Chapter 7

1332 Words
Elle Napahinga siya ng malalim at pagtapos no’n ay huminto siya sa tapat ng bahay ni Gabrielle kaya dali dali akong bumaba. Agad akong pumanik sa kuwarto para magbihis at mag ayos. Makalipas lang ang sampong minuto ay bumaba na din ako at napangiti ako nung makita ko pa din ang sasakyan ni Kie na nakapark pa din sa tapat kaya dali dali na akong lumabas. “Salamat sa paghihintay, Kie.” Nakangiting salubong ko sa kaniya pero kitang kita sa ekspresyon niyang hindi siya sang ayon sa gusto ko. Halos inabot lang kami ng trenta minuto sa biyahe at mabilis kaming nakarating dahil walang traffic. “Basta, huwag ka masyadong magtrahaho na kala mo taga pagmana ka ng kompaniya.” Seryoso ngunit nung tumingin ako sa kaniya ay ngumiti siya. “Wow ha, sating dalawa parang ikaw ‘yung kung makapag overtime eh kala mo sa’yo ipapamana lahat.” Natatawang sambit ko kaya nagtawanan kaming dalawa habang naglalakad kami sa may parking lot. “Ang sakit ng paa ko! Ang layo ng pinag parkan mo!” Mariin at nakangusong reklamo ko sa kaniya. “Sorry, madam ah. Puno na kasi parking ng building natin eh.” Natatawang sambit niya. Maya maya pa ay napahinto ako sa paglalakad at parang bumilis ang t***k ng puso ko nung marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko. “Elle!!” “Elle!” It was Amethyst calling my name. Nung huminto ako ay napalingon ako sa likuran namin ni Kie at doon ko siya nakitang nakangiti at sabik na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin ni Kie. “Amethyst? A-anong g-ginagawa mo dito?” Nagtataka at kinakabahang tanong ko sa kaniya nung makalapit siya sa amin ni Kie. Ngumiti siya at napatingin siya sandali sandali sa kapaligiran. “Oh, malapit lang ‘yung boutique mamin here. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba nagt-trabaho?” Sambit at mausisa niyang tanong sa akin tapos ay nabaling ang tingin niya sa likuran ko kung saan nakatayo si Kie at kita ko ang pagtataka sa mga mata niya habang nakatingin kay Kie. “Oh, he.. must be your boyfriend?” Nag aalangan ngunit nakangiti niyang tanong sa akin habang nakatingin kay Kie mula ulo hanggang paa. Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil nabigla ako sa sinabi niya. Papabulaanan ko sana ang assumptions niya pero biglang sumingit si Kie sa usapan namin. Ah.. H-hi-“ “Yes.” Walang kaabog abog na sagot ni Kie sa kay Amethyst. Tapos ay nakipag kamay siya kay Amethyst. “Michael.” Pakilala niya tapos ay inakbayan niya pa ako. “Nice to meet you, Ms. Amethyst.” Nakangiting dugtong pa ni Kie. Kita ko naman ang masayang ekspresyon ni Amethyst sa sinabi ni Kie. “OMG! Sabi na eh! You look good together. Bagay na bagay!” Humahagikgik pa niyang reaksyon. Habang si Michael eh nakangiti lang sa kaniya kaya sinamaan ko siya ng tingin nung tinignan niya ako. Bakit kasi siya nagsinungaling? Para saan?! Yes, I lied to her sa part na sinabi kong magkaibigan lang kami ni Gabrielle. But that was true. Maybe parte ako ng buhay niya na kakilala lang or casual lang gano’n. Kasal lang kami sa papel at kasunduan lang naman yo’n. Pero ‘yung sinabi ni Kie? It was a lie! Boyfriend ko siya? Nababaliw na ba siya? Bakit kailangan niyang sabihin yo’n kay Amethyst?! I took a deep sigh trying to calm and compose my self. “Ah, Amethyst. Ma-una na kami ha. Late na kasi kami sa trabaho.” Baling ko kay Amethyst. Hihilahin ko na sana si Kie papalayo pero pinigilan kami ni Amethyst. “Wait.” Nag aalangang sambit niya. “I have idea. What if-“ “You join me and Gabrielle on our dinner. Uhm, more of like.. a double date? That a good idea, right?!” Nakangiti at sabik niyang suhestyon. Kaya mas lalo akong kinabahan. Sandali akong natulala dahil hindi nabigla ako sa sinasabi niya at hindi ko alam kung paano siya lulusutan. “Ah, oo.. magandang idea