Chapter Forty

2322 Words

MADALING ARAW ng Lunes ay maagang umalis ng Antipolo si Slater dahil ngayon ang official na first day niya sa trabaho. Pagdating niya sa barracks ay agad siyang naghanda para sa pagpasok. Pasado alas siyete ay nasa ward na siya kahit pa alas otso pa ang duty niya. "Good morning, Sir!" bati sa kanya ng mga staff na inabutan niya sa nurse station ng ward. Nasa harap ang mga ito ng mahabang lamesa at mukhang nagsisimula nang mag-endorsement. "Good morning," tugon niya na nginitian oa ang mga ito. Tinungo niya ang table na nakaan para sa kanya, habang ipinagpatuloy naman ng mga ito ang ginagawa. Ibinitang niya sa swivel chair ang dala niyang gamit at saka nilapitan ang mga staff niya. Naupo siya sa tabi ni Charmie at tahimik na nakinig sa endorsement. "Patient G-6 CAA Winceslao Borromeo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD