Celestea Para akong napako sa kinatatayuan ko, isang malalim na buntong hinga ang kumawala sa aking bibig. Matapos ang ilang taon, nagkita na din ulit kami ni Kuya. Bakas sa mukha niya ang pagkagukat at pagkalito, marahil ay iniisip niya kung totoo ba ang kaniyang nakikita o nananaginip lamang siya. “Kuya.” Pabulong kong sambit pero nanatili pa din siyang nakatulala. Emosyonal akong tumakbo papalapit sa kapatid ko at niyakap ko siya. Sa tagal ng panahon na nawalay ako sa kaniya, siguro iniisip nila na baka patay na ako. At hinding hindi ko mapapatawad ang babaing sumira ng buhay ko, ang babaing dahilan kung bakit ako nawalay sa mga magulang at kapatid, si Amethyst. Napakasama niya! Sana lang ay matauhan na ngayon si Kuya, hindi ko gusto na mapahamak din siya dahil sa babaing yo’n. S

