Chapter 14

1576 Words
Elle “I want to discuss divorce, w-what are the complications, w-what should I do.” Mahina ngunit diretsahan kong sambit dahil tiwala naman ako kay Kie at alam kong isa siya sa puwedeng makatulong sa akin. Bakas sa mukha ni Kie ang pag aalinlangan dahil sa mga sinabi ko. “Sigurado ka na ba dito, Elle? I mean, alam niya na ba ‘yung desisyon mo?” Takang tanong ni Michael sa akin kaya napasinghap ako. “Pabor naman sa kaniya ito. At saka ko na sasabihin kapag naayos ko na ang papel at pipirmahan niya na lang. Madali lang naman mag-file kasi pareho naman kaming pumayag sa kasunduan namin. Matutulungan mo akong asikasuhin ito?” Kunot noong tanong ko sa kaniya tapos ay binigyan ko siya ng isang nag mamakaawang ekspresyon. Nguniti siya bago ako sagutin. “Of course, I always got your back.” Nakangiti niyang sambit kaya naman napangiti din ako pero hindi na ako muling nakapagsalita pa dahil nag-ring ang telepono niya. “Excuse me lang, ha. Sagutin ko lang ‘to.” Sambit niya tapos ay lumayo siya ng kaunti para sagutin ang tawag. Habang may kausap siya sa cellphone ay nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko at nakikita kong bakas sa mukha niya ang pag aalala. “Kie, okay ka lang? May problema ba?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya matapos niyang ibaba ang tawag. Umiling siya at humingang malalim. “Elle, I’m.. afraid that I may not able to help you right away. I need to go abroad, My mom and my sister got in to an accident and I need to go there to take care of them." Nag aalangan ngunit nag aalala niya ring paliwanag. Ramdam ko ang labis niyang pag aalala at kaba. Ayoko naman maging selfish para makiusap na manatili siya dahil alam kong mas kailangan siya ng pamilya niya ngayon. Makakapaghintay naman siguro ‘yung sa amin ni Gabrielle hindi ba? “Okay lang, huwag kang mag aalala, makakahintay naman siguro ‘yung plano ko. Ang importate ngayon eh ‘yung mama at ate mo.” Nakangiting sambit ko sa kaniya para mapanatag ang loob niya. Sino ba naman ako para tumutol na huwag siyang bumalik ng states para lang tulungan ako diba? Mas kailangan siya ng Mommy at kapatid niya ngayon kesa sa kailangan ko siya. “Pangako, Elle. Babalik ako agad para maasikaso natin yang problema mo.” Nakangiti ngunit tarantang sambit niya tapos ay niyakap niya ako. “Sabihin mo na lang kay Mads, nauna na ako..” Nagnamadalig sambit niya kaya naiwan akong mag isa dito. Hindi 'ko lang maiwasang hindi malungkot kasi halos araw araw kong kasama si Kie sa school at sa work tapos ngayon ilang araw o buwan siyang mawawala at walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Maya maya ay pabalik na sana ako sa loob ng restaurant nung makasalubong ko si Madison na parang may hinahanap. “Elle, nandito ka lang pala! Hinanahanap ka na ni Tita.” Sambit niya tapos ay muli siyang lumingon sa paligid na parang may hinahanap. “Nakita mo ba si Kie? Bigla din kasi siya-“ “Na’ko, may emergency kasi siya kaya nauna na siya. Paliwanag ko later.” Sambit ko wa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa puwesto namin kung nasaan si Tita. “Elle, alam mo ba, natutuwa akong makilala itong mga kaibigan mo.” Nakangiting salubong ni Tita sa akin nung makabalik kami ni Madi sa table kaya napatango ako at napangiti. Hindi naman halata na enjoy niya ang company ni Madi, kung makapag usap sila kasi sila kala mo matagal na silang close at magkakilala. Habang masaya silang nagkukuwentuhan ni Madi ay nanatili lang akong tahimik dahil hindi pa din mawala sa isipan ko si Kie at ‘yung plano kong gawin. Aaminin ko, busgso lamang ng damdamin ito pero alam ko din sa sarili kong ito ang pinakatamang gawin. “Hija?” “Hija?” Napaangat ako ng tingin nung marinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita. Ilang minuto na pala akong nakatulala sa harapan nila. “Ayos ka lang ba, nak?” Malambing at nag aalala niyang tanong sa akin kaya napangiti ako at napatango. “O-Opo, Ma. May iniisip lang po.” Nakangitinh sagot ko pero mas lalo akong nakaramdam ng taranta dahil sa sinabi ni Tita Melissa. “Hija, siya nga pala. Sasama ako sa’yo pauwi.” Nakangiting sambit niya na ikinagulat ko. “Po?” Kunot noo at gulat na tanong ko. “Sasama ako pauwi. Gusto ko kasing i-surpresa si Gabrielle. Besides, hindi na kayo nakakasama sa family dinner natin every sunday.” Nauutal ako at hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi, hindi siya puwedeng sumama! Baka mabuko niya kami ni Gabrielle! Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Ah, Ma. Sigurado ho ba kayo?” Ulit ngunit nakangiting tanong ko pa sa kaniya kaya bakas sa mukha ni Tita ang pagtataka. “Bakit? May problema ba? Ayaw niyo ba akong kasama ni Gabrielle-“ Malungkot ang ekpeesyon niya at parang nagtatampo kaya agad kong pinutol ang sinasabi niya. Napatingin ako kay Madi na naka-poker face lang. “Wala, Ma. You know what. Gabrielle misses you too na din po.” Nakangiting sambit ko pa pero natataranta na ako at agad kong binuksan ang cellphone ko para hanapin ang numero ni Gabrielle para sana i-text siya. Pero napabuntong hininga na lang ako nung mapagtanto kong wala na nga pala akong numero ni Gabrielle. Paano ‘to? “Tita, Elle. Mauna na po ako.” Nakangiting paalam sa amin ni Madi. “Balitaan mo ako anong mangyayari ha, update ka.” Bulong niyang sambit nung nakipagbeso siya sa akin bago umalis tapos ay doon na kami naiwan ni Tita at saka siya nag ayang umuwi. “Tara na, Hija. I’m getting tired already.” Aya ni Tita sa akin kaya napailing ako. “Ma, sigurado ho ba kayo-“ “Hija, bakit ba tanong ka ng tanong? Meron ba akong hindi dapat malman?” Seryoso niyang tanong kaya nakaramdam ako ng kaba. “Ah, W. Wala-“ “Oh, I’m just kidding, Hija! Nakangiting sambit ni Tita kaya para akong nabunutan ng tinik. “Psensya na po, Ma. Kasi nahuhiya po ako. hindi kami ready, makalat sa bahay, abala kasi kami palagi-“ “Hija? Sa akin pa ba kayo mahihiya? It’s fine. I will help you out if you need help.” Sambit pa niya habang nasa biyahe na kami pauwi. Hindi ko pa naman alam kung anong oras ang uwi ni Gabrielle! Hanggang makarating kami ng mansyon ay hindi pa rin ako mapakali. “Manang, nandiyan na po ba si Gabrielle?” Pabulong kong salubong doon sa isang helper mamin pero hindi pa man siya nakakasagot na kita ko na si Gabrielle na pababa mula sa second floor. “Gabrielle.” Pabulong at taranta kong tawag sa kaniya tapos ay tatakbo sana ako papalapit sa kaniya nung sumulpot sa harapan namin ang mama niya kaya bakas sa mukha niya ang gulat nung makita ang mama niya tapos ay tinignan niya pa ako ng masama. “Ma? W-what are you doing-“ Nag aalamgan niyang tanong tapos ay lumapit siya sa ina para i-beso ito at yakapin. “Anak, hello, Hija.” Masayang salubong ni Tita Melissa sa anak. “Ma, napadalaw ho kayo.” Nakangiti at kabadong sambit ni Gabrielle. “May importante ho ba kayong sasabihin?” Hulang tanong pa niya. Tapos ay nung napatingin siya sa akin ay bakas ang pagtataka at mga tanong sa mga mata niya. “Ah, excuse me. Ma, Hon. uhm, i’m going upstairs.” Pagitan ko sa kaniya tapos ay dali dali na akong umakyat papunta sa kuwarto ko at hinayaan ko na lamang silang makapag usap. Pagod na ako at inaantok, gusto lang na magpahinga. Bahala na si Tita Melissa ang magpaliwanag sa anak niya. Sa sobrang antok at pagod ay dali dali akong nahiga sa kama ko nung makapasok ako sa kuwarto. Maya maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ‘yung nagtext. “Elle, pasensya na sa biglaan kong pag alis. I promised, babawi ako pagbalik ko. For now, take care of yourself.” Sambit ni Kie sa mensahe niya. Abala akong binabasa ang mensahe ni Kie nung marinig kong may kumakatok sa pintuan. Sigurado akong si Gabrielle iyon kaya umayos ako at naupo sa kama. “Bukas yan!” Sambit ko kaya biglang bumukas ang pintuan at niluwa no’n si Gabrielle na mukhang iritado. “Ano ‘to, Elle. Bakit hindi mo man pinigilan-“ Mariin ang tono ng boses niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Teka, bago mo ako sisihin, hindi ko din alam ano trip ng mama mo! At sa maniwala ka man o hindi, sinubukan ko naman siyang pigilan kaso baka mas lalo siyang makahalata sa set up-“ “Lower your voice!” Mariin niyang pigil sa sinasabi ko kaya natahimik ako. Napailing siya at napahinga ng malalim tapos ay muli niya akong hinarap. “She’s going to stay for a week. Hindi ka puwedeng matulog dito. Do’n ka sa kuwarto ko matulog. Hindi niya tayo puwedeng makita na magkahiwalay ng kuwarto. Maliwanag ba?” Sambit niya sa akin na kinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng kaba at pagkataranta. “Teka-“ “No, buts, Elle. Matutulog tayo na magkatabi..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD