HAWAK-HAWAK PA lang ni Zea ang sobre, ramdam na niya ang bigat nito sa kanyang palad. Hindi dahil sa bigat ng papel, kun'di sa bigat ng desisyong nilalaman nito. Buong gabi niyang pinag-isipan ang bawat salitang nakasulat doon. Nag-aalangan pa siya kagabi, pero ngayong araw, sigurado na siya. Huminga siya nang malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ng kanyang boss. Sa likod ng glass door, natanaw niya si Jaric, nakaupo sa executive chair, nakasandal habang abala sa pagbabasa ng mga dokumento. Kagaya ng dati, ang presensiya nito ay laging seryoso at may awtoridad. "Come in," malamig na utos nito nang marinig ang katok. Pumasok si Zea at marahang inilapag ang sobre sa mesa ng Boss. Hindi niya tiningnan nang diretso ang lalaki. "This is my resignation letter, effective two days from no

