Madison Napalingon ako kay Elle nung sinabi niyang masakit raw ang tiyan niya. “Madi.. s-sumasakit ‘yung tiyan ko..”. Halos na tatarantang sabi ni Elle kaya agad akong bumaling don sa driver. “Ano? Wait!! Sir could we change, to the hospital, my friend is about to give birth!!” Taranta kong sabi na agad naman na-gets nung driver kaya agad siyang nag iba ng daan. “Madison, manganganak na yata ako..” halos pasigaw na sambit ni Elle. Jusko! Sa susunod na linggo pa ang due date nito bakit naman excited lumabas ang mga babies?! Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital. “Emergency, emergency..” sigaw ko doon sa mga nurse kaya agad nila kaming inasikaso papunta sa emergency room. “You cannot enter.” Mariing sabi ng isang nurse, harang niya sa akin sa m

