Gabrielle Napahinga ako ng malalim habang nagmamaneho, kasama ko ngayon si Celestea ang bunso kong kapatid at papunta kami sa bahay nina Mom and Dad. Para akong wala sa wisyo matapos malaman lahat ng nangyari sa kapatid ko, at kay Elle. Kasalanan ko ‘to, kung hindi ko hinayaang makapasok sa buhay namin si Amethyst, hindi mangyayari ‘to. Matagal akong nagpabulag dahil sa pagkakamahal ko sa kaniya. Sana noong nawala pa lang si Celestea ay hininto ko na, pero hindi.. “Kuya, ayos ka lang ba?” Tanong ni Celestea kaya sandali akong napalingon sa kaniya. “Sa tingin mo ba, nasa maayos na kalagayan ang asawa ko?” Tanong ko sa kaniya pero natahimik lamang siya. “Hindi ko alam, pero.. sana katulad ko ay nakaligtas siya.” Sambit pa ni Celestea. “Kasalanan ko ‘to, noon pa lang sana nakinig n

