Chapter 12

1335 Words
Elle Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung mahospital ako at magkasakit ulit. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagbago kay Gabrielle. Paano inalagaan niya ako nung may sakit ako, ayokong bigyan yo’n ng ibang kahulugan pero baka ginagawa niya lang yo’n dahil sa bilin ng parents niya kasi pagkatapos no’n ay hindi niya ako pinansin pa ulit. Hays. Hindi ko alam! Heto ako ngayon nasa biyahe papunta ng trabaho. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Michael eh, nahihiya ako sa mga abala at gulong dinulot ko sa kaniya. Nagpapadala siya ng mensahe pero hindi ako sumasagot. Hays. Kamusta na kaya siya? Pakiramdam ko maayos naman na ako physical pero hindi emotionally. Drained pa din ako sa mga nangyari. Napahinga ako ng malalim nung pagbaba ko sa taxi at napatingala ako sa building kung saan ‘yung opisina namin. Nasa lobby pa lang ay ang dami na agad taong nagkumpulan dito. Nung makaakyat ako sa office area namin ay agad kong sinulyapan ang desk ko at na katabi lang din ng puwesto ni Kie kaya nakita kong wala si Kie sa upuan niya. “Absent siya?” Kunot noo at takang tanong ko sa sarili ko tapos ay dumiretso ako sa upuan ko. Pagkalapag ko ng mga gamit ko sa table ay bubuksan ko na sana ‘yung laptop ko nung may mag abot ng kape sa gilid ko at pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Michael na nakangiti habang hawak hawak niya pa din ‘yung kape. Napangiti ako nung makita ko siya. “Start your day with a cup of coffee and you'll feel better." Sambit niya na lalong nakapagpangiti sa akin dahil iyon din ang mga saktong salita na sinabi ko sa kaniya noon nung magkakilala kami. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala ‘yung mga panahon na iyon. **** Flashback **** Pasulyap sulyap ako sa wrist watch na suot ko at palingon lingon ako sa paligid. Napahinga ako ng malalim dahil sa inis na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi mas inuna ko pa ang manood ng kdrama kagabi kesa mag review para sa exam. Napuyat tuloy ako! Eh kasi naman, dapat ay bukas pa talaga ang exam pero inurong ni Ma’am ng mas maaga. Hays. Kaya ito ako ngayon sa cafeteria, nagr-review. As if naman na may maa-absorb ako sa 1 hour review bago ang mismong exam. Napalingon ako sa buong paligid at napansin ko ‘yung isang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan sa table kung saan ako nakaupo. Kilala ko siya! Classmates kami, kaso di ko close, tahimik kasi siya eh. Siya iyong tipo na introvert, kung introvert ako, mas introvert siya kasi bihira lang naman yan siya makausap at makakuwentuhan. Nakikita 'ko lang siyang nakikipag-usap sa classmates namin kapag may groupings o reporting. Gusto kong mag-review pero wala akong maka-partner. Hindi ako sanay mag isa eh. Bakit ba naman kasi ngayon pa naisipan ni Madison na umabsent eh, kung kailangan exam day! Huminga ako ng malalim at dahan dahan akong naglakad papalapit kay Michael. Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach eh. Mukha pa naman siyang badtrip din ngayon base sa facial expression niya. Siguro eh hindi rin siya nakareview kagabi. Malapit na ako sa kinaroroonan niya nung biglang may maisip akong gawin. Humihis ako at dumiretso muna sa stall na katabi ng inuupuan niya, puro kape ang tinda doon kaya naisipan ko munang bumili para sa kaniya at para sa akin na din. Hindi ako mapakali habang umu-order ako ay panay ang lingon ko sa kaniya. Baka kasi bigla siyang unalis eh. “Dalawang Spanish latte po, hot.” Magiliw na sambit ko doon sa tindera at wala pang 10 minuto qy inabot niya na sa akin iyong order ko kaya dali dali na akong nagbayad at hindi ko na kinuha ‘yung sukli. Abala pa din si Michael sa pagbabasa ng libro. Umubo ubo pa ako kunwari tapos ay inabot ko sa kaniya ‘yung kape. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka nung nag angat siya ng tingin sa akin. "Start your day with a cup of coffee and you'll feel better." Nakangiting sambit ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako ng ilang saglit pa at saka muling binalik ang tingin niya sa binabasa niya. “Sungit.” Bulong ko pa tapos nilapag ko ‘yung kape sa harapan niya. “Thank you.” Malamig niyang sambit. “Finding chairs or finding someone to review with?” ***End of Flashback*** That’s how we met.. Bumalik lang ako sa katinuan nung muli kong marinig ang boses ni Kie. “Nangangalay na akong, hays.” Reklamo niya kaya natawa ako at napailing. “Sorry.” Nakangiti kong sambit ag saka ko kinuha ‘yung kape tapos siya naman eh naupo sa tabi ko. “Kie, s-sorry nga pala-“ “Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi mo kasalanan yo’n. Kamusta ka na?” Nakangiting sambit na kahit paano ay nagpagaan ng loob ko. “Ayos naman-“ “Hindi ka nagr-reply sa mga text at tawag ko. Nag aalala ako sa’yo.. pero hindi naman kita puwedeng bisitahin.” Sambit niya pa na may halong panghihinayang at lungkot. “Pasensya na ha, pinag alala ko kayo.. ang dami kasing nangyari-“ “Wala yo’n, ang importante.. okay ka na. Ang dami mong kailangant i-catch up sa school at work!” Pabirong hirit pa niya kaya natawa ako tapos kinuha niya ‘yung ipad na nakapatong sa desk niya at inabot niya sa akin yo’n, naka-flash sa screen ‘yung mga notes na kailangan kong kopyahin at aralin. Huminga ako ng malalim at pabagsak kong sinadal 'yung likod ko sa swivel chair na inuupuan ko. "Puwede ba mag-drop na lang, Kie? Ang hirap eh." Reklamo at nakasimangot kong sambit kaya humalakhak siya tapos ay muling kinuha ‘yung ipad sa kamay ko. “Absent kasi ng absent eh.” Pabirong sambit niya. Masaya kaming nagk-kuwentuhan at asaran ni Kie nung matanaw ko si Amethyst na papalapit sa kinaroroonan namin. Napatayo ako sa upuan at nanlaki ang mga mata ko. Amethyst? A-anong ginagawa niya dito?! “Elle, Michael!” Magiliw nitong sambit sa amin kaya natulala ako. “Ah, I was about to consult my lawyer with regards to business matter but she’s not yet here eh, tapos ayon, I saw you guys kaya naisip kong lumapit para mag hello. So, dito pala kayo nagt-trabaho.” Nakangiting paliwanag ni Amethyst tapos ay nagkatinginan lang kami ni Kie. Ayoko na sanang i-entertain siya lalo na tuwing naalala ko ‘yung sinabi ni Gabrielle sa akin. Hays. Nakapa-feeling close maman kasi ng babaing to, bakit ba lapit pa siya ng lapit sa amin. “Ah, I see.. hintayin mo na lang ng konti si attorney baka paparating na yo’n. Anyway, mauna na kami ni Kie. May importanteng pinapaasikaso sa amin si attorney so baka hindi ka namin masamahan maghintay.” Nagmanadaling paalam ko sa kaniya kaya ngumiti lang siya at tumango. “Saan naman tayo pupunta?” Nakangusong tanong ni Kie nung nasa lobby na kami. “Basta, ayoko lang na ma-involve pa kay Amethyst. Alam mo naman ‘yung nangyari last time di ba? Baka kapag nalaman na naman to ni Gabrielle-“ “Hep… enough.. hindi mo kailangan magpaliwanag, naiintindihan ko.” Pagppakalma niya sa akin kaya naiyak ako at naging emosyonal. Niyakap ko siya kaya kinagulat niya yo’n pero agad din akong kumalas sa pagkakayakap. “Pasensya na, na carried away lang.” Humihikbing sambit ko. Hindi ko maintindihan bakit napaka-emosyonal ko ngayong araw. “Ikaw ha, crush mo siguro-“ “Hoy! Hindi ah! Ang kapal! Di ba puwedeng grateful lang ako sa’yo?!” Nakangusong depensa ko pa kaya tawa ng tawa si Kie sa reaksyon ko. Loko talaga eh! “Joke lang. Nga pala, sakto, may suprise ako sa’yo. Tama lang pala na umalis tayo ng office kasi may kikitain tayo.” Sambit ni Kie kaya napataas ako ng kilay sa sinabi niya. “Sino?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD