Elle
Nagising ako sa isang kuwartong hindi gaano pamilyar sa akin. Ang sakit ng ulo at katawan ko, ang bigat ng pakiramdam ko at ramdam ko na nilalagnat pa din ako.
Kahit na nanghihina ay pinilit ko pa ding bumangon. Paglabas ko ng kuwarto ay si Kie ang bumungad sa akin na nasa mini kitchen siya at abalang nagluluto. “Nagluluto pala siya?” Nagtatakang sambit ko sa sarili ko. Maya maya pa ay napansin niya yata aio kaya napalingon siya sa gawi ko.
“Gising ka na pala.” Nakangiting salubong niya sa akin tapos ay nilapag niya ang hawal hawak niyang plato at saka naglakad papalapit sa akin.
“Kumain ka na, tapos ay uminom ka ng gamot.” Sambit niya tapos ay pinaghila niya ako ng upuan. Tapos ay pinagsandok niya ako ng pagkain sa so platong nasa harapan ko.
“Salamat.” Mahina kong sambit sa akin tapos ay inabot niya sa akin ang gamot na iinumin ko pagkatapos kumain. Ngumiti lang siya sa akin tapos ay nagpatuloy na siya sa pagkain.
“Ihahatid na kita pauwi. Huwag ka na muna pumasok sa trabaho at school. Kailangan mo magpahinga.” Nakangiting payo niya sa akin tapos ay pinagsandok niya ako ng ulam. Habang nanatili na lang akong tahimik.
“Hindi ako magtatanong kung anuman ang nangyari last night. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong mag-share. Pero gusto ko lang malaman mo na, nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap, Elle. You can always count on me.”
“Please, next time.. don’t hesitate na tawagan ako kung kailangan mo ng kausap o kasama.” Mariin pa niyang paalala kaya napailing ako at napamgiti. Hindi niya naman ako responsibilidad pero lagi siyang nandiyan para sa akin.
“Salamat at pasensya dahil nakaabala pa ako sa’yo.” Sambit ko pa kaya nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.
“Elle, hindi ka kailanman naging abala para sa akin. Importante ka sa akin kaya kung kailan mo ako, nandito lang ako.” Sambit niya kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya kaya agad siyang nagsalita muli. “I mean, magkaibigan tayo kaya I care about you.” Nakangiting sambit niya tapos ay halatang kinabahan siya.
Pagkatapos no’n ay katahimikan ang bumalot sa buong paligid habang kumakain kami. Nakaramdam ako ng konting pagkailang pero hindi ko maipaliwanag kung bakit.
“Tapos na’kong kumain, iwan mo na lang ‘yung pinagkainan mo diyan at huhugasan ko yan mamaya. I’ll just take a bath.” Utos niya bago ako iwan mag isa dito. Sinunod ko ang simabi niya tapos ay inom ako ng gamot at nung matapos ako ay hinintay ko siyang matapos. Naupo muna ako sa couch at sinandal ko ang likod ko doon tapos ay sandali akong natulala. Napasinghap ako nung naalala ko ‘yung phone ko at nakita ko ‘yung nakapatong sa mesa at nakacharge yo’n gamit ang isang powerbank. Kinuha ko yo’n at nagbrowse ako sa i********: at sinearch ko ang pangalan ni Amethyst. Madali kong nakita ang i********: niya dahil naka-verified iyon. Nakita ko sa story niya ang litratong kasama si Gabrielle at may caption pa na “reunited” ilang minuto din akong nakatitig sa litratong iwan at bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko ang pagtawag sa akin ni Michael.
“Elle.”
“Elle.” Mariing sambit nito kaya napalingon aki sa kaniya at agad kong i-off ang cellphone ko.
“You can wash up na, I already washed your clothes last night.” Sambit kaya tumango ako at saka mgumiti.
“Sige. Salamat ha.” Nakangiting sambit ko sa kaniya tapos ay pumasok na ako sa kuwarto niya at doon na ako nag-shower bathroom niya. Binilisan ko lang ang pag-shower at dali dali akong nagbihis.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Kie na kakatapos lang maghugas ng pinggan.
“Tara na?” Nakangiting baling niya sa akin. Habang nasa biyahe kami ay katahimikan ang namayani sa buong paligid. Pareho kaming natahimik at walang imik ni Kie pero makalipas ang ilang minuto binasag niya ang katahamikan sa pagitan naming dalawa.
“If you are wondering who changed your clothes last night, it wasn’t me, it’s Madi.” Malamig niyang sambit kaya napalingon ako sa kaniya.
“Ako lang ‘yung nagbantay sa’yo.” Sambit pa niya habang nakatutok ang tingin niya sa manibela. Siguro ay napansin niya na kanina pa ako naiilang at kanina ko pa talaga gustong magtanong sa kaniya tungkol doon.
“Si Madi?! Oh, kamusta na siya? Nakakatampo. Hindi man lang siya nagpakita sa akin.” Masaya ngunit nakanguso kong sambit kay Kie. Siguro ko dapat na ako makipag-catch up sa kaniya! Ang tagal na naming hindi nagkikita eh! Puro occasional messages lang.
“Well, kilala mo naman si Madi. Sobrang busy no’n. Napaka-extrovert. Lahat na lang yata na lang ng events nandoon siya.” Natatawang sambit ni Kie at pagkatapos no’n muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid.
Nang malapit na kami sa subdivision kung saan ang bahay ni Gabrielle ay nakasalubong namin ang sasakyan niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi sana hihinto si Kie pero wala siyang nagawa kundi ang huminto dahil nagkasalubong ang sasakyan niya at ni Gabrielle sa gilid dahil may isang sasakyan ang lumabas ng subdivision na nauna sa sasakyan ni Gabrielle kaya pareho silang gumilid.
Habang nakahinto ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni Gabrielle. Pero nagulat ako nung mapalingon siya sa amin kaya agad kong binaling ang tingin ko sa ibang direksyon dahil hindi ko siya kayang tignan sa mga mata.
Ewan ko ba. Pero nakaramdam ako ng guilt. Alam ko ‘yung set up namin ni Gabrielle pero alam ko din na masamang makita ang isang babaing may asawa na may kasamang ibang lalaki. Michael is just a friend pero alam naman natin ang panahon ngayon. What if makita kami ng mama ni Gabrielle on the way here or ng mga taong nakakakilala sa akin bilang asawa ni Gabrielle? Ano na lang ang sasabihin nila?!
Napahinga ako ng malalim habang nag iisip. Alam kong nakita kami ni Gabrielle pero wala siyang imik at pinabayaan niya lang kami at para akong nakahinga ng maluwag dahil doon.
Nung sandaling nabaling ang tingin ko kay Michael ay nakita kong napatingin rin pala siya kay Gabrielle.
Malapit na kami sa tapat ng bahay ni Gabrielle kaya muli akong nagsalita. “Kie, gusto kong pumasok sa work ngayon, please.. hintayin mo ako sa labas.” Mariing pakiusap ko pa sa kaniya kaya nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
“Sure ka?!”