Elle
Tanging katahimikan ang bumalot sa amin ni Kie habang nasa biyahe. “I think we’re here.” Basag niya sa katahimikan sabay hinto niya sa tapat ng isang restaurant. “Digurado ka ba talaga na gusto mong tumuloy?” Dagdag pa niyang tanong sa akin kaya napasinghap ako at napahinga ng malalim.
“Oo, nandito naman na din eh.” Sambit ko tapos ay nauna na si Kie na bumaba at saka niya ako pinagbuksan ng pintuan.
Pagbaba ng sasakyan ay nakita namin sina Amethyst at Gabrielle na nauna na sa loob. Habang papasok sila ay napalingon sa amin si Gabrielle. Walang ibang emosyon ang mga mata kundi pagkadismaya.
Katahimikan ang bumalot sa buong paligid nung nasa loob na kami at nakaupo na kami sa iisang table. Habang si Amethyst ang tumawag sa isang waiter. “You know this is my favorite restaurant, the food is really good here.” Nakangiting basag ni Amethyst sa katahimikan at nakakailang na atmosphere ng paligid.
“I agree, we often eat here din eh.” Nakangiting sagot naman ni Kie sa sinabi ni Amethyst. Maya maya pa ay isang waiter ang lumapit sa amin para kunin ang order namin.
Si Amethyst ang kumuha ng menu at napili para kay Gabrielle habang si Kie naman ang kumuha nung amin. Habang kami ni Gabrielle ay tahimik lang sa isang gilid.
Habang namimili sila ay hindi sinasadyang sabay sila na nagtanong sa amin ni Gabrielle kaya naman halos sabay din kaming sumagot.
“What do you want to eat, Babe?” Aniya ni Amethyst.
“Anong gusto mong kainin, Love?” Aniya naman ni Kie habang pareho silang abalang nakatingin sa menu.
“Ramen.” Halos sabay naming sambit ni Gabrielle kaya napaangat ng tingin sina Amethyst at Kie sa amin. Hindi ko alam kung anong maramdam ko. Kung meron mang bagay na pagkakasunduan namin ni Gabrielle ay yo’n ang pareho kaming mahilig kumain ng ramen. I should've known kasi everytime Gabrielle doesn't want to eat dinner or heavy meal ay yo'n lang ang kinakain niya. Minsan nga ay nahuhuli 'ko siyang nagluluto ng noodles in the middle of the night eh.
“Babe, it’s dinner. Why don’t you eat some heavy meal?” Reaksyon at suhestyon naman ni Amethyst.
“I don’t wanna eat rice tonight. It’s okay. Besides, I always eat healthy. Manang always cook vegetables and healthy meals. And it tastes so good. Ayokong kumain ng ibang lutong ulam not unless manang or mom cooks it.” Kalmadong paliwanag ni Gabrielle kaya nakaramdam ako ng saya. Did he just said na masarao ang luto ko? Yes, ako ang nagluluto ng lunch niya at hindi si manang. Pinapasabi ko lang na si Manang ang nagluluto no’n dahil alam kong hindi niya kakainin yo’n kapag sinabi ni manang na ako ang nagluto no’n. I think it is much better that way, maselan din kasi siya sa pagkain so I don’t think, kakain siya sa labas kung wala siyang baon. Knowing how busy he is, hindi siya mag aabalang lumabas ng opisina para lang kumain ng lunch.
“Oh.. o-okay.” Nag aalangang pagpayag ni Amethyst sa gusto ni Gabrielle.
“One beef ramen, beef wellington, creamy pesto pasta and kimchi.” Order ni Amethyst.
“Guys, you should try their steak and pasta here.” Baling niya sa amin ni Kie. Kaya napangiti si Kie at nagsalita. “Okay, so, since they both want ramen. Might as well copy your order too.” Biro niya kay Amethyst kaya natawa ah.
“Well, you won’t regret.” Natatawang sambit ni Amethyst.
“Oo nga pala, since you were friends with Elle, I assumed you already met and knew Michael?” Baling ni Amethyst kay Gabrielle na ikinatahimik nito.
“Uhm, yes, of course. Ilang beses na.” Nakangiting sagot nito sabay tingin sa amin ni Amethyst.
“I’m so glad to meet Elle. You know what guys. It’s been years since Gabrielle and I met again. So many things happened but I am glad that we are still getting strong.” Nakangiting kuwento pa ni Amethyst sa amin.
“Kayo ba? Ilang taon na kayo?” Kunot noong tanong niya sa amin ni Kie.
“Ha? Uhm, 6 months?” Nag aalangang sagot ni Kie habang si Gabrielle eh tahimik na nakikinig.
“So lucky to have her!” Komento pa ni Amethyst.
“Bakit sobrang tahimik mo, Elle?” Kunot noo at takang tanong niya sa akin.
“Ah, hindi, ano lang-“
“She’s really an introvert.” Singit ni Michael.
“Oh, I see! Kaya siguro kayo nagkasundo nitong si Gabrielle.” Magiliw na sambit ni Amethyst.
Habang masaya silang nagkukuwentuhan ay bigla nang dumating ‘yung order namin. Kukunin ko sana ‘yung chill sauce na nakadisplay sa gitna ng table nung biglang kunin din yo’n ni Gabrielle kaya nagkatinginan kami at agad kong binitawan iyon. “Sige, ikaw muna.” Sambit ko.
“No, you first.” Kalmado niyang sambit.
“Pareho din pala kayong mahilig sa mang anghang eh.” Komento ni Amethyst.
“We don’t have the same appetite as them.” Sambit naman ni Kie.
“Mas masarap kaya kapag maanghang ang pagkain.” Nakangiting komento ko.
“Real, food taste better when it’s spicy.” Side comment naman ni Gabrielle tapos ay inabot ko na sa kaniya ‘yung chill sauce.
After that exchange of conversation, a moment of silence took over. We just finished eating our food when Amethyst suddenly request for a long walk outside the restaurant.
“The food here never disappoints.” Komento ni Amethyst matapos namin kumain.
“Oo nga, masarap steak nila dito.” Komento maman ni Kie. Tapos siya na ‘yung nagbayad ng bill namin habang si Gabrielle naman ang nagbayad nung kanila.
“Tara, maganda view sa labas. We can take a long walk before going home.” Suhestyon ni Amethyst na agad naman kinontra ni Gabrielle habang palabas kami ng restaurant.
“Babe, it’s already late. It was a long tiring day for all of us, I think we should go home and take a rest na.” Suggestion ni Gabrielle habang nasa mini garden na kami sa labas ng restaurant.
“I agree, tomorrow is another day. Mukhang pagod na din kayo, girls.” Pag sang ayon naman ni Kie sa sinabi ni Gabrielle.
“Pano, mauna na kami ni Elle.” Paalam ni Kie sa kaniya. Tapos ay humarap siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Bye guys.” Nakangiting sambit ko sa kanila. Si Amethyst eh nakangiti lang sa amin tapos nag b-bye pa siya. Samantalang si Gabrielle naman ang sama ng tingin sa'kin. Tumungo na lang ako sa kanilang dalawa bilang paalam.
Nung nasa sasakyan na kami ay muli akong natahimik. “Okay ka lang ba, Elle?” Rinig kong tanong ni Kie sa akin habang nakatuon ang atensyon niya sa kalsada habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina habang nakikita ko si Gabrielle na may kasamang iba. Kita ko sa mga kilos at galaw ni Gabrielle na ang pagmamahal niya kay Amethyst, he’s very protective of her. I realized something, that if weren't for me, siguro kasal na sila ngayon at masaya na pero I was a hindrance to that love story and that makes me feel guilty and sad. Guilty, kasi alam kong may nasasaktan akong ibang tao kahit pa hindi ko ginusto o sinasadya iyon. Naipit lang naman din ako sa sitwasyon eh. Malungkot kasi.. I fell for someone who can't love me back and everything was so unsure.
Bumalik lang ako sa ulirat nung muli kong marinig ang boses ni Kie. “"Aliayah Danielle, are you okay?" Mariin niyang tanong kaya napalingon ako sa kaniya at napakunot ng noo. Sandali niyang hininto ang sasakyan at pinagmasdan niya ako.
Napahinga ako ng malalim at umayos ako sa pagkakaupo. “Oo, ayos lang, medyo inaantok na ako sa busog at pagod.” Pagdadahilan ko pa sa kaniya tapos ay nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
“Sabi naman kasi sa’yo, dapat hindi na tayo tumuloy. Besides, kailangan mo ng pahinga. Remember, galing ka sakit at lagi ka na lang abala sa trabaho. Halos wala kang pahinga.” Mariing sermon pa niya sa akin pero tahimik lang ako.
Makalipas ang trenta minuto ay nakarating na din kami sa tapat ng mansyon ni Gabrielle. “Sigurado kang okay ka lang?” Paninigurong tanong ni Kie nung huminto siya kaya ngumiti ako at tumango.
“Oo nga. Salamat ha.” Nakangiting sambit ko sa kaniya bago bumaba ng sasakyan.
“Basta kapag inaway ni Gabrielle, tawagan-“
“Oo na! Mag ingat ka pauwi.” Nakangiting sambit ko sa kaniya kaya natawa siya. Pinagbuksan ako ni Kie ng pintuan at hindi pa man ulit siya nakakasakay ay sabay kaming napalingon sa kotseng paparating. At kotse yo’n ni Gabrielle. Dali dali itong huminto sa tapat namin ni Kie at seryosong bumaba si Gabrielle mula sa driver seat.
“What the hell are you trying to do?” Mariing salubong niya sa akin. “Let’s talk.” Mariing saad pa niya tapos ay hinigit niya ang pulso ko at hihilahin niya na sana ako papasok sa mansyon pero pero hindi pa siya nakaka-isang hakbang eh agad siyang pinigilan ni Michael.
“Sandali, don’t talk to Elle that way-“
“Bakit sino ka ba?! Huwag kang mangielam. Isa ka pa eh. You are tolerating her actions!” Mariing sambit ni Gabrielle at hinawi niya ang kmay ni Kie.
“Gago ka pala eh.” Gigil na sambit ni Kie tapos ay tinulak niya si Gabrielle kaya pati ako napaatras.
“The hell?!”
“Sino ka sa tingin mo? Ah, you were her BOYFRIEND.” Mariin at sarkatikong sambit ni Gabrielle sa kaniya tapos ay tinulak niya din si Kie. Kita ko ang inis na ekspresyon ni Kie dahil napakuyom pa siya ng kamao kaya agad akong namagitan sa kanila.
“Hinawakan ko sa braso si Gabrielle para pigilan siya. “Gabrielle, tara na sa loob. Kie, umalis ka na please, ayos lang naman ako.” Mariing pakiusap ko pa sa kanila pero pareho silang hindi magpapatinag. Nagulat ako nung bigla akong hilahin ni Michael pupunta sa kaniya.
“Oo, aalis ako pero sasama ka sa akin.” Mariin niyang sambit pero nabitawan ko ang kamay niya at napaatras ako palayo nung bigla na lang siyang suntukin ni Gabrielle kaya nagpanic ako at sinubukan kong pigilan sila.
“Gago ka! Wala kang karapatang pumunta sa pamamahay ko.” Mariing sambit ni Gabrielle tapos ay lumapit ako sa kaniya para pigilan siya pero mas malakas siya sa akin at isa pa, sinugod din siya ni Kie at gumanti ito ng suntok.
“Tama na! Please, stop! Michael! Gabrielle! Ano ba!” Mariin kong sigaw at halos naiiyak na ako. Hanggang sa makaramdam ako ng hilo dahilan para ma-out of balance ako at mapasalampak sa kalsada.
Kita ko sa peripheral vision ko na pareho silang napahinto sa pag aaway nung makita nila akong nakasalampak sa sahig at halos wala nang malay.
Si Gabrielle ang naunang nakalapit sa kinaroroonan ko kaya kaagad niya kong binuhat. Habang nakita ko si Kie na mukhang nag aalala.
“Leave, wala kang karapatan sa kaniya. I’m still her HUSBAND. Tandaan mo yan. Ano sa timgin mo sasaktan ko siya?! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security.” Mariing giit ni Gabrielle. Sa mga puntong ito ay unti unti akong nawawalan ng malay. The last thing I see is Michael seriously looking at us while Gabrielle is still carrying me. Then everything went black…