"Rowella, bumangon ka diyan, dali!" Nakadapa si Rowella sa kanyang kama nang katukin siya ni Trixie sa loob ng kuwarto niya. Ni hindi siya nag-abalang tumayo upang pagbuksan ito kaya ito na lamang ang pumasok. "Ano? Bakit ba?" "May bisita ka, naghihintay sa'yo sa living room." "Sinong bisita? Wala naman akong eniexpect na bisita saka hindi ko yata kayang humarap ng bisita ngayon. Pagod ako sa trabaho." "Asus, para namang nagbuhat ka ng ilang sako ng bigas sa pinagtatrabahuhan mo e samantalang nakatayo ka lang naman doon at nagbebenta ng pampaganda. Kaya bumangon ka na diyan, bilis. Nakakahiya naman doon kay pogi, baka mainip sa kahihintay." Napakunot siya ng noo niya. "Sinong pogi?" "Sino pa nga ba? E di iyong nakatira sa tapat. Iyong Chino. Kaninang umaga ay tinanong ka rin niya sa

