Chapter 15 - Photograph

2349 Words

Nakadungaw sa bintana si Summer nang umagang iyon at pinapanood ang pagpatak ng malakas na ulan sa labas. Ngayon sana sila lalabas ni Sid dahil ipapasyal siya nito ngunit tiila hindi matutuloy dahil sa masamang panahon. Inaunsiyo kagabi na ang low pressure area ay naging ganap nang bagyo. Sumimsim si Summer ng kape mula sa tasa at saka muling pinasadahan ng tingin ang mga punong umiindayog sa lakas ng hangin. Ilang sandali pa ay nangunot ang noo niya nang makita ang sasakyan ni Sid na papasok sa gate ng villa. Pinagbuksan ito ni Mang Arnaldo, isa sa mga tauhan sa resthouse. Agad na inubos ni Summer ang natitirang laman ng tasa bago bumaba upang salubungin ang lalaki. Pagkapasok nito ng bahay ay nabigla si Summer nang makita itong basang-basa sa ulan. "You're soaking wet! My god Sid, wha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD