Chapter 13

1081 Words
Elle “Sino?” Kunot noo at takang tanong ko pero hindi siya sumagot at hinila niya lang ako palabas ng building. “Basta.” Sambit niya tapos pinasakay niya na ako sa kotse niya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami kalapit na restaurant ng workplace namin. Napangiti ako nung makita ko si Madison sa di kalayuan. “Madison!” Sabik kong sambit sa kaniya tapos ay tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya. “I miss you! Kamusta ka na?” Nakangiting tanong niya sa akin. "Namiss kita! Masyado ka kasing busy sa parties mo eh!” Naluluha kong reklamo sa kaniya. "Excuse me? Kayo nga ni Kie ang busy eh." Sarkastiko at nakasimangot na sambit ni Madison. Naupo siya sa tabi ko habang si Kie naman kaharap namin. "Eh, kamusta ka naman. Inaaway ka pa rin ba ng asawa mo?" Bulong nito sa'kin kaya bahagya akong napangiti kasi sa kanilang dalawa ni Kie, siya 'yung lagi kong nasasabihan ng mga problema ko tungkol sa relasyon namin ni Gabrielle. Kilala ko kasi si Kie. Baka kung sakaniya ko mag-open up ay magkakagulo lang. "Ano pauwiin ko na ba si Michael, para makapag-kuwentuhan tayo." Pabirong bulong pa nito sa'kin kaya nagtawanan kami. Nakita kong nagtatakang nakatingin sa amin si Kie. He place his elbow above the table. "Am I going to leave or what? Ako 'yung nag-set up nito pero bakit parang ako 'yung naa-out of place." Nakanguso pa niyang reklamo. Tas. Abnormal talaga tong lalaking na 'to. "Yes, please." Sabay naman naming tugon sa tanong niya kaya nagtawanan lang kami. Masaya kaming nag uusap usap mung mabaling ang tingin ko sa di kalayuan. Nakita ko si Amethyst.. kasama niya si Gabrielle at kakarating lang nila. Naupo sila sa table na malapit sa amin pero hindi niya kami napansin dahil abala silang mag usap. Kahit sina Kie at Madi ay hindi sila napansin. Guys, can we just go on another restaurant?” Baling ko sa kanila kaya nagtataka silang tumingin sa akin tapos maya maya pa ay baling din ang tingin nila sa gawi nina Amethyst kaya na aalangan silang tumingin sa akin. Natahimik ako at natulala habang pinagmamasdan sina Gabrielle na masayang nag uusap. “Elle, are you okay?” Nataranta ako nung mabaling ang tingin ni Gabrielle sa gawi namin nina Madison at Kie. Nagtama ang mga mata namin kaya parang napako ako sa kinauupuan ko. Is that the another girl?” Rinig kong mausisang tanong ni Madison pero agad akong umiwas ng tingin kay Gabrielle at nagpunas ako ng luha. “Excuse me..” Emosyonal kong sambit. Parang hindi ako makahinga sa tuwing nakikita ko silang magkasama dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako kahit na alam kong wala naman akong karapatan. Dali dali akong tumakbo papunta sa rest room dahil nakaramdaman ako ng paninikip ng dibdib ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nung kumalma na ako at babalik na sana ako sa table namin nina Madi at Kie para ayain silang lumapit ng table nung makasalubong ko si Tita Melissa?! Nataranta ako pero para akong napako sa kinatatayuan ko at namutla ako nung makita siya. “Elle, Hija?” Gulat na reaksyon niya nung makita ako. “Anong ginagawa mo dito?” Mausisang tanong pa niya pero parang walang salitang lumalabas sa bibig ko at hindi ko alam kung anong sasabihin. “Ma-“ “Are you fine? Looked so pale.” Alala niyang sabi. Anong ginagawa niya dito? Paano kung makita niya sina Amethyst at Gabrielle dito?! Mula sa di kalayuan ay ay natanaw ko sina Amethyst at Gabrielle na magkayakap. Nanlalambot ako pero hindi puwede, hindi sila puwedeng makita ni Mama. "Ma, I have a meeting with my friends. Would you like to join us?" Aya 'ko sakaniya. Tumungo ito at ngumiti, iniiwasan kong magawi ang tingin niya sa labas kung saan naroon sina Amethyst at Gabrielle. Buti na lang at medyo malabo ang mata niya at malayo layo naman ang table nila Gabrielle. Maingat ako habang naglalakad kami ni Mama habang naglalakad kami pabalik sa table namin nina Madison. Hindi ko maiwasang hindi lumingon sa gawi nina Gabrielle at laking kaginhawaan sa akin nung makita ko na papauwi na yata sila o baka may pupuntahan pa silang ibang lugar. Pero kung anuman yo'n ay buti na lang at nakaalis na agad sila ng restaurant bago pa sila makita ni Tita. Damn! Kung tutuusin hindi ko naman na dapat problema kung mahuli sila o hindi pero ano ba ‘to naiipit ako lagi sa sitwasyon eh. Pakiramdam 'ko gusto kong nang sumuko. Hindi ko na kaya iyong ganitong sitwasyon. Isa pa, ayoko na rin paasahin ang pamilya ni Gabrielle lalo na ang Mommy niya. Pagod na rin akong umasa at sa tingin 'ko.. Gabrielle deserves to be happy with the woman he love. Nakakapagod lokohin 'yung sarili mong may chance pa kahit ang totoo ay una pa lang ay wala na. “Guys, si Mama, mother ni Gabrielle.” Nakangiting pakilala ko kay Tita kina Madi at Kie. “Oh, kayo pala ang kaibigan nitong si Elle..” Nakangiting sambit naman ni Mama. Napahinga ako ng malalim habang pinakinggan lang sina Madi at Tita na masayang nag uusap. Muli akong magpaalam sa kanila na lalabas muna ako sa sandali para tawagan ‘yung kakilala kong lawyer. Hindi ko alam kung tama ba tong naging desisyon ko o kung anong magiging epekto nito sa mga tao sa paligid ko pero ito ang tingin kong ikakabuti ng lahat. Nasa may mini garden ako ng restaurant nung tawagan ko si Attorney. “Hello, Attorney, si Elle po ito. Puwede ho ba tayong magkita? Mayroon lang ho sana kasi akong gustong i-consult sa’yo.” Sambit ko mula sa kabilang linya. “Oh, Ms. Del Valle, sure. After class, we can talk. Besides, isang linggo ka ding absent kaya kailangan din kitang makausap talaga buti na lang you reached out.” Sambit ni Ma’am sa kabilang linya tapos no’n ay binaba niya na ang tawag. Babalik na sana ako sa loob ng restaurant nung paglingon ko ay nakita ko si Kie na nasa likuran ko at seryosong nakatingin sa akin. “K-kanina ka pa ba diyan?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. “Why did you call attorney-“ “Hindi ba, sabi mo, susuportahan mo ako? Kahit anong maging desisyon ko?” Desperado kong tanong sa kaniya at kita ko naman sa reaksyon niya ang willingness. “I wanna ask you a favor, Kie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD