Elle Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko sa muli naming pagkikita ni Gabrielle. Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makaalis sa condo unit niya. Nakausap niya na naman ang isa sa kambal. Jusko, itong mga anak ko parang atat na yatang makilala ang tatay nila. Sila na yata ang gumagawa ng paraan. Nasa hallway na ako ng bagong apartment unit na tinutuluyan ko at ng kambal nung makasalabuong ko si Madison na nakakunot ang noo at mukhang wala pa siyang tulog. May dala siyang kape at take out foods, balik na siya sa loob ng apartment. “Teh, bat hindi ka umuwi kagabi? Hindi rin kita makontak! Nakakaloka ka akala ko kung ano ng nangyari sa’yo!” Sermon niya habang naglalakad kami pero hindi ako kumikibo. Hanggang sa makarating kami sa apartment at nakita ko ang mga anak kong humahagi

