Gabrielle Masaya akong dumating si Elle sa usapan namin, gusto ko siyang makasama at makamusta pero bakas sa mukha niya ang pag aalala at parang hindi siya mapakali. “Elle? Is everything alright?” Mausisang tanong ko sa kaniya, napasinghap siya at napailing. “Actually..” “Gabrielle, let’s make this quick, you have to tell me ano ang plano mo-“ “B-bakit may lakad ka ba?” Kunot noong tanong ko pero natahimik siya at ilang sandali din siyang hindi kumibo na para bang malalim ang iniisip niya. “Gabrielle, nakita ko si Amethyst sa apartment building ko..” mahina at nag aalangan niyang sabi. “What? Anong ginagawa niya do’n?” Tanong ko sa kaniya. “Do you think she knew na doon ka nakatira?” Sambit ko pa pero umiling lang si Elle. “Hindi ko din alam. Pero may kasama siyang lalaki na

