Chapter 74 Gian Lee Hindi ako dalawin ng antok. Pabiling-biling ako sa kama. Parang may kulang? Tsk pambihira. Mukhang hindi na ko sanay ng wala si Samantha sa tabi ko, ah? Gusto kong katabi ko na siya palagi. Gusto ko kayakap ko siya. At gusto ko palaging nakikita ang magandang mukha niya na hindi ko pagsasawaang titigan. Gusto ko siya ang una kong makikita paggising ko at siya rin ang huli kapag matutulog na ko. Tsk bakit ba ko nagtitiis dito? Magkatapatan lang naman ang mga kwarto namin. Pwede ko siyang puntahan. Pwede ko ring tabihan at yakapin. Pumayag naman kaya siya? Baka naman isipin niya umaabuso na ko? Pero tatabihan ko lang naman siya, wala akong gagawin. Hindi ko ugaling mamilit kapag ayaw. Unless magpakita siya ng motibo? Hindi ko na siya tatanggihan. Haha. But knowing he

