadahilan niya. "Look ma'am, I have a bruise. She hurt me I just wanted to be her friend" Umiiyak niyang wika "You--liarr" Sigaw ko dahil gumagawa siya ng kwento. "Ms. Savilla" Tawag niya ulit sa aking apelyido na ikinatahimik ko naman. "She's lying, she wrote something about my private life" Pag tatanggol ko naman sa sarili ko "What are you talking about?" Pag mamalinis niya sabay may pinakita siya na mula sa kaniyang cellphone "You're wrong ms. Savilla, she's telling the truth" Pag didiin naman nito sa sinabi ni Jazz. ibinigay saakin ang cellphone na 'yon at tinignan ko ito, pag tingin ko ay iba na ang nakasulat sa board "Can we be friends?" Sa litrato ni Jazz ay ito ang nakasulat. "No, hindi ito 'yon" Pag pipilit ko "Ms. Delvino, you may go but Ms. Savilla wait for your parents" Huling sambit saakin bago ko pa maalis ang masasamang titig ko kay Jazz na ngayon ay nang-aasar pa. Ilang minuto ang lumipas may kumatok ulit at sa pagkakataong iyon alam ko nang mga magulang ko ito kaya mas lalo akong tumungo ay umupo ng maayos. "Good Day Mr and Mrs Savilla" Panimula na bati sa aking mga magulang. Hindi ko sila tinignan dahil paniguradong nag iinit ang kaluluwa nila saakin. "I'm sorry sa ginawa ng anak ko" Pag hihingi ng tawad ni mama habang si papa ay wala pa akong naririnig na salita mula sa bibig niya Pagtapos ng pag bati at paumanhin nila sa isa't-isa ay nag simula nang ipaliwanag sa mga magulang ko ang nang-yari dahil mismong adviser ko ang nakakita ng ginawa kaya malinaw na malinaw ang kahihiyang ginawa ko. Nakikinig lang ako hanggang sa maramdaman kong parang nabunutan ako ng tinik. "We need to suspend her until matapos itong issue na ito" Katagang nagpabilis ng t***k sa puso ko. "Ano? No ma'am, I have rights to express my self" Pag tatanggol ko naman. "I'm sorry, wala tayong magagawa. School natin ang dala-dala mo!" Dagdag pa nito "Unfair" Huling sambit ko saka lumabas ng office. Nang makalabas ako ay pumunta kagad ako sa aking silid aralan para kuhanin ang gamit ko...pag dating ko sa room nakatitig at nag bubulungan ang mga classmates ko. Hindi ko nag patinag sa mga kilos na 'yon dahil mali naman ang kanilang iniisip, kinuha ko yung bag ko at sabay labas ulit. Nang makatungtong ako sa main gate ng SAA may tumawag sakin. "I trust you" Sambit ng tumawag sakin, humarap ako upang makilala ko kung sino ang nag sabi nito. "Thank you Tob and Sky" Wika ko nang mapag tanto kong hinanap at sinundan pala nila ako. Si Tob ang nag salita non at si Sky naman ay nasa tabi niya, mag kasama silang natitiwala sakin kaya parehas ko silang pinasalamatan. Umalis ako sa SAA ng walang paalam at nag tungo ako sa lugar na malit kong puntahan simula nung bata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD