Elle
Nakatuon nga ang atensyon ko sa screen ng laptop ko pero hindi naman ako mapakali. Hindi ko alam, panay din ang sulyqp ko kay Kie at gano’n din siya sa akin pero hindi naman niya ako pinapansin kaya hindi ko din siya pinapansin. Bahala siya diyang pumunta mag isa do’n sa pa double date ni Amethyst. Tss.
Sa kakaisip ko kina Kie at kung paano sila tatakasan mamayang uwian ay hindi ko namalayan na mag aalasyete na din pala ng gabi at ilang minuto na lang eh out na namin. Pasulyap sulyap ako sa wall clock na nakasabit sa may office dahil hinihintay kong mag quarter to 7 pm bago ako lumabas ng office.
Nung pumatak na ang tamang oras ay ay tatayo na sana ako nung biglang magsalita si Michael. “Saan ka pupunta?” Kunot noong tanong niya pero nakatuon pa din ang atensyon niya sa screen ng laptop niya.
“Uuwi ka na? Maaga pa ah!” Sarkastikong sambit nito at saka na siya humarap sa akin at tinasaan niya pa ako ng kilay.
“Pupunta ako restroom, sama ka?!” Sarkastiko at pabalang kong sagot sa kaniya kaya nag angat siya ng tingin at ngumisi sa akin.
“Sige, tara.” Maloko niyang sambit sabay kindat sa akin. Kadiri! “Bastos ka!” Irita kong sabi sabay hampas ng bag ko sa kaniya. Lokong to!
“Loko ka talaga!” Sermon ko sa kaniya sabay pingot sa tenga niya. “Aray! Biro lang eh!” Mariing reklamo pa niya sa akin habang hawak niya ‘yung tenga niya.
Inirapan ko siya at nauna na akong maglakad palabas ng opisina pero nasa pintuan pa lang ako ay muli siyang sumigaw sa akin. “Fine. Kung ayaw mong pumunta, then, hindi tayo pupunta. Ihahatid na lang kita pauwi or.. you want to eat dinner?” Nakangiti niyang aya sa akin sabay kindat na naman! Jusko talaga tong si Michael. Favorite expression niya ang kumindat. Kaloka.
“Hihintayin kita sa parking lot!” Paalala pa niya bago ako tuluyang maglakad palabas ng office.
Dali dali na akong nagrest room dahil gusto ko na ding umuwi at isa pa, wala man lang katao tao dito sa hallway kasi halos lahat ay nasa loob pa ng office at ang iba naman ay nag uwian na din. Tapos na akong maghugas ng kamay at mag-retouch ng make up nung nagpalakad ako sa hallway ay muntik na akong mapatalon sa gulat nung bigla na lang sumulpot si Kie sa likuran ko.
“Takte!” Mariing reaksyon ko.
“Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat?!” Mariing singhal ko sa kaniya. Halos hindi na nga siya makahinga kakatawa dahil sa kalokohan niya eh.
“Kakanood mo yan ng horror movies mo eh.” Halakhak niyang sambit tapos ay ginulo niya ang buhok ko at saka siya nagpatuloy maglakad habang todo tawa pa din siya sa ginawa niya.
“Puro kalokohan..” Pabulong kong reklamo habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Kanina pa kami paikot ikot dito sa parking lot pero hindi namin mahanap ‘yung kotse ni Kie. Napahinto ako sa paglalakad nung napahinto din si Kie. “Gagi! Nakalimutan ko! Di ba, doon tayo sa kabilang building ng park kanina kasi puno na dito?!” Pakamot ulo pa niyang sambit. Kaya napahinga ako ng malalim at napailing. “Oo nga pala.. lalakad na naman, hays.” Nakanguso kong reklamo sa kaniya.
“Lakad na tayo papunta doon, malapit lang naman.” Nakangiting sambit pa niya sabay nguso pa sa akin.
“Ano pa nga ba? Wala naman tayong choice.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya. Naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan nagpark si Kie. Hay, malapit pala iyon sa mall kung saan namin nakita si Amethyst kanina. Whoa! How I wish, na sana hindi namin siya makasalubong.
Napailing ako at parang gusto ko na lang magkain sa lupa nung makita kong muli si Amethyst. Mas lalo akong namutla nung makita ko kung sino ang kasama ni Gabrielle?!
Nataranta ako at agad kong siniko si Michael nung makita ko sina Amethyst at Gabrielle. “Bakit kasi dito mo, pinark ‘yung kotse mo eh.” Pabulong kong reklamo sa kaniya.
“Wow, sorry ha, sorry kung naubusan tayo ng space ng parking lot.” Sarkastikong sambit niya sa akin sabay nguso.
“Basta, ikaw gumawa ng paraan para makaalis tayo dito ah ng hindi napipilitin ni Amethyst!” Mariing sambit ko sa kaniya pero huli na ang lahat dahil nakita na kami ni Amethyst at pati na din ni Gabrielle.
Wala kong makitang emosyon sa mga mata ni Gabrielle, blanko lang itong nakatingin samin ni Michael habang si Amethyst eh giniliw na giliw na makita kami.
“Elle! Michael! Buti nandito na kayo!”
Magiliw na salubong sa amin ni Amethyst habang halata sa mukha ni Gabrielle na hindi siya masaya sa nakikita niya.
“Hi, Amethyst..” Nakangiting salubong ko sa kaniya tapos ay nabaling ang tingin ko kay Gabrielle na nakatitig sa akin. Base sa tingin niya sa akin ay alam kong galit siya pero kalmado lang siya at hinahayaan niya lang si Amethyst.
“Sakto, nandito na kayo, magsabay sabay na tayo papunta sa restaurant. Oo nga pala, Babe, I invited Elle and her boyfriend. Kasi I wanna know thanked Elle, kasi she helped me see you last time. Isa pa, I wanna be friends with your new friends too.” Nakangiting paalam ni Amethyst kay Gabrielle tapos ay pinulupot niya ang kamay niya sa braso nito.
Nakita 'ko ang pilit na ngiti na gumihit sa mga labi ni Gabrielle, siguro this is really an awkward situation for the four of us. Lalo na saming tatlo nila Gabrielle at Michael. Mukhang hindi man lang siya nagulat nung sinabi ni Amethyst na boyfriend 'ko si Kie, is he expecting this to happen o sadyang wala lang talaga siyang pakielam?!
Himdi kumibo o umalma si Gabrielle kaya magpapatuloy na sana si Amethyst pero pinigilan siya ni Kie. “Uhm, excuse me, Amethyst. Pasensya na, pero.. hindi kami makakasama ngayon eh. Sorry for the last minute cancel.”
“Di ba, Love. Marami pa kasi tayong gagawin.” Palusot pa ni Michael tapos ay inakbayan niya ako at sabay baling ng tingin kina Gabrielle tapos ay binigyan niya ito ng isang pekeng ngiti.
Kita ko ang dismayadong ekspresyon ni Amethyst sa sinabi ni Kie. “But you guys, promised me, di ba? Sayang ‘yung reservation ko for four.” Nakasimangot at dismayado niyang sambit.
Magsasalita pa sanang muli si Amethyst nung biglang sumingit si Gabrielle. “Babe, let’s not pressure them. Baka busy lang, baka makaabala pa tayo. Ayaw mo bang mag-solo date tayo tonight?” Nakangiting sambit nito kay Amethyst. Sandaling napangiti si Amethyst pero bakas pa din sa kaniya ang kagustuhan niyang sumama kami ni Kie.
Hindi ko alam kung bakit pero para akong nakaramdam ng inis sa ginawa ni Gabrielle. Nagseselos ako? Siguro?! Pero alam kong wala akong karapatan at alam kong hindi naman dapat pero hindi ko pagilan eh.
Agad kong tinapik si Michael then I stepped forward. "Eto naman! Nagbibiro lang si Kie, of course we are going with you guys. Diba, Love?" Nakangiting sambit ko kaya nakita ko din ang malawak na ngiti ni Amethyst. At kitang kita ko na nagulat si Gabrielle sa ginawa ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Bahala na kung mag away kami! Isa pa, tama si Kie, mas maigi na din siguro to.
“Alright! Let’s go!” Masayang sambit ni Amethyst. Habang binigyan ko sila ng isang ngiti at nauna na akong maglakad papunta sa passenger seat ng kotse ni Kie.
Agad na sumunod sa akin si Kie sa loob ng sasakyan at halatang gulong gulo at takang taka siya.
“Akala ko ba, ayaw mo? Eh bakit-“
“Kie, it was just a dinner, okay?” Nakangiting sambit ko sa kaniya pero napahinto ako sa tanong niya.
“Dinner? You agreed because you felt jealous, didn’t you?”