“SANA kahit papaano, napanatag ang loob mo, Lucille. Pangako, hindi na namin siya hahayaang makalapit sa’yo.,” sinserong sabi ni Belle sa kanya. “No worries, Belle.” Iling ni Lucille. “Nakakalungkot nga lang isipin na ang itinuring kong kaibigan ay may hindi magandang balak sa’kin. Sa loob ng anim na buwan, akala ko nakahanap na ako ng grandmother figure. But I was wrong.” Buntong-hininga niya saka sumulyap sa wallclock ng ospital. Naroon siya sa hospital bed sa private room, beside her was Belle— the fourty year-old daughter of Elizabeth— sitting on a chair while carrying her sleeping baby boy. “Kaya hindi ako magsasawang mag-sorry sa’yo nang paulit-ulit sa ginawa niya. Alam ko kasing mahal na mahal niya si Kuya Winston na parang higit sa’min kaya niya nagawa iyon. Pero mali pa rin, at

