Inihatid siya nito sa mesa nila. Wala na roon ang mga kasama nila kanina. Sina Lanie at Daisy ay masayang sumasayaw kasama ng mga asawa. Ang mga bata naman ay pakalat kalat sa paligid at naglalaro. Iniwan siya saglit ni Chino upang magtungo sa buffet table kung saan naroon ang mga pagkain at inumin. Pagbalik nito ay may hawak na ito sa magkabilang kamay na dalawang kopita na may lamang kulay pulang likido. Nag cheers pa sila bago tuluyang tinikman ang alak. "Hindi ko maintindihan. Maganda naman iyong si Angela, bakit hindi mo siya gusto?" Maya-maya ay naisipan ni Rowella na itanong kay Chino. "Hindi naman sa hindi ko siya gusto. Kababata ko siya, halos sabay kaming lumaki. Pero tanging kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at parang nakababatang kapatid." "Tinapat mo ba siya tungk

