Halos maipit si Summer sa mga yakap ni Nana Selya kinabukasan nang ihatid ito ng driver ni Hunter. Hindi pa nga yata siya nagigising ay dumating na ang mga ito. Ganoon ka-excited si Nana Selyang makita siya. Kagabi ay tumawag ito at sina Hunter, labis siyang natuwa at natawa dahil sa reaksiyon ni Nana Selya. Sayang nga lang at wala si Kirsten sa kabilang linya dahil may business trip itong dinaluhan. Pero next week ay kasama naman daw ito at pati na ang anak nila ni Hunter na dadalaw sa kanya. "Angganda-ganda mo na, Agnes!" Kapagkuwan ay ani Nana Selya nang magbitaw sila sa pagkakayakap. Bahagyang natawa si Summer habang pinupunusan ang butil ng luha sa kanyang mata. Hindi pa rin nito maiwasang tawagin siya sa pangalang Agnes. Well, sa totoo lang ay wala naman talagag kaso sa kanya kung

