NAPAHUGOT nang malalim na hininga si Moira habang paakyat ang sinasakyang elevator patungo sa seventh floor ng ospital. Pakiramdam niya ay tamad na tamad siyang kumilos at mag-duty sa araw na ito. Kulang na kulang ang off niya kahapon para makapagpahinga. Noong Sabado at Linggo, bukod sa busy sa ward dahil nag-code sika ng dalawang pasyente, abala rin sila sa ER dahil sa mass transfer ng mga pasyente mula sa isang military hospital nila sa Mindanao. Bukod sa pagod dala ng duty, nakadagdag din sa stress niya noong Biyernes si Slater. Kung bakit naman kasi sa dami ng area dito sa AFPMC ay doon pa sa ward kung saan siya naka-assign ngayon napunta ang lalaki. Ilang sandali pa ay huminto na ang elevator. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago lumabas at naglakad patungo sa ward. “Good morning

