Masamang biro KINABUKASAN. "Ayoko. Ayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na kailangan pa ang mga ultra, ultra sound na 'yan. At saka 'yang kung anung gastro-gastrong 'yan," angil ni Carlos. "Pero, Kaka--" "Wala akong tiwala sa mga doktor na 'yan, Luisa. Mga mukang pera ang mga 'yan. Kung ano-ano ang sasabihin ng mga 'yan sa pasyente nila para matakot at magbayad nang magbayad sa kanila. Tapos kung ano-ano ang ipagagawa at pababayaran sa may sakit para kumita ang hospital nila. Hindi nila ako maisasama sa mga naga-gago nila. Simpleng pananakit lang ng tiyan ang nagyari sa akin kagabi. Kung may diprensya talaga ako, hindi pa sana ako nakakatayo ngayon!" Mahaba nitong reklamo. "Mga animal na yan. Hindi nila ako maloloko, binubuo pa lang sila ng mga nanay at tatay nila ay magulang na ako. T

