Madison Napatulala ako dahil sa sinabi nung doctor. “You are two months pregnant, Ma’am..” Ulit pa niya pero bakas din sa mukha niya ang pagtataka. “So, meaming to say, this is your first check up?” Kunot noong tanong nung doctor kay Elle na mukhang naguguluhan at nagulantang dahil sa sinabi nung doctor. “Oo nga pala, nakita ko sa records mo Ms. Del Valle na kasal ka? Pero hindi mo ginagamit ang surname ng husband mo? Nasaan nga pala siya?” Mausisa pang tanong nung doctor. Aba, tsimoso tong doctor na ‘to ah! “Wala po, doctor, hiwalay na po kami.” Malungkot na sambit naman ni Elle. Tumango ang doctor at sa akin naman siya bumaling. “I assume your are a relative or a friend?” Kunot noong tanong niya sa akin. “Can I talk to you?” Tanong pa niya kaya tumango ako. “I will give pr

