Namilipit sa sakit AT LUMIPAS pa ang mga araw... Pinagtiisan ni Luisa ang pakikisama sa taong kinamumuhian. Pinilit sanayin ang sariling pagsilbihan ito at ang lahat ng gustuhin ay maibigay. Walang puwang ang pagtanggi sa lahat ng kapritso nito at hiling. Isang araw, habang nagsusugal si Carlos ay nakaramdam ito nang matinding pananakit ng tiyan. Namimilipit ito sa sakit. Maputlang-maputla ang mukha at butil-butil ang pawis sa noo. Nagpatulong ito sa isang miron sa sugalan at nagpahatid sa bahay. Nang makita ni Luisa ang itsura ng tiyuhin ay agad niya itong sinalubong at inalalayan. "Anong nangyari sa Kaka?" tanong niya sa lalaking naghatid dito. Sinabi ng lalaki ang nangyari. Pagkatapos mapasalamatan ni Luisa ay nagpaalam na rin ito pagkaraan. Bago tuluyang bumaba ay nilingon pa ni

