"Rowella, hi! Ang auntie Precy mo ito, asawa ng uncle Mario mo. Kamusta ka na?" Anang masayang boses ng tiyahin niya mula sa kabilang linya. Ang tinutukoy nitong asawang si Mario ay pinsang buo ng papa niya. "Mabuti naman po, Auntie Precy. Kayo, ho, kamusta rin? Nasa Dubai pa rin ho ba kayo?" Ang alam niya ay nagtatrabaho ito bilang DH sa Dubai. "Wala na. Natapos na rin sa wakas ang four year contract ko sa amo ko. Kauuwi ko lamang last month. Dumalaw pala ako sa Papa mo noong nakaraang linggo. Kaya ako napatawag ay dahil nabanggit niya sa akin ang plano mong paglipad ng Singapore. Ang sabi niya ay medyo natagalan raw ang pag-alis mo dahil kulang ang placement fee mo, totoo ba iyon?" "Totoo ho. Nag-iipon pa ako sa ngayon." "Mga magkano pa ba ang kulang mo? May naipon kasi ako sa bangko

