Elle
Nagising ako na ang bigat ng pakiramdam ko, lalo na ang mga talukap ng mga mata ko. Noong marahan kong idinilat ang mga mata ko ay nakita ko na nasa kuwarto akong hindi pamilyar sa akin at nababalot ng kulay puti ang buong paligid.
“Nasa hospital ba ako?” Bulong ko sa sarili nung tignan ko ang buong paligid. Pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Tama, kasama ko sina Kie at Gabrielle noon. Mas lalong sumasakit ang ulo dahil sa kakaalala ng mga nangyari. Maya maya pa ay nabaling ang tingin ko sa may pintuan nung bigla iyong bumukas at doon ko nakita sina Gabrielle na blanko lang ang ekspresyon ng mukha kasama niya ang magulang niya na may kasamang doktor.
“Hija, you’re awake.” Masaya at magiliw na sambit ng mommy ni Gabrielle nung makita niya akong gising tapos ay lumapit ito sa akin at niyakap ako.
“We’re so worried about you!” Mariin pa niyang dugtong kaya napangiti ako pero nung mabaling ang tingin ko kay Gabrielle na nasa kabilang gilid ng hospital bed ay tahimik lamang siya.
Natuon naman ang atensyon naming lahat nung magsalita muli si Tita Melissa at binaling niya ang atensyon niya sa doktor. “Doc, what happened? How’s my daughter?” Mausisang tanong niya rito.
“Nothing serious, cleared lahat ng laboratory tests niya and her vital signs were okay, she just experienced overfatigue. Due to stress, over working or maybe not getting enough sleep or rest. I suggest she change her vitamins kasi baka hindi niya hiyang iyong iniinom niya and maybe get some melatonin to help with her sleep.” Paliwanag pa nung doktor kaya kita ko ang relief sa reaksyon ng parents ni Gabrielle.
“Thank you, doc.” It was Gabrielle who speaks. Tumango iyong doktor sa amin bago lumabas ng kuwarto.
Paglabas nung doktor ay kita ko ang dismayadong tingin ni Tita Melissa sa anak. “Ano ba naman, Gabrielle. You should take care of your wife. Look at what happened. Look at her, she looked so stressed.” Sermon niya sa anak.
“And you, Hija. Don’t overwork, alalahanin mo naman yang kalusugan mo. Kulang ba ‘yung binibigay sa’yong allowance ni Gabrielle para sa personal expenses, gusto mo bang dagdagan-“
“Ma, hind ho, hindi lang ho talaga ako komportable na walang ginagawa at hindi nagta-trabaho. Ayos naman ho ako. Siguro medyo napagod lang recently kasi madami kaming inaasikaso sa school at malapit na rin ho ang finals ko sa law school.” Nakangiting paliwanag ko pa sa kaniya. Totoo na binibigyan ang ako ni Gabrielle ng monthly allowance bukod pa sa bayad niya sa akin para sa kasunduan namin, pero hindi ko ginagalaw ‘yung pera na binibigay niya bilang allowance ko. Hindi naman akin yo’n. May pera naman ako at trabaho. Kailangan ko lang talagang mag ipon para sa kinabukasan ko.
“Kung yan ang gusto mo. Basta ha, sundin mo ‘yung payo ng doktor. Gabrielle kasi masyado ding abala sa trabaho. Hindi mo na naaasikaso ang asawa mo. No wonder bakit hanggang ngayon eh wala pa kayong anak.” Mariing sermon at reklamo pa ni Tita Melissa sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Gabrielle sa sinabi ng Mommy niya pero hindi kami kumibo.
“Kaya nga, huwag niyo namang pababayaan ang mga sarili niyo.” Sambit naman ng Daddy ni Gabrielle na kanina pa tahimik at nakabaling ang tingin sa anak niya.
Vocal naman ang parents niya lalo na ang Mommy niya na gusto na nila ng apo pero alam kong malayong mangyari yo'n. And gladly, we always find ways to divert the topic.
Siguro someday magkakaroon din sila ng apo kay Gabrielle pero hindi galing sa'kin, but with Amethyst..
Gabrielle gave his mom a bittersweet smile and cleared his throat. “Excuse me, aasikasuhin ko lang ho ‘yung discharge papers para makalabas na lami at makapagpahinga na siya.” Sambit ni Gabrielle tapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Paglabas niya ay sumunod ang Daddy niya sa kaniya kaya kaming dalawa na lang ni Tita Melissa ang naiwan.
Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Mommy bago siya muling magsalita. “Hija, may tanong ako.” Sambit niya kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
“Po?” Kunot noo at kabado kong tanong.
“M-may problema ba kayo ng anak ko?” Mausisa niyang tanong sa akin.
“Po? W-wala naman po.. sobrang busy lang po talaga namin parehas. Ayos naman po kami.” Nakangiting sambit ko para trying to reassure her. Ayokong mag overthink siya at makahalata. Hindi makakabuti para sa kaniya ang mag isip at lalo na kung malaman nila ang totoo.
“Buti naman. Basta ha, kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako lagi para sa’yo, Hija. Sabihin mo lang sa akin kapag inaaway ka ni Gabrielle. Na’ko talaga.. yari siya sa akin.” Nakangiti at pabirong hirit ni Tita kaya nagtawanan kami. At parang gumaan ang pakiramdam ko, at least, masuwerte ako sa mother in law kahit na sa papel lang bisa ng kasal namin ni Gabrielle.
Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Tita nung biglang bumukas muli ang pintuan at muling pumasok si Gabrielle na may hawak hawak papel. “We can go home.” Malamig niyang sambit. Napatongin naman sa amin si Tita Melissa at saka bahagyang hinaplos ang balikat ko.
“Take care of yourself, Hija. Basta ha, ‘yung sinabi ko sa’yo. I’m always here for you.” Nakangiting paalala nito sa akin kaya napangiti ako. “Take care of your wife, Gabrielle. Don’t worry, we will frequently visit you two.” Sambit niya sa anak na blanko lang ang ekspresyon ng mukha. Noyakap ako ni Tita Melissa bago sila tuluyang umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Gabrielle nung makaalis sila. Huminga siya ng malalim at inabot sa akin ang isang duffle bag na nakapatong sa may couch na nasa likuran niya. “Change your clothes, I’ll wait for you outside this room.” Utos niya sa akin tapos ay agad na din siyang lumabas.
Binilisan ko na lang ang pagbibihis at pagkatapos ko ay sumunod na ako kay Gabrielle. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko siya sa tapat noon na may kausap sa cellphone. Tahimik akong naghintay hanggang matapos siya sa pakikipag usap tapos ay bahagya siyang nagulat nung tinawag ko ang pangalan niya.
“Tara na.” Kalmado kong sambit sa kaniya tapos ay kinuha niya mula sa akin ‘yung bag na bitbit ko at nauna na nang maglakad sa hallway. Tahimik lang kami habang nasa elevator, kami lang ang nakasakay kaya parang ang awkward ng aura.
Hindi ko alam kung bakit laging ganito, laging katahimkan at pagka ilang ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami. “I already contacted your workplace, I informed them what happened. So they gave you a one week leave.” Malamig niyang sambit at basag niya sa katahimikan.
“Salamat.” Nakangiting sambit ko sa kaniya.
“And please, use your card, you don’t have to over work.” Mariin niyang sambit kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
“Mom is worried about you, alam mo na hindi makakabuti sa kaniya ang pag alala at mag isip ng mag isip. So, please.” Mariin pa niyang dugto tapos no’n ay saktong bumukas na ang elevator kaya nauna na siyang naglakad sa parking lot kaya sumunod na lang ako.
Simula nung magkakilala kami hanggang ngayon, hindi ako nagkaroon na makilala kung ano ang totoong siya. He barely smile and show his real personality kapag kasama niya ako, laging blanko ang ekspresyon niya. It was just always a basic conversation, kung may deep conversation man ay tungkol iyon sa kasunduan naming dalawa.
