Chapter 43 “Tumahimik nga kayo. Ang iingay ninyo!” rinig kong saway ni Lucius sa mga taong nandito sa loob. “At this rate, baka ma-heart attack na lang ako,” I muttered softly habang dahan-dahang bumuka ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit dito sila tumatambay sa silid na kinaroroonan ko. “Mommy!” Agad akong napatingin sa pintuan nang marinig ang matinis na sigaw ng aking anak, kasama nito si Mavis. Patakbong lumapit ito sa hospital bed at hinawakan ang kamay ko. “You're finally awake, Mommy! Hindi talaga ako nakatulog kagabi, sobra akong nag-worry!” reklamo ni Ryo sabay nguso ng cute nitong lips. “Sus, hindi raw makatulog. Buong gabi ka nga humihilik,” pang-aasar ni Mavis. Nagkatawanan kaming lahat. Mas lalong humaba ang nguso ni Ryo. “Worried ako habang natutulog!” depe

