Chapter 11

1554 Words
Gabrielle Napangisi ako habang pinagmamasdan ko ang baso ng alak na hawak hawak ko. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Joshua, kaibigan ko. “Hulaan ko, nag away kayo ng asawa mo?” Kunot noong tanong nito sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya tapos ay naupo siya sa harapan ko. “Asawa ko..” Sarkastikong ulit ko at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari.” Mariin at naguguluhan kong sambit sa kaniya. “Bakit? Ano na naman ba kasing mangyari? Kakalabas niya lang ng hospital ah? Inaway mo agad.” Sarkastikong sambit niya kaya napailing ako. “It was Amethyst, she met Aliayah..” Naguguluhan kong sabi tapos ay sandali akong napahinto. “Tapos?” Kunot noo at mausisa niyang tanong. “Did she find-“ “Of course not, Aliayah introduced herself to Amethyst as my friend. She even introduced that Michael as her boyfriend. Tangina ganap na ganap eh.” Sarkastikong sambit ko kaya kita ko ang pag ngisi ni Joshua. “Oh, tama naman pala ‘yung ginawa ni Aliayah. At least, Amethyst didn’t find out.” Sambit niya tapos ay isang mahinang halakhak ang narinig ko mula sa kaniya. “What’s with that f*****g laugh?” Kunot noo at irita kong tanong sa kaniya. “Nagagalit ka kay Aliayah dahil ba nalaman mong may something sila nung Michael. Nagseselos ka-“ “Hell, NO!” Mariin kong tanggi. “Then why? If hindi yo’n ang rason, bakit ka nagkakaganiyan?” Sarkastikong tanong niya kaya napasinghap ako. “Mahal ko si Amethyst at malinaw sa akin yo’n. I don’t f*****g care kung sila!” Mariin ko pang depensa pero mukhang hindi pa din siya kumbinsido. “Ang hiling ko lang naman kay Aliayah eh layuan niya si Amethyst. She have a choice na umiwas kay Amethyst pero mas pinili niyang hindi.” Mariin giit at katwiran ko pa. “Sigurado ka bang hindi ka nalilito? I mean, hindi ka in denial sa totoong nararamdaman mo kay Aliayah?” Kunot noong tanong niya sa akin kaya natigilan ako sa tanong niya. Sa totoo lang ay siguro kung wala si Amethyst sa buhay ako ay.. hindi mahirap mahalin si Aliayah. Pero masyado ko na siyang nasasaktan. It’s too late to fix things. “Di ba nga, nagd-dalawang isip ka pang kitain si Amethyst nung makabalik siya ng bansa. Kasi ang sabi mo sa akin. Ayaw mo nang mas lalong lumaki pa ang gulo o.. ayaw mo nang mas lalo pang saktan si Aliayah-“ “Enough. Ayokong ma-attached sa kaniya, ayokong bigyan siya ng kahit anong motibo. Natatakot akong baka masaktan ko lang siya.” Mariin kong pag amin kay Joshua. “Bakit nga ba, hindi na lang siya? I mean, kasal na kayo. Your parents especially Tita Melissa loves her so much. Not unless you are still deeply in love with Amethyst. Na kaya mo lang siya iniiwasan ay dahil alam mong kung anumang meron kayo ay agreement lang yo’n at alam niya yo’n. Pero halata naman sa mga kilos at tingin niya sa’yo na gusto ka niya. Hindi mo lang siya ini-entertain because of Amethyst.” Natahimik ako sa tanong niya pero isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Hindi nga mahirap mahalin si Aliayah, pero.. hindi pa rin no’n mababago ‘yung totoo na mahal ko si Amethyst. Only if my parents allows me to marry her, hindi mangyayari lahat ‘to. I wouldn’t met her, I wouldn’t hurt Aliayah.” Sambit ko tapos muling lagok doon sa baso na may lamang alak. “Mahirap yan.” Sarkastikong komento ni Joshua. Maya maya pa ay biglang nag ring ‘yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si Amethyst pero hindi ko yo’n sinagot at decline ko ang tawag niya. Hanggang sa makatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya. “Babe, what’s happening to you? Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam, lagi ka pang wala sa unit mo. Are you okay?” Basa ko sa mensahe niya. “Aliayah o Amethyst?” Rinig kong malokong tanong ni Joshua kaya sinamaan ko siya ng tingin. Maya maya pa ay nakatanggap rin siya ng mensahe. “Oh, I guess I know the answer.” Sarkastiko niyang sambit sabay wagayway sa cellphone niya. “Bro, sa tingin ko, you have to decide as soon as possible. Kundi mas lalo kang malalagay, kayo sa mas komplikadong sitwasyon.” Seryoso niyang payo sa akin. Napasinghap ako at saka pabagsak na nilapag ang baso ng alak na kanina ko pa hawak hawak tapos ay kinuha ko ‘yung leather jacket kong nakasabit sa inuupuan ko. “Saan ka pupunta?” Mausisa at kunot noong tanong ni Joshua kaya nilingon ko siya. “Uuwi.” Tipid at mariin kong sagot pero nakita ko ang pagngisi niya. “Uuwi? Kanino? Do’n sa legal o sa-“ “Shut up. I’m leaving, thanks for the drink.” Mariin kong sambit sa kaniya bago ako tuluyang umalis. