Tuluyan nang lumabas ng pinto ang dalaga. Walang paki kung hindi man kaaya-aya ang itsura. Excited na siyang muling masilayan ang mukha ni Chino. Namissed niya ito ng sobra. Mahigit dalawang buwan rin siyang nangulila rito. Hinahanap hanap niya ang presensiya nito kahit saan siya magpunta. Ang mga halik, yakap, paglalambing at pag-aalaga nito sa kanya. Ang mainit na love making nila sa kama... Kadalasan sa tuwing nag-iisa siya ay para siyang baliw na sinasariwa niya ang mga memories nila together na magkasama. Noong unang beses na nagkasalubong sila sa may hallway ng apartment... Noong nagkita sila sa party at inihatid sila nito pauwi ni Jackie. Noong unang beses na aksidenteng may nangyari sa kanila. Ang pag-aalaga nito sa kanya noong nilagnat siya–ang madalas na pagpunta nito gabi-gab