nga. Pero kasi.. hindi kami puwede. Marami pa kasing tatapusin sa work. Baka mag overtime kami.” Nag aalangang sambit ko kaya nakita ko ang pagkadismaya sa reaksyon ni Amethyst. Habang ramdam ko naman ang pagsiko sa akin ni Michael kaya napatingin ako sa kaniya na nakataas ang kilay ko. “Babe, ano ka ba. Puwede naman natin yo’n tapusin sa ibang araw. Besides, matagal na din simula nung huli tayong nagdate. It would be a good idea kung makikipag double date tayo with friends.” Nakangiting singit at katwiran niya na lalo kong kinainis. Ano bang gusto niyang mangyari?! Mas lalo lang gugulo ang lahat sa ginagawa niya eh. Siguro kong kapag natuloy ito ay kami ni Gabrielle ang mag aaway! “Oh, thanks, Michael!” Natutuwang reaksyon ni Amethyst. “I guess, I already know who’s the coolest between the two of you.” Nakangiting biro pa niya bago magpaaalam na aalis tapos ay nagtawanan silang dalawa ni Michael. “See you later ha, Kie! Can I have your number? Sa’yo ko i-message ang location.” Nakangiting sambit pa ni Amethyst habang seryoso lang akong nakatayo sa tabi ni Kie habang tina-type niya ang number niya sa cellphone ni Amethyst. “Bye! See you later.” Nakangiting sambit pa ni Amethyst bago kami iwan ni Kie. Nung nakaalis na siya ay tinalikuran ko na din si Kie at nauna na akong maglakad kesa sa kaniya. “Elle, sandali. Hintayin mo ako.” Rinig kong mariing tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa maabutan niya ako at saka niya hinigit ang braso ko dahilan para mapahinto ako kaya irita ko siyang hinarap. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Mas pinapalala mo ang sitwasyon ko.” Mariin at irita kong sambit sa kaniya. “Hindi ba mas makakabiti yo’n? Pabor yo’n kay Gabrielle at sa’yo? Hindi alam ni Amethyst ang totoo hindi ba? Kapag naghiwalay kayo ay walang magiging problema. Hindi makakahalata si Amethyst tungkol sa inyo kai alam niyang may boyfriend ka. Not unless you want her to know?” Sarkastkong sambit at katwiran pa niya. “Elle, pinoprotektahan lang kita. Sa tingin mo ba kapag nalaman niya ang totoo ay magiging mabait siya sa’yo? Magagalit siya, Elle. Kakamuhian ka niya. Iisipin niyang inigaw mo si Gabrielle sa kaniya.” Mariing katwiran pa niya. “Alam ko kung bakit ka nagkakaganiyan. Takot kang baka kung anong isipin ni Gabrielle sa ating dalawa. Well, let he think whatever he wants to think. Besides, wala naman siyang pakielam. Remember that he’s having affairs of his own too. AMETHYST IS HER LOVER. Kanina nakita niya tayo hindi ba? Did he react? No. Because he doesn’t care kung anuman ang gawin mo. Hindi ka niya tinuturing na asawa kaya bakit mo sinasara ang puso mong magmahal ng iba? Besides kapag hiwalay kayo, ikaw at ikaw ang dehado.” Mariin sambit niya sa akin kaya para akong sinampal ng katotoohanan sa mga sinabi ni Kie. Hindi ko alam pero naiwan akong nakatulala matapos niyang sabihin yo’n ay nauna na siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan mag isip kung anong iisipin ni Gabrielle. Am I being too worried? May punto si Kie pero kahit gano’n ay ayoko p ding sumama. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kayang makita sina Amethyst at Gabrielle na magkaaama. Ayoko silang makasama sa iisang lugar. It feels so heavy, it feels so suffocating.. Sumunod na ako kay Kie sa office, magkatabi kami ng table pero hindi ko siya pinapansin. Nakita ko na nakakailiang lingon na siya sa akin pero hindi ko pa din siya kinikibo. Aaminin kong naiinis pa rin ako sa ginawa niya kahit pa maganda 'yung intensyon niya, he should've told me first, bago siya nagpadalos dalos ng desisyon. Napahinga ako ng malalim at napailing. Napayuko ako sa table ko. Ayoko nang gulo! Paano ko kay iiwasan si Kie at Amethyst mamaya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD