Gabrielle “Kuya! Kuya!” May naririnig akong tumatawag sa pangalan sa akin pero wala ako sa ulirat. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Muntik pa akong mapabalikwas matapos kong tumayo sa kinahihigaan ko. Nagising akong nanlalamig ‘yung pawis ko at nanginginig ako. Nilingon ko ang paligid at doon ko nakita si Celestea na nakatayo sa harapan ko at mukhang nagtataka siya. “Panaginip lang ‘yon?” Halos pabulong kong tanong tapos ay napatingala ako kay Celestea. “I guess, sinisigaw mo ‘yung pangalan ni Ate Elle eh.” Sambit pa niya at saka siya na upo sa tabi ko. Napailing ako at napahinga ng malalim dahil sa panlulumo. “Nakita ko siya sa panaginip ko, I was in Amethyst’s birthday party, I was about to expose her.. dumating si Elle. Sabi niya sa akin na.. gusto niya na daw makipaghiwalay..