Funny, isn’t? Asawa ko siya pero kakaunti lang ang alam ko tungkol sa kaniya. At kung anuman ang nalalaman ko ay base lamang iyon sa mga obserbasyon ko sa kaniya lalo kapag hindi ako ang kasama niya. Maybe, I didn’t really knew him, I knew nothing about him except that he is my husband. A husband, I barely new, a husband, that feels like stranger to me. He’s always cold with me, he is always casual na para bang nakikipag usap at nakikihalubilo siya sa isang estranghero. But despite that fact, I fall for him. Siguro kasi para sa'kin napaka-misteryoso niyang tao dahil nga hindi naman siya nagpapakita ng kahit anong emosyon kapag nasa paligid ako. Hindi niya ako gusto, hindi siya interesado sa akin kaya siguro mas lalo akong na-curious sa kaniya.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Bumalik lang sa katinuan nung tawagin ni Gabrielle ang pangalan ko. “Aliayah.” Mariin at malamig niyang sambit kaya napalingon ako sa kaniya.
Aliayah, iyon ang tawag niya sa akin simula nung magkakilala kami. Hindi niya ako tinawag sa nickname ko unless he’s family is around. Dahil sabi niya, hindi naman kami close para tawagin niya akong Elle. My first name is so underrated, walang kaibigan o close ko ang tumatawag sa akin noon kaya naman sabi niya iyon na lang raw ang itatawag niya sa akin. Diba nga, strangers tend to call us by our first names. Meaning isa akong estranghero para kay Gabrielle.
“Thank you.” Iyon lang ang tanging lumabas sa mga labi ko at baba na sana ako nung bigla siyang magsalita muli. “Let’s talk.” Mariin niyang sambit kaya parang biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, lilinawin ko, layuan mo si Amethyst. Huwag ka nang lumapit sa kaniya.” Mariin niyang sambit na kinapantig ng tenga ko. Layuan? Eh si Amethyst tong lapit ng lapit sa akin.
“Layuan? Bakit hindi siya ang sabihan mo? Siya itong lapit ng lapit sa akin at nangungulit.” Mariin kong depensa kaya napahinga ng malalim si Gabrielle.
“I don’t care about that, ikaw na lang ang umiwas. May pagkakataon kang umiwas kagabi pero hindi mo ginawa. What are you trying to do?” Mariin at sarkastiko niyang kuwestyon sa akin.
“I’m warning you, this will be my first and last warning, Aliayah.”
“Para lang din sabihin ko sa’yo, wala akong pakielam kung anumang meron sa inyo nung Michael na yo’n. Pero huwag na huwag mo siyang patutungtungin sa pamamahay ko.” Mariing giit ni Gabrielle.
Nakaramdam ako ng inis sa lahat ng sinabi niya kaya kinompronta ko siya. “Anong kinakatakot mo? Sa tingin mo, bakit ako nagsinungaling sa kaniya na kaibigan kita. PABOR IYON SA’YO. Bakit paramg kasalanan ko pa? Kung ikaw naman ang nakinabang sa lahat ng nangyari?!” Mariin at dismayado kong giit sa kaniya.
“Fine. Thank you, ngayon puwede mo na siyang layuan. Mahal ko si Amethyst, Aliayah. Tandaan mo yan, kaya hindi ko hahayaang masira kami nang dahil lang sa kasunduan natin.” Mariin niyang pagpapamukha sa akin tapos ay nauna na siyang bumaba ng sasakyan kaya naiwan akong nakatulala dito.
Alam ko naman kung saan ako lulugar, hindi niya na kailangan ipamukha sa akin yo’n. Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko na para bang anumang oras ay bubuhos na ang mga luha dito. Tangina, bakit kasi ako nahulog sa kaniya?! Alam kong hindi niya ko mahal at kahit kailan hindi niya ko mamahalin pero bakit kailngan niya pang ipamukha sa'kin na may mahal na siyang iba at hindi ako yo'n?!
Gusto kong sabihin na sana hindi na lang kita minahal, Gabrielle. Sana hindi na lang kita nakilala pero mas gusto kong sisihin 'yung tadhana kung bakit ngayon lang kita nakilala. Sana ako na lang 'yung na una at hindi siya. Sana ako na lang 'yung minahal mo at hindi siya. Sa pagkakataong 'to mas nanaig 'yung sakit kesa pagmamahal 'ko kay Gabrielle. Hanggang kailan ako magtitiis nang ganito?