CHAPTER 35 - Kaibigan

1080 Words

Kaibigan BAGO pa nakalapit si Luisa ay isang malakas na suntok pa ang pinawalan ni Carlos. Sapol sa panga ang binatang sumusugod. Bumagsak si Junior sa lupa. Hilo! "Tama na, Kaka! Tama na!" Pakiusap ni Luisa sa tiyuhin habang yakap-yakap ang baywang nito. Iyon ang naisip niyang paraan upang mapigilan ito sa ginagawang pananakit sa binata. Kung ang kaibigan ang lalapitan niya at sasaklolohan ay natitiyak niyang lalo lamang itong magagalit. Baka kung mapaano pa ang binatang hindi niya maintindihan kung bakit biglang-bigla na lamang ay naging bayolente. May naulinigan siyang sinabi nito ngunit hindi niya naintindihan kung ano dahil sa pagkakaingay ng mga kapitbahay na nagkakagulo. Hindi gano'n ang pagkakakilala niya sa binata. Tahimik lang ito at pangiti-ngiti. Masayahin at napakabait. Hig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD