AGAD na natanaw ni Slater si Moira pagkadating-dating niya sa poolside ng bahay nila Colonel Gaurano. Nang dumako ang tingin sa kanya ng babae ay nagkunwari siyang walang nakita. Dumiretso siya sa kinauupuan ng birthday celebrant. "Happy birthday po, Sir. I'm sorry ngayon lang ho ako nakarating, dumaan ho kasi muna ako sa bahay," nakangiting bati niya sa Colonel. "It's okay, Hijo, ang mahalaga nakarating ka. Buong akala ko ay 'yong pinadala mo lang na pagkain ang makakarating," nakangiting sabi ni Colonel Gaurano. "Anyway, pakisabi sa mother mo, thank you sa apple pie. Nagustuhan namin 'yon. Hindi ba, Moira?" Napatingin siya sa dating nobya. Nasa harap nito ang isang platito na may laman na isang slice ng apple pie. Natigilan si Moira at napatingin din sa kanya. Unti-unting ibinaba ng b