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I am f*****g torn between. Naglalakad na ako sa may parking lot nung biglang sumulpot sa harapan ko si Amethyst kaya naman nagulat ako. “Babe, sabi ko na nga ba at bandito ka eh.” Malambing niyang sambit sa akin tapos ay niyakap niya ako pero agad din akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. “What are you doing here?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. “Ilang araw ka nang hindi nagr-reply sa akin. I’m worried about you. Are you okay? Tell me, may problema ba tayo? May nagawa ba ako?” Emosyonal niyang tanong kaya napailing ako. “No, wala. I’m just busy.” Malamig kong sambit tapos marahan ko binaba ang kamay niyang nakahawak sa braso. “Sa ibang araw na lang tayo mag usap. I’m heading home.” Paalam ko sa kaniya tapos ay nauna na akong maglakad papunta sa kotse na nakapark sa gilid niya pero nagulat ako nung bigla niya akong yakapin sa likuran. “Can I go with you?” Tanong niya kaya napahinga ako ng malalim. Alam niya ay nakatira ako sa condo unit ko pero hindi niya alam na I have a house and I am living with Aliayah. That house was a wedding gift from my parents. “No, I am going to my parents house tonight.” Malamig kong sambit. Tangina! Ano ba to? Balit ganito? Tama ba si Joshua? Naguguluhan na nga ba ako? Pero bakit? I wanna be with Amethyst but I don’t wanna hurt her, paano kung malaman niya ang totoo? Pero paano si Aliayah? Marahan ko siyang hinarap at hinawakan ko ang mga kamay niya. “Amethyst, sorry. Marami lang talagang gumugulo sa akin ngayon.” Malambing kong sambit sa kaniya tapos ay niyakap ko at hinalikan sa may noo. “Let’s go, ihahatid na kita sa inyo.” Malambing kong sambit tapos ay pinunasan ko ang mga luha niya. Habang nasa biyahe kami ay katahimikan lang ang namayani sa buong paligid hanggang sa makalipas lang ang 10 minuto at nakarating na din kami sa building ng unit kung saan nakatira si Amethyst. “Mag ingat ka sa biyahe.” Iyon lang ang tanging sinabi sa akin ni Amethyst bago siya bumaba ng kotse ko at ni hindi na siya nagpahatid pa sa taas ng unit niya. Nag-guilty ako sa mga nangyayari pero hindi ko alam kung anong gagawin eh. Hindi ko na alam kung anong tamang gawin.. Wala ako sa sariling nagmaneho pauwi sa bahay at hindi ko namalayan na halos lumagpas na pala ako. “Sir.” Bati nung guard sa akin kaya tumango ako at inabot sa kaniya ang susi ng sasakyan para siya na lang ang magpasok sa garahe. Madalim na ang buong paligid nung pumasok ako sa bahay. Damn it! I just wanna f*****g rwst. Nasa hallway na ako ng second fooor at papunta nasa ako sa kuwarto ko nung madaanan ko ang kuwarto ni Aliayah, nakaawang ‘yung pintuan kaya isasara ko sana yo’n pero napansin ko na mahimbing na siyang natutulog nung sumilip ako, hindi naman bukas ang aircon sa kuwarto niya pero parang nilalamig siya. Hindi ko alam kung bakit pero pumasok ako para i-check siya. Marahan akong lumapit sa kama niya at idinampi ko ang palad ko sa noo at leeg niya. INAAPOY SIYA NG LAGNAT. Napahinga ako ng malalim at napailing. Lalabas sana ako ulit para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig nung marinig kong magsalita si Aliayah at tinawag niya ang pangalan ko. “Gabrielle..” Hindi ako nagsalita at pinagmasdan ko lang siya dahil para siyang nanaginip. “Gabrielle..” Mahina niyang ulit. “I..I’m here.” Mahina ko ding sambit. Pero maya maya pa ay hindi ko inaasahan ang marahang pagdilat ng mga mata niya. “G-Gabrielle?” Nagtatakang sambit niya. “Nilalagnat ka, kukuha lang ako ng-“ Nagulat ako nung pigilan niya ako at hawakan niya ang mga kamay ko. “D..D-dito ka lang p-please..” Mahina niyang sambit kaya napalingon ako sa kaniya at doon nagtama ang mga mata naming dalawa. Naupo ako sa tabi niya habang hawak hawak pa din niya ang mga kamay ko: Tangina, Gabrielle, Ano to? Bakit ganito ‘yung nararamdaman ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD