Chapter 38 At gaya ng dati, hindi na naman nakauwi si Azrael pagdating ng gabi. Niyakap ko ang sarili ko habang pinipigil ang kaba sa dibdib ko. Wala na rin akong ibang magawa kun'di siguraduhing tulog na ang anak ko bago bumalik sa silid namin ni Azrael. Pero napahinto ako nang mapansing nagsidatingan ang mga guards at halos punuin ang buong villa, doon ko na naramdaman na may mali. Hindi man sabihin ni Azrael, ramdam kong may nangyayari. May tinatago talaga siya. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng silid. Naglinis muna ako ng sarili sa banyo. Pagkatapos ay naisipan ko nang matulog. Pero hindi pa man ako nakakahiga, may narinig na akong kakaibang ingay. My ears were already at alert and I got out of the bed. Tumayo ako mula sa kama at dahan-dahan lumapit sa pinto. I heard

