Chapter 42 “I'm Zachiro Benedicto. Does that name still ring a bell, Azrael? Does it?” tanong ni Ghijk. Kumunot ang noo ni Azrael. Saglit siyang natahimik at tila may inaalala siya tungkol sa pangalang sinabi ni Ghijk. “Zack...” gulat na sambit ni Azrael. Napapalakpak si Ghijk. “Bravo! Naaalala mo pa pala ako.” “What happen to you?” mahinang tanong ni Azrael. Humalakhak si Ghijk pero ramdam pa rin ang pait sa tawa nito. “That night… I lost everything that mattered to me. Happiness, love, family. Dahil 'yon sa pamilya mo!” sigaw nito habang nakaturo kay Azrael. Kita sa mukha ng lalaki ang sakit at galit. “Ano bang kasalanan ng pamilya ko sa 'yo?” Si Azrael. Halatang naguguluhan siya sa pinagsasabi ni Ghijk. “Malaki! Kinuha mo at nang pamilya mo ang lahat ng mayro'n ako—” “Stop

