PROLOGUE MABIGAT ANG talukap ng mga mata ni Zea nang unti-unti siyang magmulat. Parang may usok sa isip niya, at ang bawat galaw ay tila nagdudulot ng panginginig sa buo niyang katawan. Mainit, at malambot sa pakiramdam. Amoy na amoy niya ang mamahaling halimuyak ng linen na hindi niya kilala. Pag-ikot ng paningin niya, napagtanto niyang hindi ito ang kwarto niya. The walls were a deep, elegant shade of grey, with gold trimmings na para bang kinuha mula sa pahina ng isang luxury magazine. Isang malaking window ang natatakpan ng heavy blackout curtains, at sa gilid ay nakasindi ang dim light ng isang bedside lamp. Then her heart froze. She was naked! Hindi basta-basta hubad, walang saplot na kahit anong pwedeng kumubli sa balat niya. Agad niyang kinuyom ang kumot, niyakap ito nang mah

